TINGNAN: Nakiisa ang Pasay City National Science High School sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong ika-19 ng Hunyo. Ito ay bahagi ng ikalawang kwarter na earthquake drill na isinagawa sa buong bansa, ayon sa Office of Civil Defense. Pinangunahan ito ni Dr. Mark Anthony F. Familaran, punongguro ng paaralan, Gng. Sara Jane T. de los Santos, kawaksing punongguro katuwang ang mga guro, Batang Empowered Resilience Team, Red Cross Youth, Supreme Secondary Learner Government, Girl Scouts of the Philippines at Boy Scouts of the Philippines. Nakiisa rin sa drill sina Chairman Alejandro Acabado III ng Barangay 98 at Chairman Rommel V. Hernandez ng Barangay 99 at iba pang opisyales ng mga nasabing barangay bilang bahagi ng suporta sa komunidad. Nagsimula ang earthquake drill ganap na alas nuwebe ng umaga at natapos sa loob ng tatlong minuto at 44 na segundo. Naging maayos at organisado ang kabuuang aktibidad. Patuloy na isinusulong ng paaralan ang kahandaan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at kawani sa mga posibleng sakuna sa hinaharap.

Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
Photos by: Dexter Ogale, Chainne Ysabelle Guevarra, Aliyah Lopez, Gabrielle Nicolas Pascians took part in the Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill earlier, at 9 A.M. The evacuation process was completed in 3 minutes and 40 seconds according to the Batang Emergency Response Team (BERT). The students safely returned to their classrooms after a successful drill for the first time of the school year.

Pagbuo, paggunita, at pag-abot sa mga pangarap
Ngayong ika-17 ng Hunyo 2025 ay ating bibigyang pagkilala at pagpapahalaga ang mahal na paaralan. Pagkilalang hindi lamang para sa binuong eskwelahan kundi maging sa mga haligi nito. Nasaksihan ng mga taong dumaan ang parehong paghihirap at pagsisikap ng bawat guro, mag-aaral, at iba pang kabahagi ng maituturing nating ikalawang tahanan. Kapit-bisig ang bawat isa sa pagsusumikap na makamit ang inaasam na pinakamahusay na bersyon ng Pasay City National Science High School—isang paaralang maayos, ligtas, at may mataas na kalidad ng edukasyon. Dalawang dekada at tatlong taon nang humuhulma ng iba’t ibang mag-aaral ang Pasay City National Science High School. Ang ilan sa mga nakapagtapos sa ating paaralan ay ganap nang naging parte ng sandatahang lakas ng ating bansa, naging mga kagalang-galang na mga gurong walang kapagurang tumutulong sa pagpapalawig ng kaalaman ng bagong henerasyon ng mga mag-aaral at higit sa lahat, mga nagsikamit ng kanilang mga pangarap na nagiging daan upang mabigyang boses at hustisya ang mga naaapi—sa likod man ito ng mga balita o sa gitna ng nakapapantindig balahibong korte. Ang bawat kwento ng kanilang kapalaran ang isa sa mga bumubuo ng haligi nitong ating paaralan. Nadapa ngunit bumangon. Nahirapan ngunit kinaya. Napagod ngunit lumaban. Ganiyan hinubog ng Pasay Science ang isang tunay na PaScian. Sa pagsisimula ng bagong taong panuruan, masigla nating salubungin ang Ika-23 taong pagkakatatag o 23rd Foundation Day ng ating paaralan. Ito ay hindi lamang isang simpleng selebrasyon ngunit isang makasaysayang panahon na humubog sa kinabukasan ng napakaraming estudyante. Ang pagdiriwang na ito ay isang nobelang sumasalamin ng pagkakaisa, tagumpay, at patuloy na pag-unlad.

