Isinulat ni Zacharie Macalalad

Mga larawan nila Mervyn Valdez, Ayesha Salazar, at Shanellie Galura

Sinuri ni Gng. Myra Jaime at Matthew Vitug 


Binigyan ng mga hygiene kits ang mga mag-aaral ng Pasay City National Science High School kahapon sa kani-kanilang silid-aralan para sa pagpapanatili ng kalinisan sa sarili ng bawat estudyante.

Hatid ni Hon. Emi Calixto-Rubiano, Alkalde ng Lungsod ng Pasay ang mga pinamigay na hygiene kits bilang suporta sa kalinisan at kaayusan ng kalusugan ng bawat mag-aaral.

Ipinagpasalamat  ng mga mag-aaral ang pamamahagi ng  mga libreng  hygiene kits na makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng katawan at gayundin kabawasan sa gastusin sa tahanan.