Isinulat ni: Chloe Villaruel
Larawang kuha ni: Jasmine Ayaton
Hindi nagpatinag ang Pasay City North High School – M. Dela Cruz (PCNHS-MDC) nang ipako ang Pasay City National Science High School sa iskor na 70-4, sa Division Palaro 5×5 Women’s Basketball na ginanap sa Pasay City East High School Gymnasium kahapon, Nobyembre 26.
Pawang may dalawang puntos sina Rhys Balangon at Rhenoah Guerrero, alas sa opensa ng PaSci sa buong laban.












