Sa kabila ng mga balakid na naranasan nitong nakaraang DSPC, si Carl Chua ay nananatiling determinado. Layunin niyang masungkit ang unang puwesto at gawing four-peat ang kaniyang korona sa balitang pampalakasan. Ating suportahan ang panibagong laban na handang ipanalo ng ating tunay na MVP! #DSPC2025 #HusayNgPaSci

Ang bawat tagumpay ay hakbang patungo sa mas mataas na pangarap.”
Simula noong ika-5 baitang, si Joebbie Gaugano ay nagpamalas na ng husay sa larangan ng Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita, na nagbigay sa kaniya ng ikalawang puwesto sa DSPC 2019 at pagkakataong sumabak sa RSPC sa parehong taon. Sa darating na DSPC 2025, dala niya ang dedikasyon at layuning makuha ang unang puwesto. Suportahan natin si Joebbie Gaugano at ang iba pang delegado ng Ang Liwanag habang tinatahak nila ang tagumpay! #DSPC2025 #HusayNgPaSci

Ang bunga ng limang taong dedikasyon at pagsusumikap.
Para kay Jacqui De Gueño, ang DSPC ay hindi lamang isang kompetisyon kundi isang misyon—ang magsilbing modelo ng paghahatid ng balitang agham at teknolohiya. Sa loob ng limang taon niyang pagsali, dala niya ang tapang at aral mula sa mga nakaraang tagumpay at pagkatalo. Sa muli niyang pagsabak, nagsisilbi siyang inspirasyon sa ibang mga mamamahayag na lagpasan ang kanilang mga limitasyon. “Ngunit hindi ko ito gagawing hadlang upang hindi na muli maka-pwesto. Hindi ako susuko na maibalik ang korona ko ngayong DSPC 2025,” ani niya. Suportahan natin si Jacqui De Gueño at ang iba pang delegado ng Ang Liwanag habang binibigyang-liwanag ang mundo ng pamamahayag! #DSPC2025 #HusayNgPaSci

Ang bawat karanasan ay kuwentong dala-dala habang buhay.
Para kay Leurlee Sicat, ang DSPC ay hindi lamang isang patimpalak, kundi isang oportunidad upang maunawaan ang kahalagahan ng pamamahayag, pagkamalikhain, at pagkakaibigan. Mula sa pagkamit ng ikalimang pwesto noong 2022-2023, hinahangad niya ngayong taon na maitala muli sa nangungunang lima at patuloy na matuto mula sa iba’t ibang kuwento ng kapuwa kalahok. Ating suportahan si Leurlee Sicat sa kaniyang layunin at ang buong koponan ng Ang Liwanag sa DSPC 2025! #DSPC2025 #HusayNgPaSci

Ang pagsusulat ay isang paglalakbay—hindi lang ng salita, kundi pati ng tapang at pananampalataya
Mula sa kaniyang unang hakbang sa journalism noong ikaapat na baitang hanggang sa mga pagsubok na hinarap sa Division Schools’ Press Conference, si Zacharie Macalalad ay isa ng mahusay na manunulat ng balita ng Ang Liwanag. Patuloy siyang nagsisikap upang kasing talim ng kaniyang lapis ang kaniyang kakayahang maghatid ng katotohanan. Sa kabila ng mga balakid tulad ng kawalan koneksyon lalo na sa panahon ng pandemya, hindi siya tumigil sa kaniyang layunin. “Sa tulong ng Panginoon at masusing pagsasanay, inaasam ko na magtagumpay at manalo,” ani niya. Suportahan natin si Zacharie at ang buong koponan ng Ang Liwanag habang ipinapamalas nila ang tapang at husay sa paparating na DSPC 2025! #DSPC2025 #HusayNgPaSci

