: Ghea Nadera at Jashley Damaso
: Zia Mayo at Juan Miguel Santos
Matagumpay na isinagawa ang CASIO Math Campus Tour para sa mga mag-aaral ng Baitang 7 hanggang 9 sa PCNSciHS Gymnasium noong umaga ng ika-16 ng Hulyo.
Layunin ng programa ang maipakilala sa mga mag-aaral kung paano mas napadadali at napahuhusay ang kanilang kasanayan sa Matematika gamit ang mga makabagong calculator mula sa CASIO.
Nagsimula ang programa ganap na 9:00 ng umaga at nagtapos ng 11:30, kung saan masiglang nakibahagi ang mga estudyante sa iba’t ibang aktibidad na may kaugnayan sa Matematika. Nagbahagi ang kinatawan ng CASIO ng mga kapaki-pakinabang na kaalaman at tips kung paano epektibong gamitin ang kanilang calculator, lalo na sa pagsagot ng mga komplikadong math problems.
Bukod sa mga natutuhan, naging masigla rin ang mga aktibidad na nagbigay aliw at karagdagang kaalaman sa mga dumalo.
Samantala, nakibahagi rin sa nasabing Math Campus Tour ang mga mag-aaral mula Baitang 10 hanggang 12 sa hiwalay na sesyon.
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Ginang Arlyn Esber, puno ng Kagawaran ng Matematika, at iniwan niya ang mensaheng: “Let the power of math incline your curiosity.”
Samantala, si Ginoong Aaron John Martinez mula sa CASIO Philippines ang nagturo ng mga makabago at epektibong paraan ng paggamit ng calculator sa larangan ng Matematika.