[Talaarawan Entry #1 – Hunyo 16]
Mahal kong Talaarawan, Balik-eskwela na naman! Panahon na ulit ng alarm clock na hindi naman pinapansin, uniform na parang lumiit, at baong ang laman ay… dasal na sana walang quiz. Iba ang pakiramdam ngayon, ‘no? Hindi lang kaba, kundi puno ng pag-asa! Ang daming bagong mukhang makakasalamuha pero may iisang layunin—ang matuto, mangarap, at muling magsimula. Sa bawat araling matututuhan, may bagong aral din sa buhay na matutuklasan. Minsan, tayo’y mapapagod at malilito, ngunit walang magbabago— dahil ang bawat hakbang, maliliit man o mabagal, ay papalapit sa pangarap. Iba-iba man tayo ng baong kuwento, lahat naman tayo ay may pare-parehong baong lakas ng loob. May iilan na tahimik ngunit puno ng tapang, may iilang kabado pero hindi humihinto. Parang ako lang. Hindi pa perpekto, pero nais matuto. Para sa bawat umagang mapupuno ng pag-asa, ito na ang simula. Hanggang sa susunod, – Ako, ang estudyanteng may pusong puno ng pangarap.

Sa Likod ng Matitibay na Tahanan
Sa bawat tahanan, may isang indibidwal na nananatiling tahimik ngunit matatag — ang ating mga ama. Hindi man siya palaging sentro ng kwento, siya naman ang haliging nagbibigay-lakas sa buong pamilya. Sa likod ng kaniyang katahimikan ay ang walang sawang pagsusumikap kung saan ang bawat patak ng kaniyang pawis ay siyang patunay ng mapagsakripisyo niyang pagmamahal. Ang kaniyang pagmamahal ay hindi palaging dinadaan sa mga salita, kundi sa walang-hintong pagkayod at pagbibigay ng lahat ng makakaya upang makamit lamang ang maginhawang kinabukasan para sa pamilya. Ang ating mga ama ang tunay na simbolo ng katapangan— hindi uri ng tapang na palaban, kundi uri ng tapang na marunong magsakripisyo. Sa bawat paghakbang ng kaniyang mga anak, asahan mong siya ang unang sumusuporta, kahit pa tila’y pasanin niya ang bigat ng mundo. Hindi niya ipinapakita ang pagod, dahil para sa kaniya, mas mahalagang makita ng anak ang tibay ng loob kaysa kahinaan ng katawan. Maraming ama ang piniling isantabi ang sariling pangarap upang unahin ang pangarap ng kanilang anak. Sapatos na luma, damit na kupas, puyat at pagod —lahat ng ‘yan ay patuloy na kinakaya alang-alang sa pamilya. Hindi sila naghihintay ng kapalit, sapagkat para sa kanila, ang bawat ngiti at tagumpay ng anak ay sapat na gantimpala. Sa Araw ng mga Ama, nawa’y hindi lamang ito maging selebrasyon ng pagbibigay, kundi paggunita sa lahat ng di-mabilang na sakripisyo ng ating mga ama. Araw upang maipadama ang pagmamahal, paggalang, pasasalamat, at iparamdam sa kanila na ang kanilang mga sakripisyo ay hindi kailanman nalilimutan. Ang simpleng “Salamat, Tay,” ay maaaring magpagaan ng bigat na matagal na nilang dinadala. Sa likod ng matitibay na tahanan ay may isang ama na mayroong puso ng isang tunay na bayani — bayaning hindi nangangailangan ng kapa o papuri, kundi isang yakap at pagkilala. Sa bawat tahanan, nawa’y hindi makalimutan ang halagang hindi matutumbasan ng salapi: ang pagkakaroon ng isang amang handang ialay ang lahat, para sa mga minamahal niya na higit pa sa sarili. — Sanggunian ng dibuho: https://www.facebook.com/share/12KJ2m9F4YN/?mibextid=wwXIfr

TQ RECAP: PCNSciHS completes Brigada Eskwela Day 3
by: Jeanine Daliva, Amor ManiquisPhotos by: Chainne Ysabelle Guevara, Aliyah Lopez, Santine Mauritius Susa, Gabrielle Ayesha Nicolas Pasay City National Science High School concluded its three-day Brigada Eskwela on June 13, 2025, preparing the school for the academic year. The school held its annual General Parents Orientation. The program featured presentations, allowing parents a chance to meet school heads, teachers, and administrators. Attendees were informed about school policies, ordinances, and accomplishments. YES-O Pasci managed paper and plastic bottle waste segregation through Project ECO-WISE on the last day of Brigada Eskwela. The third day of Brigada Eskwela recognized support from teachers, students, and workers. Participants cleaned the campus, ensuring a welcoming learning environment.

