Korean Odyssey: Balolo’s Global Journey with Media Literacy

via Elyzza Esteban | The QuantumPhotos by: Mark Reniel BaloloPublication: Yelena Fabriancte Mark Reniel R. Balolo, participant under the 2025 Korea-Philippines Teacher Exchange Program (KPTEP), has officially returned to the country after a three-month teaching and cultural exchange stint at Suncheon Hyosan High School in South Korea, this Monday—July 14. Balolo, who represented the Philippines in the international exchange program, delivered lectures centered on Media Literacy—empowering students with critical skills to responsibly and effectively engage with digital platforms. The KPTEP program seeks to promote global citizenship through education, while fostering intercultural understanding between Korea and the Philippines. Capping his stay, Balolo was chosen to take part in the final presentation of their projects for the Philippines, showcasing details regarding his lectures regarding media literacy and its impact on his students, held last Friday, July 11. The event was also attended by Dr. Margarita Ballesteros, Director from the Department of Education, and Edwin Gil Q. Mendoza, Deputy Head of Mission at the Philippine Embassy in South Korea, who both offered feedback on the presentation. Along with Mr. Balolo, the final presenters also included Ms. Ma. Lourdes D. Rola from Caloocan High School, Ms. Toni Rose S. Sayson from Dumaguete Science High School, and Mr. Raleigh J. Ojanola from Koronadal Comprehensive High School. Upon his return, Mr. Balolo paid a courtesy call to Schools Division Superintendent Dr. Joel T. Torrecampo, CESO VI, wherein he was joined by Pasay City National Science High School Principal Dr. Mark Anthony F. Familaran, Assistant Principal Mrs. Sarah Jane T. Delos Santos, and Head Teacher III Mrs. Jackyline T. Lagaña.

Magiting na Guro, Inspirasyon ng Bayan

:Althea Loro: Ashley Ballesteros “Annyeonghaseyo,” marahil ang isa sa mga naging bukambibig niya sa mga nagdaang buwan. Talagang nakamamanghang isipin na ang kaniyang kakayahan bilang isang guro ay hindi lamang naranasan ng mga mag-aaral dito sa Pilipinas. Dinala niya ang kultura at edukasyon ng lupang sinilangan sa ibang bansa—sa katimugan ng Korea o mas kilala bilang South Korea. Matunog ang kaniyang ngalan dahil sa kaniyang posturang makaagaw pansin, mga matang laging nagmamasid, at tinig na naabot ang kaloob-looban ng sinumang kaniyang makasalamuha. Kilala n’yo ba siya? Isa siya sa apat na mapapalad at nagkaroon ng pagkakataong lumipad papunta sa banyagang lupa. Ang oportunidad na ito ay hindi madaling makuha subalit dahil sa sipag at tiyaga, sa lahat ng mga tagapagturo sa Pilipinas, siya ay isa sa mga napiling kinatawan ng ating bayan. Sa ilalim ng Korea-Philippines Teacher Exchange Program 2025 o KPTEP, siya ay nagturo sa Suncheon Hyosan High School mula Abril 15 hanggang Hulyo 12. Maliban pa sa pagiging panday-kaalaman, nagningning din siya bilang simbolo ng kultura sa ginanap na World Day for Cultural Diversity for Dialogue and Development—isang selebrasyong ipinagdiriwang ang iba’t ibang kultura sa mundo. Taas-noo siyang rumampa sa ginanap na fashion show habang suot ang Barong Tagalog, ang pambansang kasuotan ng kalalakihan sa bansa. Iginagalang, tinitingila, at hinahangaan. Tunay siyang inspirasyon hindi lamang ng kabataan kundi pati na rin ng mga guro. Hindi lamang aral na magagamit sa paaralan ang kaniyang ibinabahagi; hindi rin siya nagdadalawang-isip na magbigay ng mga salitang tatatak sa isip at puso ng bawat isa. Saglit man ang kaniyang naging paglalakbay, tiyak kong maraming naabot ang kaniyang tinig na makapangyarihan. Paulit-ulit niyang pinatunayan na ang kaniyang kakayahan ay hindi lamang limitado sa Pilipinas. Sa alinmang larangan siya tumindig—bilang guro, mamamahayag, o tagapagsalita, hindi magmamaliw ang sinag ng kaniyang diwa na nagbibigay-ilaw at pag-asa sa nakararami. Kilala n’yo na ba siya? Kung gayon, sabay-sabay natin siyang batiin ng… Maligayang pagbabalik, G. Mark Reniel L. Balolo!

