| Althea Loro
| Leigh Ann Prado

Isang titik, isang salita,
Pangungusap ay nabubuo kung ito ay pinagsasama-sama.
Subalit ano nga ba ang halaga?
Araw-araw kung gamitin, itong bagay na kung tawagin ay wika.
Sa sarili man o sa iba,
Pag-uusap ay hindi mawawala.
Kasangkapang taglay ng masa,
Matagumpay na komunikasyon ang dala.
“Kaluluwa” ang isa sa mga kilalang bansag,
Hindi lamang sandata, isa rin palang kalasag.
Dumaan sa dugo, sa libo-libong labanan,
Ngunit sa huli, nagtagumpay, nakamit ang kasarinlan.
Isang tunay na malansang isda,
Itong mga taong hindi mahal ang sinasalita.
Bagaman ang kaalaman sa iba’t ibang lenggwahe’y mahalaga,
Huwag tatalikuran ang pinagmulan at unang wika.
Sa kabila ng mabilis na pag-usad,
Filipino ay panatilihing matatag.
Pagbabago man ng mga nakasanayan ay ‘di maiiwasan,
Dapat pa ring isaisip at isapuso na ang sariling wika ay ang kinabukasan.