TQ RECAP: PCNSciHS holds Brigada Eskwela Day 2
by: Emmanuel Salazar The second day of Brigada Eskwela 2025 was conducted and attended by PaScians and personnel participating in cleanup and various activities within Pasay City National Science High School last June 11, 2025. The Every Nation Campus (ENC) conducted a Leadership Talk, followed by the Tier 3 Capacity Building on Youth Agency Formation and Leadership Seminar led by the Supreme Secondary Learners’ Government (SSLG) officers. “Sports For a Cause”, organized by the SSLG and PaScian Sports Club, ran alongside the leadership seminar, featuring basketball and volleyball games, followed by the cleaning of the gymnasium. Participants continued campus cleanup, arranged classrooms, repainted walls, cleared school grounds and finished up the second day.

Brigada Eskwela 2025 sa PaSci, Tinuldukan
Ginanap ang oryentasyon ng mga magulang para sa taong panuruan 2025-2026 sa huling araw ng Brigada Eskwela na dinaluhan ng mga guro, magulang, at mga mag-aaral sa Pasay City National Science High School Gymnasium nitong ika-13 ng Hunyo. Isinagawa ang oryentasyon sa dalawang bahagi, ang unang bahagi na itinakda mula 9:00 N.U hanggang 1:00 N.H ay para sa mga magulang ng mga mag-aaral sa ika-7 baitang at mga bagong lipat na mga estudyante, habang isinagawa naman sa hapon mula 1:30 N.H hanggang 3:30 N.H na para sa mga magulang ng mga mag-aaral ng ika-8 hanggang ika-12 na baitang. Samantala si Gng. Sarah Delos Santos, Kawaksing Punongguro ng paaralan ang nagbigay ng pambungad na pananalita. “Naniniwala po kami rito sa PaSci na ang matagumpay na edukasyon ay bunga ng matibay na ugnayan sa pagitan ng paaralan at ng mga magulang,” wika niya. Ipinakilala naman ng mga tagapag-ugnay ng bawat baitang na sina Gng. Anabella Cusi—Grade 7, Bb. Kaye Transfiguracion—Grade 8, G. Emerson Constantino—Grade 9, G. Napoleon Anteja Jr.—Grade 10, Gng. Michelle Carranza–Grade 11 at Gng. Chiradee Ong-Javiniar —Grade 12— ang mga guro sa lahat ng baitang. Ipinakilala rin ni Gng. Rebecca O. Esguerra, Administrative Officer III, ang mga kasama niyang admin staff na katuwang ng punongguro sa pamamalakad ng paaralan. Sa kabilang banda, ipinakilala naman ni Dr. Mark Anthony F. Familaran, punongguro ng paaralan, ang mga puno ng kagawaran. Sa Ingles si Gng. Jackyline T. Lagaña, Matematika si Gng. Arlyn L. Esber at Gng. Rosalida Sinsuan sa Agham at Teknolohiya. Ibinahagi rin ni Dr. Familaran ang estado ng paaralan. Inilahad niya ang portfolio ng paaralan, estado ng kalusugan ng mga mag-aaral, mga proyektong nakalaan sa taong ito, at marami pang iba. “Sana po ngayong bagong taon ng panuruan, mas marami pa tayong pagsamahan. Pagtulungan po natin para mas maging maayos ang school year ng ating mga anak,” aniya sa pagwawakas ng kaniyang ulat. Ibinahagi ni Gng. Anabella Cusi mula sa Kagawaran ng Ingles ang presentasyon ng mga programa sa bawat silid-aralan. Sinundan ito ng pagpapahayag ni Gng. Jackyline Lagaña, Tagapangasiwa ng Brigada Eskwela 2025, ang mga iskedyul sa pagpasok ng mga mag-aaral sa bawat baitang. Sa huli ay ipineresenta ni G. Gil Ganelo, Guidance Counselor ng paaralan, ang School-Parents Agreement. Sa tulong ni Ginang Arlyn Esber, nasagot ang mga katanungan ng mga magulang tungkol sa naganap na pagtatalakay. Naging organisado ang daloy ng programa sa pumumuno ni Bb. Ashley Magistrado, ang tagapagdaloy ng programa. Samantala, naganap naman sa bakuran ng paaralan ang Project ECO-WISE: Planting & Waste Management sa pangunguna ng YES-O Organization, SSLG, BSP at GSP sa pamamagitan ng pangongolekta, pag-uuri, at pagsasaayos ng mga recyclable materials. Sumunod naman ay ang pampinid na programa ng Brigada Eskwela 2025 sa PaSci, binigyan ng parangal ang mga organisasyong tumulong dito gaya ng SSLG, The Quantum, Ang Liwanag, Batang Empowered and Resilient Team (BERT), Red Cross Youth (RCY), Sports Club, Booklat, Bayani, Le Compendium, Sentience, The Euclidean, Campus Integrity Crusaders (CIC), Senior Scouting Movement, Girl Scouts of the Philippines (GSP), Young Researchers Guild (YRG), Kalakbay: The Pascian Teen Center, YES-O, School Parent Teacher Association (SPTA). Kasama rin sa nabigyang parangal sina Gng. Anabella Cusi, Ginang Melita Daliva, mga magulang sa baitang Pascal. Mga magulang sa baitang Rutherford, Ginang Jenny Delos Santos, at si Ginang Rowena Sanchez. Tinapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni Gng. Jenny Delos Santos, pangulo ng SPTA, na malugod na nagpasalamat sa partisipasyon ng mga magulang sa Brigada Eskwela.

