TINGNAN: Nakiisa ang Pasay City National Science High School sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong ika-19 ng Hunyo.

Ito ay bahagi ng ikalawang kwarter na earthquake drill na isinagawa sa buong bansa, ayon sa Office of Civil Defense.

Pinangunahan ito ni Dr. Mark Anthony F. Familaran, punongguro ng paaralan, Gng. Sara Jane T. de los Santos, kawaksing punongguro katuwang ang mga guro, Batang Empowered Resilience Team, Red Cross Youth, Supreme Secondary Learner Government, Girl Scouts of the Philippines at Boy Scouts of the Philippines.

Nakiisa rin sa drill sina Chairman Alejandro Acabado III ng Barangay 98 at Chairman Rommel V. Hernandez ng Barangay 99 at iba pang opisyales ng mga nasabing barangay bilang bahagi ng suporta sa komunidad.

Nagsimula ang earthquake drill ganap na alas nuwebe ng umaga at natapos sa loob ng tatlong minuto at 44 na segundo.

Naging maayos at organisado ang kabuuang aktibidad. Patuloy na isinusulong ng paaralan ang kahandaan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at kawani sa mga posibleng sakuna sa hinaharap.