Correspondent: Jed Palonpon Pasay City National Science High School officially welcomed its new Assistant School Principal, Mrs. Sara Jane T. de los Santos, earlier today at the school grounds. Ms. de los Santos, who brings with her years of experience in educational leadership, is set to fill the position that has been vacant for an extended period. A brief turnover ceremony marked the official start of Ms. de los Santos’ tenure. The event was attended by key members of the faculty and representatives from the Pasay City Schools Division Office.

Commercial building in Pasay aflames
Correspondents: Jedrick Palonpon, Reisha Uy, and Zyriel Coronel A commercial building along Libertad, Pasay City was hit with fire on Monday afternoon. According to local bystanders, an explosion was first heard around 12:55 p.m., followed by smoke. The Bureau of Fire Protection (BFP) raised the first alarm at 1:00 p.m., then the third alarm at 1:19 p.m. Local fire trucks, including those of Manila and Makati City, responded before the fire was declared under control at 1:36 p.m. Further investigations are currently underway.

“You’re a shining star, no matter who you are”
Caption: Sofia Michiko Yamamoto Photos: Gabrielle Ayesha Nicolas, Angelique Inlong, Juan Carlos Llames Hey there, Pascians! 👋🏻 Still can’t get over Acquaintance Party 2024? 🙈 As we look back on this year’s incredible moments, let’s take a trip down memory lane on AKWE 2024’s highlights! 💎 Last December 13, 2024, the Pascian community gathered at the Pasay City National Science High School gymnasium from 3:00PM to 6:30PM to unwind, interact, and ignite the holiday spirit. 💃🏻🙌🏻 The PCNSciHS Supreme Secondary Learner Government would like to express our deepest gratitude for everyone who danced under the night sky with us in this year‘s AKWE—“Acquaintance Party 2024: Welcoming the New Stars of PaSci” that was filled with bright lights, cool moves, and catchy tunes. ✨🎶 As we look forward to another year of triumphs and challenges, may you always remember AKWE as an unforgettable night of laughter, smiles, and good company. We sincerely hope you enjoyed, Pascians! 🫰🏻 We’re looking forward to giving you more gifts as we welcome 2025. 🎀 In the midst of the crowd, kayo ang Star ng Pasko namin. 🩷 #AKWE2024

Naitanong na sa Taga-Pasay!
Joebbie Gaugano emerged as the champion in the “Itanong Mo sa mga Taga-Pasay” Quiz Bee 2024 held at Padre Zamora Elementary School on December 13, 2024, at 1:00 PM. Gaugano, representing Pasay City National Science High School and trained by Mr. Benjamin Lañada, secured first after a series of challenging rounds of question about the city as part of the celebration of Pasay Day last December 2.

Three acts. Two days. One stage.
Correspondent: Aliyah Lopez, Kaithlan Pallera, Samantha Diosa, Santine Susa, Gabrielle Nicolas, Pearl Belena, Adam Concepcion Magic and mystery filled the air as Le Compendium, the official English club of Pasay City National Science High School, successfully brought Nick Joaquin’s masterpiece, “A Witches’ Sabbath in Three Acts” to life. Held on December 9 and 10 in the school gymnasium, the much-anticipated two-day performance was a spellbinding spectacle that captivated students, faculty, and guests alike. With an ensemble cast delivering unforgettable performances and a production team with enchanting visuals, Tatarin became more than just a play—it was a celebration of art, literature, and the power of storytelling. As the final curtain fell, thunderous applause and standing ovations marked the event as one of the year’s biggest successes, cementing Le Compendium’s reputation for pushing boundaries and redefining student theater.