PCNSciHS Scouts join Luneta Independence Day rites.
by: Emmanuel SalazarPhotos by: Gabrielle Ayesha Nicolas & Jean Gabriel Ylagan Girl Scouts and Boy Scouts of Pasay City National Science High School joined the Independence Day celebration in Luneta Park, June 12, 2025. The flag raising ceremony led by President Marcos who was ushered by Girl Scout Vic Molina with his First family began with the singing of the Philippine National Anthem “Lupang Hinirang,” followed by the Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas and Bagong Pilipinas Hymn then Panata sa Bagong Pilipinas. The ceremony ended with President Marcos offering flowers to the monument of Philippine National Hero, Dr. Jose Rizal, leaving right after. A parade along Quirino Grandstand was held featuring festival dances and performances representing the history of the Philippines. Darleene Anaviso, Khloe Encarnacion. Filha Bautista and Gabrielle Nicolas were the Girl Scouts who attended. Jean Ylagan, Jose Sinag, Christian Tabada, Ethan Panilag and Outfit Advisor, Marlon Rustico Palaganas were the Boy Scouts who attended.

Sedula ng Kalayaan
Kahirapan, kasakiman, kawalang-katarungan. Tunay na hinabi ang kasaysayan ng ating bayan mula sa isang madugo at marahas na daan. Sa simula pa lamang, kahit maituturing na mahina, sinubukan nating lumaban. Ipinagtanggol ang karapatan sa lupang sinilangan. Siglo ang idumaan upang makamit natin ang pinakaaasam na kalayaan. Nagsimula ang pananakop ng Espanya noong 1521 sa pagdating ni Magellan, na humantong sa 333 taong kolonisasyon. Maraming Pilipino ang tumutol sa katiwalian, kabilang ang tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora o mas kilala bilang GomBurZa, na binitay noong 1872 sa kabila ng kakulangan ng ebidensya. Ang kanilang di-makatarungang kamatayan ang naging hudyat ng nasyonalismo at rebolusyon sa bansa. Ito ang isa sa mga naging inspirasyon ni Gat. Jose Rizal upang buoin ang La Liga Filipina na hindi lamang naglalayong magtaguyod ng reporma kundi pati na rin ang tulungan at ipagtanggol ang mga kasapi nito noong Hulyo 3, 1892. Ngunit agad siyang ipiniit at ipinatapon sa Dapitan. Dahil dito, naitatag ang Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o kilala rin bilang Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Mahal na Araw ng Abril 1895, nagtungo sila Bonifacio kasama ang walo pang pinuno sa kuweba ng Pamitinan sa Montalban Rizal upang tumanggap ng mga bagong kasapi, bumuo ng mga taktika, at isulat ang Viva la Independencia Filipinas na nagdeklara na sila ay lalaban hanggang sa maabot ang mithiing kasarinlan. Samantala, ang mga miyembrong nais pa rin ng reporma mula sa La Liga Filipina ay naging bahagi ng Cuerpo de los Compromisarios. Lumakas ang loob ng ating mga ninuno nang maganap ang sigaw sa Pugad Lawin noong Agosto 23, 1896. Dito ay sabay-sabay na pinunit ang sedulang lubos na nagpahirap sa mga mamamayan noon. Nagsimula ang rebolusyon; maraming Pilipino ang nagdusa, napaslang, at nawalan ng pamilya subalit tuloy pa rin ang himagsikan hanggang sa tuluyan na ngang napaslang si Andres Bonifacio. Noong Disyembre 14, 1897, nilagdaan ni Emilio Aguinaldo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato kung saan nangako ang mga Kastila ng reporma