Isinulat ni: Chloe Villaruel
Larawang kuha ni: Ellise Salipande
Sinalaksak ng Pasay City National High School (PCNHS) ang Pasay City National Science High School (PCNSciHS) matapos makuha ang na 61-11 iskor sa Division Palaro 5×5 Women’s Basketball sa Pasay City East High School ngayong hapon, Nobyembre 28.
Kumawala agad ang PCNHS sa unang bahagi ng laban, ipinamalas ang kanilang solidong depensa at mabilisang offense na naging susi upang makuha ang malaking kalamangan. Hindi na nakabawi ang PCNSciHS matapos pigilan ng PCNHS ang kanilang ball movement at scoring opportunities na nagresulta sa kanilang pagkatalo sa laban.







