“Nakakakaba, nakakaexcite, ngunit higit sa lahat, nakaka-inspire.”
Sa nalalapit na Division Schools’ Press Conference 2025, ating kilalanin si Dahlia Aganan, isang patunay na ang tagumpay ay bunga ng dedikasyon. Mula sa kaniyang unang karanasan noong DSPC 2019 kung saan nakamit niya ang ikatlong puwesto sa Pagsulat ng Pangulong Tudling at ang ikalimang puwesto sa RSPC. Hanggang ngayon, dala niya ang aral at inspirasyong nakuha niya bilang batang mamamahayag.
“Hinahangad ko na magsilbi itong inspirasyon at oportunidad sa bawat isa upang hubugin ang ating kakayahan sa makatotohanan at makatarungang pamamahayag,” ani niya.
Suportahan natin si Dahlia Aganan at ang mga mamamahayag ng Ang Liwanag sa kanilang hangaring magtagumpay at magdala ng liwanag sa mundo ng pamamahayag!