PCNSciHS General Assembly 2025-2026

via Elyzza Esteban | The QuantumPhotos by: Chainne Ysabelle Guevarra, Dexter Ogale, Aliyah Lopez, Santine Mauritius Susa Parents and faculty members of Pasay City National Science High School gathered at the school gymnasium this morning, July 11, for the annual General Assembly. During the program, the outgoing School Parent-Teacher Association (SPTA) officers, featured reports and shared updates on the projects accomplished from the previous school year. In the afternoon, participants took part in the election of new officers for both the Homeroom Parent-Teacher Association (HRPTA) and the SPTA—reinforcing the school’s continued partnership with its stakeholders.

Stop and Salute Flag Raising Ceremony sa Rizal Park

TINGNAN: Nagtipon ang iba’t ibang organisasyon, kabilang ang Girl Scouts of the Philippines ng Pasay City National Science High School, sa Stop and Salute Flag Raising Ceremony sa Rizal Park, Luneta ngayong ika-7 ng Hulyo, na pinangunahan ng Salute To A Clean Flag. Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Rights Week, na dinaluhan nina Bb. Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Pilipinong nagkamit ng gintong medalya sa Olympic Game, at Bb. Rubilen Amit, ang unang Pilipina na nagwagi sa WPA Women’s World 9-Ball Championship.    

PaScians, nagpasiklaban sa Cluster Dance Competition

Sa paggunita ng ika-23 Araw ng Pagkatatag ng Pasay City National Science High School, nagtanghal ang bawat pangkat para sa Cluster Dance Competition nitong ika-27 ng Hunyo. Ang paligsahan ay hinusgahan nina Gng. Chiradee Javiniar, Gng. Abegail Villanueva, at Gng. Charlene Otazu. Nagwagi rito ang Blue Braniacs na sinundan ng Green Skater Dudes, Red Jocks, at Yellow Thespians. Pinangunahan ni Filha Ray Penelope Bautista, Pangulo ng Supreme Secondary Learner Government ang paggawad ng parangal sa mga nagwagi sa Cluster Dance Competition.

PaScians, ipinamalas ang angking talento sa 23rd Foundation Day

Nagtagisan ng husay at talento ang bawat cluster sa mga aktibidad na inihanda ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) para sa pagdiriwang ng Ika-23 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Pasay City National Science High School nitong Hunyo 27. Nahati sa apat na cluster ang buong paaralan: Blue Braniacs, Red Jocks, Green Skater Dudes, at Yellow Thespians, na binubuo ng mga mag-aaral mula sa bawat baitang at mga guro mula sa iba’t ibang kagawaran. Ipinamalas ng bawat cluster ang liksi at mabisang estratehiya sa unang laro ng programa, ngunit nangibabaw ang Blue Braniacs sa nasabing bahagi. Nagwakas ang programa sa pampinid na pananalita ni Filha Ray Bautista, Pangulo ng SSLG. “Once a PaScian, always a PaScian,” ‘ika niya. Naidaos ang programa sa tulong nina Remmy Parcia, SSLG Public Information Officer, at Emmanuel Nepomuceno, SSLG Grade 12 Chairperson, bilang mga tagapagpadaloy.

23rd Foundation Day ng PaSci, Ipinagdiwang

Idinaos ang 23rd Foundation Day ng Pasay City National Science High School na dinaluhan ng mga mag-aaral, guro, alumni, at barangay officials nitong ika-27 ng Hunyo. Pormal na binuksan ni Gng. Sara Jane Delos Santos, kawaksing punongguro, ang pagdiriwang sa kanyang pambungad na pananalita. “Honor the past, cheer for the present, and get excited for the future,” ani Gng. Delos Santos. Nagbigay naman ng inspirational message si Dr. Mark Anthony Familaran, punongguro, habang nagpaabot naman ng pagbati ang mga dating punongguro at alumni ng PaSci. “United by our shared identity,” pahayag ni Dr. Familaran sa kanyang mensahe. Pagkatapos nito, ginawaran ng plake ang mga gurong nakapagsilbi ng dalawampu o higit pang taon sa nasabing paaralan. Nakapaglingkod ng dalawang dekada sa larangan ng edukasyon sina Gng. Michelle M. Carranza, Master Teacher II; Gng. Lejanie T. Baya, Teacher III; at Gng. Demetria M. Lappay, Teacher III; mula sa Kagawaran ng Agham at Teknolohiya. Dalawang dekada at isang taon naman ang serbisyo nina Gng. Arlyn L. Esber, Head Teacher III sa Kagawaran ng Sipnayan; G. Jesse R. Sigua, Teacher III sa Kagawaran ng MAPEH; Gng. Anabella V. Cusi, Master Teacher II; at Gng. Jackyline T. Lagaña, Head Teacher III sa Kagawaran ng Ingles. “Staying is also a kind of success,” ani Gng. Lagaña, pinakamatagal na aktibong guro, sa kanyang talumpati ng pagtanggap. Sinundan ito ng promosyon ng mga interaktibong booth na pinangunahan ni Gng. Chiradee Javiniar, pangulo ng PCNSciHS Teachers and Employees Association . Naghandog din ng pampasiglang pagtatanghal ang ilang mag-aaral mula sa Galaw Siyensya. Naisagawa nang matagumpay ang unang bahagi ng programa sa pangunguna nina Gng. Mariecar Medina at G. Jojo Ray Dela Cruz, mga tagapagpadaloy ng programa.

