Ni: Carl Vincent Chua 
Sinuri ni: G. Randie D. Pimentel
Mga larawan nina: Carl Chua at Angello Ilao

 

Nagtagumpay ang pagdaraos ng Pampinid na Palatuntunan ng Division Palaro 2024, kung saan nagningning ang mga manlalarong Pasayeño, kasama ang kanilang mga tagapagsanay, punongguro, at buong pamunuan ng Dibisyon ng Pasay sa Cuneta Astrodome, Marso 14.

Nagbigay ng pagkilala sina Mayora Imelda “Emi” Calixto-Rubiano at Kongresman Antonino Calixto sa mga atleta na nagbigay karangalan sa lungsod at pangakong buong pusong pagsuporta sa buong Dibisyon ng Pasay sa nalalapit na Regional Palaro 2024.

Binigyan ng pagkilala ang Cluster 7 bilang Overall Champion sa Elementarya, sumegunda ang Cluster 6 sa pagiging 1st Runner Up, habang 2nd Runner Up ang Cluster 3, at 3rd Runnner Up naman ang Cluster 4.

Samantala sa Sekondarya, bitbit ng Pasay City West High School (PCWHS) ang Overall Champion, kasunod ang Pasay City South High School (PCSHS) sa pagiging 1st Runner Up, 2nd Runner Up ang Kalayaan National High School (KNHS), at Pasay City East High School (PCEHS) swak sa 3rd Runner Up.

Para sa alas ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS), nagkuwintas sina Juliann Angello L. Ilao at Emmanuel J. Nepomucemo ng Bronze Medal sa ikatlong sunod-sunod na pagkakataon sa Men’s Doubles Badminton, kaagapay si G. Jesse R. Sigua— guro at tagapag-ugnay ng Kagawaran ng MAPEH.