Patnugot ni Angelique Inlong

Ang kanilang mga aral ang nagsisilbing liwanag para sa ating kinabukasan. Sa pagtayo sa ating harapan, nagawa nilang maging gabay sa landas ng pagkatuto at tanglaw ng ating mga pangarap at tagumpay. Sa kanila, natutunan nating harapin ang mga hamon ng buhay nang may tapang at determinasyon.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Guro, taos-puso nating pasalamatan ang kanilang dedikasyon at sakripisyo. Sa kabila ng bigat ng kanilang responsibilidad, patuloy silang nagsisilbing haligi ng pag-asa at inspirasyon para sa bawat mag-aaral.

Maligayang Buwan ng mga Guro mula sa Ang Liwanag!