Isinulat ni Zacharie Macalalad Mga larawan nina Mervyn Valdez, Shan Galura, at Jed Palonpon Nag-uwi ng medalya ang mga mag-aaral ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) mula sa naganap na Regional Schools Press Conference (RSPC) sa St. Andrew’s School Inc. Parañaque noong ika-26 at 27 ng Pebrero. Nagtagumpay sa ikalawang pwesto sina Carl Vincent Chua sa kategoryang Pagsulat ng Balitang Pampalakasan – Secondary Level (FILIPINO) sa tulong ng kanyang gurong tagapagsanay na si Bb. Ashlee Magistrado at Jedrick Lawrence Palonpon sa kategoryang Photojournalism – Secondary Level (ENGLISH) sa ilalim ng pagsasanay ni G. Mark Reniel Balolo. Natamo naman ni Nikita Xyzelle Pariña ang ikatlong pwesto sa kategoryang Sports Writing – Secondary Level (ENGLISH) sa gabay ni G. Mark Reniel Balolo, gurong tagapagsanay. Nakamit din ni Xyrel James Canonoy ang ikalimang pwesto na Most Outstanding Campus Journalist of the Year – Secondary Level. Para naman sa pangkatang kategorya, nakuha ng PaSci ang ikalimang pwesto sa kategoryang Radio Broadcasting and Scriptwriting – Best in Technical Application at Best in Overall Radio Production (English – Secondary Level) sa ilalim ng pagsasanay ni Gng. Jackyline T. Lagaña. Nanalo rin ang Schools Division of Pasay City (SDO-Pasay) ng ikaapat na pwesto sa Best in Overall TV Production, ikaapat na pwesto sa Best in Script at ikalimang pwesto sa Best in Technical Application sa ilalim ng kategoryang TV Broadcasting and Scriptwriting (Filipino – Secondary Level) sa pagsasanay nina G. Randie D. Pimentel,G. Jesus B. Valencia Jr. at sign language interpreter na si G. Christian Efraim Fababier, katuwang ang mga tagapayo ng kinatawan ng bawat kasamang paaralan. Nakamit rin ng Schools Division of Pasay City (SDO-Pasay) ang ikaapat na pwesto sa Best in Overall TV Production, ikatlong pwesto sa Best in Technical Application, at ikaapat na pwesto sa Best in Infomercial sa ilalim ng kategoryang TV Broadcasting and Scriptwriting (English – Secondary Level) sa pagsasanay nina G. Allan C. Fernandez, Gng. Celia L. Singcol at sign language interpreter Bb. Karen Dorris G. Samson, kasama ang mga tagapayo ng kinatawan ng mga paaralang kabilang. Bukod pa rito, naigawad sa Ang Liwanag ang ikalawang pwesto sa kategoryang Best in Editorial Section – Secondary Level (FILIPINO) at ikaanim na pwesto sa kategoryang Best in Science and Technology Section – Secondary Level (FILIPINO). Samantala, nakuha ng The Quantum ang ikawalong puwesto sa kategoryang Best in Science and Technology Section – Secondary Level (ENGLISH). Isa ang PCNSciHS sa mga paaralang kinatawan ng SDO-Pasay sa RSPC. Nagtagumpay rin ang iba pang mga paaralang kinatawan ng lungsod ng Pasay. Nagwagi si Jianna Maizee Abella mula sa Pasay City West High School ang unang pwesto sa kategoryang Column Writing – Secondary Level (ENGLISH) sa pagsasanay ni Gng. Antonella M. Aragon, pasok siya sa nalalapit na 2025 National Schools Press Conference and Contests. Nakamit ni Fritz Nicolai B. Ulbata ng Manila Tytana Colleges ang ikalawang pwesto sa Copyreading and Headline Writing- Secondary level sa pagsasanay ni Bb. Mila Galleon. Nakuha ni Jerianne S. Lachica ang ikatlong pwesto sa News Writing- Secondary level sa pagsasanay ni Bb. Lei Kristel Nacuray ng South Eastern College. Nanalo rin ang Pasay City South High School (PCSHS) ng ikalimang pwesto sa kategoryang Radio Broadcasting and Scriptwriting – Best in Technical Application (Filipino – Secondary Level) sa pagsasanay nina G. Johnsen Jacob P. Cortes at G. Danilo D. Hernandez Jr. Gayundin, nakamit ni Stacy Janel Jardeleza mula sa PCSHS ang ikaapat na puwesto sa kategoryang Radio Broadcasting and Scriptwriting – Best in News Presenter (Filipino Secondary Level). Sa karagdagan, nakuha ng pahayagan na Ang Bagwis ang ika-10 pwesto sa kategoryang Best in Sports Section at ikasiyam na pwesto sa kategoryang Best in News Section – Secondary Level (FILIPINO). Inuwi naman ng The Post ang ikatlong pwesto sa kategoryang Best in Editorial Section at ikasiyam na pwesto sa kategoryang Best in Sports Section para sa The North Wings – Secondary Level (ENGLISH). Naigawad naman sa Ang Pluma ni Laong-Laan ang unang puwesto sa kategoryang Best in Sports Section at ikasiyam na puwesto sa kategoryang Best in Feature Section – Elementary Level (FILIPINO) at ikawalong pwesto sa Great Herald para sa kategoryang Best in News Section – Elementary Level (ENGLISH). Nakamit naman ni Zyrien Vienne M. Lolong ang ikaapat na pwesto sa Pagsulat ng lathalain sa pagsasanay ni Gng. Rowena R. Junio ng Jose Rizal Elementary School. Samantala, nakuha naman ang ikalawang pwesto nina Andie M. Impelido sa kategoryang Pagsulat ng Editoryal sa pagsasanay ni Bb. Wilma B. Orjaleza, Juan Domingo J. Gustilo para sa Column Writing at Julius Cedrix P. Bait para sa Most Outstanding Campus Journalist of the Year Elementary level sa pagsasanay at paggabay ni Bb. Maria Tarcila Nicole Benemerito ng Timoteo Paez Elementary School. Nagtagumpay sa ikalimang pwesto si Jilliana Maeve B. Abella sa kategoryang Column Writing sa pagsasanay ni Bb. Jayna Claire S. Callano mula sa Don Carlos Village Elementary School. Nag-uwi rin ang Kalayaan Elementary School ng ikalawang pwesto sa kategoryang Collaborative Writing and Desktop Publishing- Elementary (ENGLISH) sa pagsasanay nina Bb. Marian Grace C. Morales at Gng. Grace P. Valdez. Gayundin, nakamit din nila sa kategoryang Radio Broadcasting and Script Writing-Elementary (ENGLISH) ang ikatlong pwesto – Best in Overall Radio Production – Best in Infomercial at ikaapat na pwesto – Best in Script sa pagsasanay nina Bb. Cristine E. Nolledo at Bb. Esperanza G. Rasing. Nakuha naman ni Carylle Angel F. Andres ang ikaapat na pwesto sa Feature Writing Elementary- English ng Kalayaan Elementary School sa pagsasanay ni Bb. Esperanza G. Rasing. Inilunsad ang pampinid na palatuntunan ng RSPC 2025 sa St. Paul College Parañaque ngayong ika-7 ng Marso. #HusayNgPasay #HusayNgPasci #RSPC2025

