Isinulat ni: Gabrielle Ayesha Nicolas
Sinuri nina Gng. Myra Jaime at Mark Matthew Vitug
Mga larawan ni Mervyn Mason Valdez

Idinaos nitong Nobyembre 19, 2024, sa gymnasium ng Pasay City National Science High School ang Work Immersion Orientation na may temang “Empowering the Stewards of Tomorrow,” na dinaluhan ng mga mag-aaral ng Baitang 12 at ng kanilang mga magulang.

Sinimulan ang kaganapan sa rehistrasyon ng mga mag-aaral na sinundan ng doxology at pormal na binuksan ang programa ganap na 8:30 ng umaga sa pangunguna nina Xyrel James Canonoy at Shaun Mustang G. Jacinto bilang mga tagapagdaloy ng programa.

Nagbigay ng pambungad na pananalita ang punongguro ng PCNSciHS na si Dr. Mark Anthony F. Familaran, na sinundan ng pagpapakilala ni Gng. Maria Leonora Luisa B. Angeles, Teacher-in-Charge ng Work Immersion, ang tagapagsalita na si Bb. Kiana F. Isturis, isang lisensyadong guro. Tinalakay ng tagapagsalita ang mga inaasahan sa work immersion, mga kasanayang dapat taglayin, at mga impormasyong kailangang alamin bago mag-apply.

Pinangunahan ng mga tagapagdaloy ng programa ang takeaway activity kung saan hinikayat ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang natutunan mula sa naging talakayan.

Sinundan ito ng isang intermisyon mula kay Mekylla Marie Villapaña ng 12-Del Mundo, at tinapos ito ng saktong 10:02 n.u. sa pangwakas na pananalita ni Anica Martha C. Victoria, kinatawan ng SSLG ng Baitang 12.

Samantala, ang orientation para sa mga magulang ay sinimulan ng 12:30 ng tanghali sa pamamagitan ng rehistrasyon na sinundan ng preliminaries.

Nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Mark Anthony F. Familaran, at sinundan ito ng Work Immersion Talk kasama sina Gng. Maria Leonora Luisa B. Angeles, Gng. Jackyline T. Lagaña, puno, Kagawaran ng Ingles.

Natapos  ang kaganapan ganap na 3:00 ng hapon sa pangwakas na pananalita ni Gng. Lagaña.

Nagbigay-liwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng work immersion bilang paghahanda para sa kanilang kinabukasan ang kabuoan ng programa.