Isinulat ni Zacharie Macalalad 
Mga larawan nina Mervyn Valdez, Shan Galura, at Jed Palonpon

 

Nag-uwi ng medalya ang mga mag-aaral ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) mula sa naganap na Regional Schools Press Conference (RSPC) sa St. Andrew’s School Inc. Parañaque noong ika-26 at 27 ng Pebrero.

Nagtagumpay sa ikalawang pwesto sina Carl Vincent Chua sa kategoryang Pagsulat ng Balitang Pampalakasan – Secondary Level (FILIPINO) sa tulong ng kanyang gurong tagapagsanay na si Bb. Ashlee Magistrado at Jedrick Lawrence Palonpon sa kategoryang Photojournalism – Secondary Level (ENGLISH) sa ilalim ng pagsasanay ni G. Mark Reniel Balolo.

Natamo naman ni Nikita Xyzelle Pariña ang ikatlong pwesto sa kategoryang Sports Writing – Secondary Level (ENGLISH) sa gabay ni G. Mark Reniel Balolo, gurong tagapagsanay.

Nakamit din ni Xyrel James Canonoy ang ikalimang pwesto na Most Outstanding Campus Journalist of the Year – Secondary Level.

Para naman sa pangkatang kategorya, nakuha ng PaSci ang ikalimang pwesto sa kategoryang Radio Broadcasting and Scriptwriting – Best in Technical Application at Best in Overall Radio Production (English – Secondary Level) sa ilalim ng pagsasanay ni Gng. Jackyline T. Lagaña.

Nanalo rin ang Schools Division of Pasay City (SDO-Pasay) ng ikaapat na pwesto sa Best in Overall TV Production, ikaapat na pwesto sa Best in Script at ikalimang pwesto sa Best in Technical Application sa ilalim ng kategoryang TV Broadcasting and Scriptwriting (Filipino – Secondary Level) sa pagsasanay nina G. Randie D. Pimentel,G. Jesus B. Valencia Jr. at sign language interpreter na si G. Christian Efraim Fababier, katuwang ang mga tagapayo ng kinatawan ng bawat kasamang paaralan.

Nakamit rin ng Schools Division of Pasay City (SDO-Pasay) ang ikaapat na pwesto sa Best in Overall TV Production, ikatlong pwesto sa Best in Technical Application, at ikaapat na pwesto sa Best in Infomercial sa ilalim ng kategoryang TV Broadcasting and Scriptwriting (English – Secondary Level) sa pagsasanay nina G. Allan C. Fernandez, Gng. Celia L. Singcol at sign language interpreter Bb. Karen Dorris G. Samson, kasama ang mga tagapayo ng kinatawan ng mga paaralang kabilang.

Bukod pa rito, naigawad sa Ang Liwanag ang ikalawang pwesto sa kategoryang Best in Editorial Section – Secondary Level (FILIPINO) at ikaanim na pwesto sa kategoryang Best in Science and Technology Section – Secondary Level (FILIPINO).

Samantala, nakuha ng The Quantum ang ikawalong puwesto sa kategoryang Best in Science and Technology Section – Secondary Level (ENGLISH).

Isa ang PCNSciHS sa mga paaralang kinatawan ng SDO-Pasay sa RSPC.

Nagtagumpay rin ang iba pang mga paaralang kinatawan ng lungsod ng Pasay.

Nagwagi si Jianna Maizee Abella mula sa Pasay City West High School ang unang pwesto sa kategoryang Column Writing – Secondary Level (ENGLISH) sa pagsasanay ni Gng. Antonella M. Aragon, pasok siya sa nalalapit na 2025 National Schools Press Conference and Contests.

Nakamit ni Fritz Nicolai B. Ulbata ng Manila Tytana Colleges ang ikalawang pwesto sa Copyreading and Headline Writing- Secondary level sa pagsasanay ni Bb. Mila Galleon.

Nakuha ni Jerianne S. Lachica ang ikatlong pwesto sa News Writing- Secondary level sa pagsasanay ni Bb. Lei Kristel Nacuray ng South Eastern College.

Nanalo rin ang Pasay City South High School (PCSHS) ng ikalimang pwesto sa kategoryang Radio Broadcasting and Scriptwriting – Best in Technical Application (Filipino – Secondary Level) sa pagsasanay nina G. Johnsen Jacob P. Cortes at G. Danilo D. Hernandez Jr.

Gayundin, nakamit ni Stacy Janel Jardeleza mula sa PCSHS ang ikaapat na puwesto sa kategoryang Radio Broadcasting and Scriptwriting – Best in News Presenter (Filipino Secondary Level).

Sa karagdagan, nakuha ng pahayagan na Ang Bagwis ang ika-10 pwesto sa kategoryang Best in Sports Section at ikasiyam na pwesto sa kategoryang Best in News Section – Secondary Level (FILIPINO).

Inuwi naman ng The Post ang ikatlong pwesto sa kategoryang Best in Editorial Section at ikasiyam na pwesto sa kategoryang Best in Sports Section para sa The North Wings – Secondary Level (ENGLISH).

Naigawad naman sa Ang Pluma ni Laong-Laan ang unang puwesto sa kategoryang Best in Sports Section at ikasiyam na puwesto sa kategoryang Best in Feature Section – Elementary Level (FILIPINO) at ikawalong pwesto sa Great Herald para sa kategoryang Best in News Section – Elementary Level (ENGLISH).

Nakamit naman ni Zyrien Vienne M. Lolong ang ikaapat na pwesto sa Pagsulat ng lathalain sa pagsasanay ni Gng. Rowena R. Junio ng Jose Rizal Elementary School.

Samantala, nakuha naman ang ikalawang pwesto nina Andie M. Impelido sa kategoryang Pagsulat ng Editoryal sa pagsasanay ni Bb. Wilma B. Orjaleza, Juan Domingo J. Gustilo para sa Column Writing at Julius Cedrix P. Bait para sa Most Outstanding Campus Journalist of the Year Elementary level sa pagsasanay at paggabay ni Bb. Maria Tarcila Nicole Benemerito ng Timoteo Paez Elementary School.

Nagtagumpay sa ikalimang pwesto si Jilliana Maeve B. Abella sa kategoryang Column Writing sa pagsasanay ni Bb. Jayna Claire S. Callano mula sa Don Carlos Village Elementary School.

Nag-uwi rin ang Kalayaan Elementary School ng ikalawang pwesto sa kategoryang Collaborative Writing and Desktop Publishing- Elementary (ENGLISH) sa pagsasanay nina Bb. Marian Grace C. Morales at Gng. Grace P. Valdez.

Gayundin, nakamit din nila sa kategoryang Radio Broadcasting and Script Writing-Elementary (ENGLISH) ang ikatlong pwesto – Best in Overall Radio Production – Best in Infomercial at ikaapat na pwesto – Best in Script sa pagsasanay nina Bb. Cristine E. Nolledo at Bb. Esperanza G. Rasing.

Nakuha naman ni Carylle Angel F. Andres ang ikaapat na pwesto sa Feature Writing Elementary- English ng Kalayaan Elementary School sa pagsasanay ni Bb. Esperanza G. Rasing.

Inilunsad ang pampinid na palatuntunan ng RSPC 2025 sa St. Paul College Parañaque ngayong ika-7 ng Marso.

#HusayNgPasay

#HusayNgPasci

#RSPC2025