“Puso ng Pasko” ballet brings Filipino Christmas spirit to life
By: Alhea Barrios, Yasmine RoselCopyedited by Orange AlcarazPhotos: Charlene Otazu, Alhea Barrios, Yasmine Rosel Alice Reyes Dance Philippines (ARDP) kicked off the holiday season today with Puso ng Pasko, the first full-length Christmas ballet featuring an all-Filipino creative team. Held at the Kalayaan Grounds of Malacañan Palace, “Puso ng Pasko” features traditional Christmas songs such as “Pasko Na Naman,” “Sa Paskong Dadating,” and “Kumukutikutitap,” and was choreographed by Ronelson Yadao under the mentorship of the National Artist for Dance Alice Reyes, Erl Sorilla, John Abadon, AL Abraham, Dan Dayo, Bonnie Guerrero, and Lester Reguindin. The performance highlighted Filipino customs and traditions during the holiday season through dance and music. Selected students and teachers from Pasay City National Science High School were among the attendees.

2024 SEAMEO-Japan ESD Award, Iginawad kay Dr. Mark Anthony Familaran
Isinulat ni Gabrielle Ayesha NicolasIwinasto ni Joebbie Krizel GauganoSinuri nina Gng. Myra Jaime at Mark Matthew Vitug Tinanggap ni Dr. Mark Anthony Familaran, punongguro ng Pasay City National Science High School, ang UNANG PWESTO mula sa 2024 SEAMEO-Japan ESD Award sa 47th SEAMEO High Officials Meeting na ginanap sa Royal Orchid Sheraton Hotel & Towers, Bangkok, Thailand. Nag-umpisa ang programa ng 8:00 ng umaga (ICT) na sinundan ng pambungad na mensahe mula sa SEAMEO Secretariat Director at ang awarding ceremony kung saan iginawad ang parangal. Nakamit ang parangal ng grupo ng mag-aaral na sina Xyrel James Canonoy, Zyriel Josh Coronel, Elyzza Marie Esteban, at Neil Josh Icaro, sa ilalim ng gabay nina Bb. Rexielle Joy Villareal, Bb. Maria Theresa Estilong, at Dr. Mark Anthony Familaran, bilang pagkilala sa kanilang partisipasyon sa 2024 SEAMEO-Japan ESD Award na may temang “Promoting Lifelong STEM Learning through Community Engagement.” Ipinakita sa bidyo na kanilang isinumite ang Project Vinculum, kung saan tinalakay ang iba’t ibang makabago at progresibong mga programa na magsusulong ng kaunlaran sa paaralan at komunidad. Nagbigay ang programang ito ng pagkakataon sa mga indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya upang ipamalas ang kanilang mga makabagong mga paraan ng pagtugon sa mga hamon sa edukasyon ngayon. Itong tagumpay ay nagbigay-diin sa suporta mula sa mga lokal na lider, kabilang sina Mayor Emi Calixto-Rubiano, Konsehal Joey Calixto Isidro, na nagpakita ng kanilang dedikasyon sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Lungsod ng Pasay. Kasama rin ang mga kinatawan mula sa DepEd Dibisyon ng Pasay, na pinamumunuan nina Dr. Joel T. Torrecampo, CESO VI, Schools Division Superintendent; Dr. Quinn Norman Arreza, Assistant Schools Division Superintendent; Dr. Renato B. Mesada, Public Schools District Supervisor – Cluster 9; at si DepEd Philippines Secretary, Former Senator Sonny Angara. Ang 47th SEAMEO High Officials Meeting na isinagawa mula ika-26 hanggang ika-28 ng Nobyembre 2024 sa Bangkok, Thailand, ay isang mahalagang kaganapan na nagpakita ng dedikasyon ng mga lider sa edukasyon at iba pang mga propesyonal mula sa buong Timog-Silangang Asya sa inobasyon, kolaborasyon, at patuloy na pagpapabuti ng edukasyon sa kasalukuyang panahon. Mapapanood ang bidyo sa https://www.facebook.com/share/v/QbbjEmN29vQxA5Mt/