at ₱800,000 bilang kabayaran, kapalit ng pagtigil ng rebolusyon at boluntaryong pagpapatapon kina Aguinaldo sa Hong Kong. Subalit hindi rin ito nagtagal dahil nagpasimula ang Digmaang Espanyol-Amerika kung saan ang tagumpay ay nakamit ng Estados Unidos. Pagkabalik ni Aguinaldo sa Pilipinas, idineklara niya ang Hunyo 12, 1898, bilang araw ng kasarinlan ng Pilipinas sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite. Sa araw na ito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas habang tinutugtog ang Marcha Nacional Filipina, na ngayon ay “Lupang Hinirang.” Hindi natigil ang himagsikan dahil sa pagtataksil ng ilan, na humantong sa panunumpa ni Aguinaldo sa bandila ng Amerika. Bagaman may mabuting naidulot ang pananakop ng Estados Unidos sa edukasyon at ekonomiya, naranasan din ng mga Pilipino ang matinding pang-aabuso. Nang dumating ang mga Hapon, lalo pang lumala ang sitwasyon sa bansa—nakilala ang walang katarunang torture, Death March, Mickey Mouse Money, at pananamantala sa kababaihan. Sa tulong ng Amerika, nakamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa pananakop ng Hapon, at opisyal na ipinagkaloob ng Estados Unidos ang kasarinlan noong Hulyo 4, 1946. Taong 1962 nang inilabas ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Proklamasyon ng Pangulo Blg. 28 na nagsasabing Hunyo 12 ang natatanging pistang opisyal sa buong Pilipinas. Pormal itong naisabatas sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 4166 na nagtatakda sa Hulyo 4 bilang “Araw ng Republika ng Pilipinas” at sa Hunyo 12 bilang “Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.” Hindi rito natapos ang laban. Taon-taon ay hinahamon ang katatagan ng Pilipinas ng samu’t saring suliraning pambansa. Hindi matatawaran ang pawis at pagod na iniaalay ng bawat mamamayan para sa kinabukasan ng bayan. Dekada na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ang mga pasakit ng nakaraan. Maraming buhay ang ninakaw ng mga kamao at sandata ng mga mananakop. Kinabukasan ng mga kabataan noon ay binahiran ng poot. Ngunit sa gitna ng lahat, natutunan nating tumindig—hindi lamang sa pamamagitan ng armas, kundi sa kapangyarihan ng tinig at paninindigan. Iba’t ibang tao ang noo’y muling bumangon upang itayo ang bandera ng bansa. Marami sa kanila ang napaslang na hindi natin nalalaman ang pangalan. Mga bayaning mga mukha’y hindi natin napagmasdan. Subalit, hindi man natin sila kilala, dala-dala natin ang tagumpay na kanilang pinag-alayan ng buhay. Nasa ating mga palad nakasalalay ang kinabukasan ng bayan. Hindi naging madali ang pagsungkit natin sa bituin ng kasarinlan. Kaya ngayong Hunyo 12, 2025, ating ipagdiwang ang ating kasarinlan at ang diwang makabayan. Muli, ngayong taon, ating pagtibayin ang sedula ng ating kalayaan. — Mga sanggunian: https://www.plmun.edu.ph/event.php?id=312 https://kahimyang.com/…/today-in-philippine-history… https://philippineculturaleducation.com.ph/la-liga-filipina/ https://www.scribd.com/…/83155564-Panahon-Ng-Pananakop… https://philippineculturaleducation.com.ph/biyak-na-bato/ https://upd.edu.ph/acf-2022-isang-pagpupugay-sa-gomburza/…. https://www.gmanetwork.com/…/saan-ginawa-ni…/story/ https://youtu.be/iTBet5IxJjs?si=7dajXFf7O2pUc2F2 https://www.youtube.com/watch?v=qNJ_bq8wpHg