: Adrian Banaag at Christine Fernandez
: Chainne Guevarra at Santine Susa

Idinaos ang Research Symposium na may temang “Circular Economy with Community: Empowering the Climate Vulnerable to Climate Solutions” kasama ang ilang kawani ng Accenture at MAD Travel, mga piling mag-aaral sa ikawalo hanggang ika-11 baitang, at mga guro, sa Pasay City National Science High School ngayong ika-15 ng Setyembre.

Nagbahagi si G. Raf Dionisio, Co-founder ng MAD Travel tungkol sa epekto ng basura sa ating ecosystem at mga solusyon tulad ng paggawa ng mga bagong produkto mula rito.

Nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang mga mag-aaral patungkol sa naging lektyur.