Mahal kong Talaarawan,
Balik-eskwela na naman! Panahon na ulit ng alarm clock na hindi naman pinapansin, uniform na parang lumiit, at baong ang laman ay… dasal na sana walang quiz.
Iba ang pakiramdam ngayon, ‘no? Hindi lang kaba, kundi puno ng pag-asa! Ang daming bagong mukhang makakasalamuha pero may iisang layunin—ang matuto, mangarap, at muling magsimula.
Sa bawat araling matututuhan, may bagong aral din sa buhay na matutuklasan. Minsan, tayo’y mapapagod at malilito, ngunit walang magbabago— dahil ang bawat hakbang, maliliit man o mabagal, ay papalapit sa pangarap.
Iba-iba man tayo ng baong kuwento, lahat naman tayo ay may pare-parehong baong lakas ng loob. May iilan na tahimik ngunit puno ng tapang, may iilang kabado pero hindi humihinto. Parang ako lang. Hindi pa perpekto, pero nais matuto.
Para sa bawat umagang mapupuno ng pag-asa, ito na ang simula.
Hanggang sa susunod,
– Ako, ang estudyanteng may pusong puno ng pangarap.