47th SEAMEO High Officials Meeting Award Ceremony
Bangkok, Thailand – Dr. Mark Anthony Familaran, Principal II of Pasay City National Science High School, received the First Place Award of the school during the prestigious 47th SEAMEO High Officials Meeting held at the Royal Orchid Sheraton Hotel & Towers, Bangkok, Thailand, on November 27, 2024. The award was presented during the Southeast Asian Educational Innovation Awards segment, which showcased groundbreaking initiatives from institutions across the region. Science secured the top spot with Project Vinculum, an innovative program designed to promote sustainable development through its five key components: Buklod, Abante, Sibol, Binhi, and Likha. The award-winning video entry was conceptualized and crafted by an exceptional team of students: Elyzza Marie Esteban, Neil Josh Icaro, Zyriel Josh Coronel, and Xyrel James Canonoy, under the expert guidance of Senior High School teachers Rexielle Joy Villareal and Maria Theresa Estilong and School Principal Dr. Mark Anthony Familaran. The SEAMEO High Officials Meeting, an annual gathering of Southeast Asian education leaders and stakeholders, fosters collaboration and innovation within the region’s education systems. This year’s event focused on inclusivity and addressing the challenges of modern education. Attended by key policymakers and education professionals, the event featured inspiring keynote speeches, plenary sessions, and presentations from SEAMEO member countries and partners. This monumental success was made possible through the unwavering support of Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, and Konsehal Joey Calixto Isidro, who serves as the Education Committee Chair of the Pasay City Local Government Unit. Their commitment to advancing education in Pasay City continues to inspire and empower the school’s achievements. Additionally, the school extends its gratitude to DepEd Tayo – Division of Pasay City, headed by Schools Division Superintendent Dr. Joel Torrecampo, CESO VI, Assistant Schools Division Superintendent Dr. Quinn Norman Arreza, Public Schools District Supervisor Dr. Renato Mesada, and DepEd Philippines Secretary Former Senator Sonny Angara. Their guidance and dedication to educational excellence have been instrumental in achieving this milestone. Watch the entry here: https://www.facebook.com/share/v/QbbjEmN29vQxA5Mt/ m – Editor’s Note: Signatures were blurred to maintain privacy and prevent breach of personal data.

Work Immersion Orientation ng Baitang 12, Isinagawa
Isinulat ni: Gabrielle Ayesha NicolasSinuri nina Gng. Myra Jaime at Mark Matthew VitugMga larawan ni Mervyn Mason Valdez Idinaos nitong Nobyembre 19, 2024, sa gymnasium ng Pasay City National Science High School ang Work Immersion Orientation na may temang “Empowering the Stewards of Tomorrow,” na dinaluhan ng mga mag-aaral ng Baitang 12 at ng kanilang mga magulang. Sinimulan ang kaganapan sa rehistrasyon ng mga mag-aaral na sinundan ng doxology at pormal na binuksan ang programa ganap na 8:30 ng umaga sa pangunguna nina Xyrel James Canonoy at Shaun Mustang G. Jacinto bilang mga tagapagdaloy ng programa. Nagbigay ng pambungad na pananalita ang punongguro ng PCNSciHS na si Dr. Mark Anthony F. Familaran, na sinundan ng pagpapakilala ni Gng. Maria Leonora Luisa B. Angeles, Teacher-in-Charge ng Work Immersion, ang tagapagsalita na si Bb. Kiana F. Isturis, isang lisensyadong guro. Tinalakay ng tagapagsalita ang mga inaasahan sa work immersion, mga kasanayang dapat taglayin, at mga impormasyong kailangang alamin bago mag-apply. Pinangunahan ng mga tagapagdaloy ng programa ang takeaway activity kung saan hinikayat ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang natutunan mula sa naging talakayan. Sinundan ito ng isang intermisyon mula kay Mekylla Marie Villapaña ng 12-Del Mundo, at tinapos ito ng saktong 10:02 n.u. sa pangwakas na pananalita ni Anica Martha C. Victoria, kinatawan ng SSLG ng Baitang 12. Samantala, ang orientation para sa mga magulang ay sinimulan ng 12:30 ng tanghali sa pamamagitan ng rehistrasyon na sinundan ng preliminaries. Nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Mark Anthony F. Familaran, at sinundan ito ng Work Immersion Talk kasama sina Gng. Maria Leonora Luisa B. Angeles, Gng. Jackyline T. Lagaña, puno, Kagawaran ng Ingles. Natapos ang kaganapan ganap na 3:00 ng hapon sa pangwakas na pananalita ni Gng. Lagaña. Nagbigay-liwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng work immersion bilang paghahanda para sa kanilang kinabukasan ang kabuoan ng programa.