Ang pagsulat ay hindi lang talento, kundi simbolo ng dedikasyon.
Para kay Jhoana Muega, ang pagsulat ng lathalain ay hindi lamang tungkol sa malikhaing pagsulat, kundi pati na rin sa pagsisikap at pagiging tulay ng katotohanan. Sa kabila ng pagsubok na dala ng pagbabago sa kanilang grupo noong DSPC 2024, nananatili siyang inspirasyon sa kaniyang hangaring maghatid ng kuwento na may lalim at layunin. “Sa tulong ng gabay ng mga tagapagsanay at suporta mula sa aking mga kakilala, pagsisikapan ko na ipagpatuloy ang pagsusulat upang maging sulit ang paghihirap ng aking mga kapwa manunulat,” ani niya. Suportahan natin si Jhoana Muega at ang mga mamamahayag ng Ang Liwanag sa DSPC 2025! #DSPC2025 #HusayNgPaSci

Bagong hamon, bagong aral, ngunit magiging boses ng katotohanan.
Para kay Pauline Bocago, ang unang pagsabak sa Division Schools’ Press Conference ay isang makabuluhang hamon. Mula sa pagsusulat ng editoryal patungo sa kolum, hatid niya ang kaniyang personal na opinyon at estilo upang mamulat ang mga pananaw ng mga mambabasa. “Sa DSPC, ang pangunahing layunin ko ay hindi lamang manalo kundi mas mapalawak ang aking kakayahan sa pagsulat at mas mapabuti ang aking sarili bilang isang manunulat,” ani niya. Suportahan natin si Pauline Bocago at ang buong koponan ng Ang Liwanag sa kanilang hangaring magdulot ng inspirasyon at positibong pagbabago sa mundo ng pamamahayag! #DSPC2025 #HusayNgPaSci

First Friday Mass for 2025
Correspondent: Pearl Belena, Gabrielle Ayesha Nicolas, Juan Carlos Llames, Santine Mauritius Susa, Jezreel Samantha Diosa, Maria V. Pascual, Ali Lopez, and Daniel Jefferson Quintin Pasay City National Science High School commenced the year with its First Friday Mass for 2025, held at the school’s gymnasium. Students, faculty, and staff gathered on January 10 to reflect on the past year and seek blessings for the year ahead.

Nakakakaba, nakakaexcite, ngunit higit sa lahat, nakaka-inspire.
“Nakakakaba, nakakaexcite, ngunit higit sa lahat, nakaka-inspire.” Sa nalalapit na Division Schools’ Press Conference 2025, ating kilalanin si Dahlia Aganan, isang patunay na ang tagumpay ay bunga ng dedikasyon. Mula sa kaniyang unang karanasan noong DSPC 2019 kung saan nakamit niya ang ikatlong puwesto sa Pagsulat ng Pangulong Tudling at ang ikalimang puwesto sa RSPC. Hanggang ngayon, dala niya ang aral at inspirasyong nakuha niya bilang batang mamamahayag. “Hinahangad ko na magsilbi itong inspirasyon at oportunidad sa bawat isa upang hubugin ang ating kakayahan sa makatotohanan at makatarungang pamamahayag,” ani niya. Suportahan natin si Dahlia Aganan at ang mga mamamahayag ng Ang Liwanag sa kanilang hangaring magtagumpay at magdala ng liwanag sa mundo ng pamamahayag! #DSPC2025 #HusayNgPaSci

Division Schools Press Conference 2025
Something exciting is back—are you thinking of the right thing? The Division Schools Press Conference 2025 season has finally arrived, and The Quantum journalists are ready to conquer the competition once again to show the signature #HusayNgPaSci banner. After weeks of rigorous training, they are fully prepared to represent our alma mater. Before the big day, let’s take a moment to spotlight our outstanding journalists who are set to shine on the journalism stage. Beginning with the individual category contestants. Meet the lucky 9—our fierce competitors who are ready to set the stage on fire! After weeks of relentless training, they’re primed to showcase their talent and leave a lasting impression on stage.