[Campus News] Interview Assignment for Grade 7 and Grade 11 SY 2022-2023
Attached here are the list of Interview Assignment for Grade 7 and Grade 11 Entrance Examination Qualifiers SY. 2022-2023. Kindly read the guidelines for the virtual interview and the intent of enrollment.

[Campus News] Incoming Grade 7 and Grade 11 Entrance Exam Qualifiers SY 2022-2023
Attached here are the list of Grade 7 and Grade 11 Entrance Examination Qualifiers SY. 2022-2023. Kindly read the guidelines for the virtual interview and the intent of enrollment.

[Campus News] Application for Incoming grade 7 and Grade 11 Learners of Pasay City National Science High School for SY 2022-2023
Attached here is the Division Memorandum No. 390, s.2022 Application for Incoming Grade 7 and Grade 11 Learners of Pasay City National Science High School for School Year 2022-2022. You can download the application form here.

[Campus News] Pasay City National Science High School conducts the Progressive Expansion Phase of Limited Face-to-Face Classes
Pasay City National Science High School conducts the Progressive Expansion Phase of Limited Face-to-Face Classes on March 14, 2022. After two years of blended learning, it is the first time that the school experience the face-to-face classes. Dr. Imelda Boquiren, Education Program Supervisor-English; Dr. Basilisa Tomimbang, Public Schools District Supervisor for Cluster 9; Mr. Sonny J. Adriano, School Principal; Mr. Rouell Santero, Assistant Principal, teachers, and learners participated in this event. News Source: the Quantum Previous Next Photos by: Mark Reniel Balolo

[Campus News] Pasay City National Science High School participates in the Division On-site Validation of School Readiness for the Implementation of Expanded Face-to-Face classes
Pasay City National Science High School participates in the Division On-site Validation of School Readiness for the Implementation of Expanded Face-to-Face classes on February 17, 2022. News Source: The Quantum Previous Next Photo Courtesy: Mr. Leonard Laureta, Mrs. Myra Jaime and Mr. Randie Pimentel

[Campus News] Students of Pasay City National Science High School got their first dose of COVID-19 vaccine
Students of Pasay City National Science High School got their first dose of COVID-19 vaccine at the Pasay-MOA Giga Vacc Hub in the Galleon Museum of SM Mall of Asia, Pasay City, this Saturday, November 6, 2021.Don’t forget to take care and watch over yourselves after getting vaccinated. Stay safe and healthy, PaScians! Photo Source: The Quantum Previous Next