PaScian, panalo sa laban
Isinulat nina Alaiza Cruz, Zacharie Macalalad, at Ghea NaderaSinuri nina Gng. Myra Jaime at Mark Matthew Vitug Nagwagi ang tatlong mag-aaral ng Pasay City National Science High School sa magkakaibang patimpalak na ginanap bilang pagdiriwang sa Buwan ng Filipino Values ngayong Nobyembre. Iniuwi ni Ma. Jhoanna Mae A. Muega, mag-aaral sa ikasampung baitang ng pangkat Einstein ang unang gantimpala para sa Division Values Education Spoken Poetry Contest na ginanap nitong Martes, ika-19 ng Nobyembre sa Epifanio delos Santos Elementary School (EDSES). Nakamit naman ni James Christopher G. Lusuegro, mag-aaral mula sa ikapitong baitang ng pangkat Edison ang ikaapat na gantimpala sa Poster Making Contest. Habang si Nicole Margareth C. Sy mula sa ikawalong baitang ng pangkat Aristotle ay ipinamalas ang kanyang angking galing sa pagkamit ng kampeonato sa tagisan ng talino sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) noong ika-6 ng Nobyembre mula alas-otso ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon sa EDSES. Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Filipino Values na may temang “Pagsulong ng Bagong Pilipinas: Ang kabataan bilang pundasyon ng pagbabago”, umiikot dito ang tula ni Muega na may pamagat na, “Juan sa Panibagong Bayan” pati ang likhang-sining ni Lusuegro. Ang tula ni Muega ay hinggil sa mga katangian na kailangan ng isang kabataan upang maabot ang mga pangarap na magdudulot ng pagbabago sa lipunan. ‘Ika nga niya, “Ang pinakapaborito ko talagang linya sa aking tula ay ang ‘Dito na natin masisimulan, ang paghakbang ni Juan sa isang panibagong bayan’ sapagkat dito maipakikita ang ating pagkakaisa at pagtitiyaga upang marating ang isang bagong Pilipinas.” Sa pagsasanay at patnubay ni G. Emerson T. Constantino, Master Teacher I ng Kagawaran ng Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapakatao ay matagumpay na itinanghal ni Muega ang kanyang tula. Samantala, sinimulan ni Lusuegro ang kanyang poster noong Nobyembre 7-10 at ito ay ipinasa ng kanyang gurong tagapagsanay na si Gng. Mary Grace T. Dela Cruz noong Nobyembre 11 sa Dibisyon ng Pasay. Gumamit si Lusuegro ng 1/4 illustration board at oil pastels upang ipakita ang mga pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanyang obra. Sa kabilang dako, pinaghandaan ni Sy ang patimpalak para sa tagisan ng talino gamit ang mga librong babasahin at mga inihandang pagsusulit ni G. Jojo Ray Dela Cruz, ang kanyang gurong tagapagsanay. Tumagal ng dalawang araw ang kanyang pag-eensayo sa naturang paligsahan. Ang kompetisyon ay binubuo ng tatlong yugto: unang yugto na ’easy’ na tig-iisang puntos, pangalawang yugto na ’average’ na tiglilimang puntos, at huling yugto na ‘difficult’ na tigsasampung puntos. Tinatayang nasa siyam na paaralan ang nakiisa sa kompetisyon para sa tagisan ng talino. Sumunod sa ikalawang pwesto ang Pasay City South High School (PCSHS) samantalang ikatlong gantimpala ang nakamit ng Kalayaan National High School (KNHS). “Huwag n’yong hahayaan na pangunahan kayo ng kaba at always believe in yourself, no matter what happens! Don’t be pressured and stressed kasi iniisip n’yo na baka hindi kayo manalo. Because at the end of the day, being chosen as a representative for our school is already a big and proud achievement,” aniya sa mga estudyanteng magsasagisag sa paaralan sa hinaharap.