Isinulat ni Ghea Nadera
Sinuri nina Gng. Myra Jaime at Matthew Vitug
Mga larawan ni Mervyn Mason Valdez


Ipinamahagi na ang mga kard nitong ika-18 ng Oktubre, ala-una ng hapon, na naglalaman ng mga nakuhang grado sa unang markahan ng bawat mag-aaral sa kanilang mga silid-aralan sa Pasay City National Science High School.

Sinimulan ni Dr. Mark Anthony F. Familaran, punongguro ng paaralan ang pagpupulong sa pambungad na pananalita na kung saan masayang ibinahagi niya ang karanasan sa resulta ng katatapos lang na Division Science and Technology Fair (DSTF), matapos ang panalangin, makabayang- awit at himno ng Pasay.

Ibinahagi naman ni Gng. Arlene I. Arcellana, puno ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya ang resulta ng katatapos lang na DSTF na halos lahat ng kalahok ay nagwagi sa nasabing patimpalak.

Naghandog ng pampasiglang bilang si Remmy Parcia ng Baitang 11 Pangkat Gomez.

Nakilahok ang mga guro at mga magulang sa pagsagot sa mga katanungan sa napapanahong paksang “ Mental Health Awareness Campaign na tinalakay ni G. Gil C. Ganelo, guidance coordinator ng nasabing paaralan.

Nagtapos ang unang bahagi ng pagpupulong sa pangwakas na pananalita ni Gng. Rebecca O. Esguerra, administrative officer II ng paaralan, sa ngalan ni Gng. Jackyline T. Lagaña, puno ng kagawaran ng Ingles.

Matapos, ipinaalam sa mga magulang na magtungo na sa kanya-kanyang silid-aralan upang pormal na idaos ang pamamahagi ng mga grado at paggawad ng parangal sa mga mag-aaral na nakakuha ng karangalan.