Isinulat ni: Zacharie Macalalad
Patnugot ni: Psalm Nuguit
Sinuri nina: Gng. Myra Jaime at Ayesha Salazar
Itinampok sa blog ng UNESCO Asia-Pacific Teacher Exchange for Global Education (APTE) ang sanaysay ni G. Mark Reniel L. Balolo, Teacher III ng Pasay City National Science High School at kasalukuyang guest teacher sa Suncheon Hyosan High School sa Korea.
Bilang paggunita sa Araw ng mga Guro sa Korea noong ika-15 ng Mayo, hinilingan ng APTE sina G. Balolo at isang guro mula sa Mongolia na ibahagi ang kanilang mga alaala tungkol sa pagdiriwang sa kani-kanilang bansa.
Sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Thoughtful Tears,” inilahad ni G. Balolo ang mga kaugalian ng mga Pilipino tuwing ipinagdiriwang ang Araw ng mga Guro.
“On October 5, students or the school’s Supreme Student Government often organize events, sometimes with special activities planned for each class. Students show their appreciation by giving flowers, chocolates, handwritten letters, small gifts- or even singing songs for their teachers!” ayon sa kanya.
Dagdag pa ng guro, nadarama niya ang malalim na pasasalamat at kasiyahan tuwing ipinagdiriwang ito. Sa kanyang halos siyam na taong pagtuturo, nauunawaan niyang hindi madaling propesyon ang pagtuturo dahil kalakip nito ang malaking responsibilidad sa paghubog ng pagkatuto at pangarap ng mga mag-aaral.
Isa si G. Balolo sa mga kalahok sa Korea-Philippines Teacher Exchange Program 2025, na bahagi ng APTE.
Layunin ng programang ito na paigtingin ang pandaigdigang kakayahang pang-edukasyon, palalimin ang pag-unawa at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa, maibahagi ang mga karanasang pang-edukasyon, at mapabuti ang kabuuang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto.
Bisitahin ang link na ito para mabasa ang buong sanaysay ni G. Balolo, “Thoughtful Tears”:
https://aptenpebbles.blogspot.com/…/teachers-day-around…
