Unang sabak man sa kompetisyon noong nakaraang DSPC, napatunayan ni Mervyn Valdez ang kaniyang husay bilang isang tagakuha ng larawan; Kaniyang nasungkit ang ikatlong puwesto na siyang naging susi niya para makapasok ng RSPC. Ngayon, sa kaniyang huling taon sa kompetisyon, mas determinado siyang abutin ang unang puwesto at magbigay ng mga kuwento mula sa iba’t ibang tao—mga kwentong kailangang makita at maipahayag.
Sa bawat pitik ng kaniyang kamera ay alay para sa makatotohanang pamamahayag. Suportahan natin si Mervyn sa DSPC 2025!
