Nagtagisan ng husay at talento ang bawat cluster sa mga aktibidad na inihanda ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) para sa pagdiriwang ng Ika-23 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Pasay City National Science High School nitong Hunyo 27.
Nahati sa apat na cluster ang buong paaralan: Blue Braniacs, Red Jocks, Green Skater Dudes, at Yellow Thespians, na binubuo ng mga mag-aaral mula sa bawat baitang at mga guro mula sa iba’t ibang kagawaran.
Ipinamalas ng bawat cluster ang liksi at mabisang estratehiya sa unang laro ng programa, ngunit nangibabaw ang Blue Braniacs sa nasabing bahagi.
Nagwakas ang programa sa pampinid na pananalita ni Filha Ray Bautista, Pangulo ng SSLG.
“Once a PaScian, always a PaScian,” ‘ika niya.
Naidaos ang programa sa tulong nina Remmy Parcia, SSLG Public Information Officer, at Emmanuel Nepomuceno, SSLG Grade 12 Chairperson, bilang mga tagapagpadaloy.












