: Alaiza Cruz
: Ashley Ballesteros

Isang bagong pag-aaral sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park ang nagbunyag ng mababang bilang ng marine gastropods na palatandaan ng matinding epekto ng polusyon at urbanisasyon sa natatanging wetland na ito sa Metro Manila.

Kinabilangan ng mga dating estudyante ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) na sina Guianne Emmanuelle F. Angsanto, Dyanne Kimberly Q. Lao, Ryza Jane Cezar, Arnold Janssen G. Sumilang, Olivia Estephanie A. Basul, Felmyr Jhude B. Gamboa, Veronica Anne L. Hernandez at Clarence Vince M. Ikalina, dating research adviser na si G. Christian Jayvon C. Laluna, at mga partner researchers galing Polytechnic University of the Philippines (PUP) College of Science na sina G. Alvin N. Caril, Bb. Arial Joy J. Roderos, at G. Noel A. Saguil ang naturang pag-aaral.

Ayon kay Guianne Angsanto, ang lider ng grupong nagsagawa ng pag-aaral, ang mga pangunahing sanhi ng polusyon at urbanisasyon sa wetland ay kinabibilangan ng patuloy na pagtatambak ng basura, land reclamation, at coastal development. Ang mga pagbabagong ito ay nagiging sanhi ng pagkasira ng natural na tirahan ng mga marine gastropods, lalo na sa mga mangrove area na bahagi ng focus ng kanilang research.

“Kapag bumaba ang kalidad ng tubig, nasira ang mga tirahan, o dumami ang mga invasive species, ito ay malaki ang epekto sa populasyon ng mga gastropods,” ani Angsanto.

Ang lugar ay itinuturing na Ramsar site o internasyonal na protektadong basang-lupa kung kailan ngayon ay humaharap sa panganib. Kailangan na ang agarang aksiyon para mapanatili ang natitirang baybaying santuwaryo ng siyudad.

Pagbati sa ating mga mananaliksik!

Basahin ang buong ulat sa Vol. 54 (1) Spring 2024: https://ams.wildapricot.org/AMS-Newsletter