PaSci Celebrates 23rd Founding Anniversary

via: Emmanuel SalazarPhotos by: Jed Palonpon, Dexter Ogale, Chainne Ysabelle Guevarra, Aliyah Lopez, Santine Mauritius Susa, Reisha Uy, Gabrielle Ayesha Nicolas, Pearl Belena, Elyzza Esteban Pasay City National Science High School held its 23rd Foundation Day celebration with the theme “We’re All In This Together: Celebration of Excellence and Camaraderie” at the school gymnasium on June 27, 2025. The day began with the Holy Mass at the school gymnasium and fellowship program at the school canteen, followed by the 23rd Founding Anniversary program led by Mr. Jojo Dela Cruz and Mrs. Mariecar Medina. The program commemorated the school’s history and awarded teachers with loyalty awards for their dedicated service to the school. Mrs. Michelle Carranza, Mrs. Lejanie Baya, and Mrs. Demetria Lappay were recognized for 20 years in service, while Mrs. Arlyn Esber, Mrs. Anabelle Cusi, Mrs. Jackyline Lagaña, and Mr. Jesse Sigua were honored for 21 years. After the program, teachers of various faculties opened their own interactive booths in celebration of the school’s foundation day. The afternoon event started with an intermission number led by Galaw Siyensa, followed by a game conducted by the Supreme Secondary Learners’ Government (SSLG), which promoted competitiveness and engagement between the four clusters, namely: Green Skater Dudes, Yellow Thespians, Red Jocks, and the winner, Blue Brainiacs. The cluster dance contest followed, with the Yellow Thespians performing first, followed by the Green Skater Dudes, then the Red Jocks, and finally, the Blue Brainiacs. Before ending the event, the awarding of winners for the cluster dance competition was conducted, with Yellow Thespians placing fourth, Red Jocks taking third place, Green Skater Dudes in second place, and Blue Brainiacs securing the top spot. “This year’s foundation day theme, symbolizes the success of this school as we all remember that we are all in this together, forever and always. Because once a PaScian, always a PaScian,” stated by Filha Bautista, SSLG President, in her closing remarks.

Pride In Prevention

By: Aljhur P. DangananPublication: Jamelle Ronquillo Pride Month—a month to recognize the rights, culture, and significance of the queer community, has instead been bombarded with baseless accusations and stigma following the surge of HIV cases in the Philippines. The sudden 500% spike in human immunodeficiency virus cases this month has sparked another wave of negative sentiments against the LGBTQ+ community. People were quick to question and point out how gay men continue to be disproportionately impacted by HIV. Whilst the statistics are true, the problem lies within the context of why it is that they are affected the most. HIV being associated with queer people has already been acquainted decades ago. From the 1980s, the AIDS epidemic that began with gay men in the US, even termed “gay-related immune deficiency,” would be the start of this stigma. Likewise, the Philippines would experience its first case in 1984. This stain in history would then unfortunately pass on to generations up until now. “Gay disease” has been a misleading term that has permeated throughout society in spite of the fact that anyone can contract it regardless of sexual orientation. Not only is it false, but it is one of the reasons why the stigmatization surrounding the community has aggravated. The problem is not the fact that HIV is rampant in queers. The deeper issue lies in our failure to realize that said stigma and discrimination are the driving force of this rise in cases. How do we expect them to feel accepting of their status when they are being ostracized and shunned? When this issue is viewed through a lens of negativity and shame, it only worsens the internalized stigma and perception people have of themselves. Any comprehensive strategy must begin with considering this problem. Yet, not everyone is confident of going into a hospital without expecting to be harassed, mistreated, or denied service outright. Hypocrisy is at its finest, and it is necessary that everyone cooperates. It takes no effort to be respectful and supportive of those bearing the brunt of the virus. In fact, it is extremely easy to spread awareness and advocate for comprehensive education, strategic prevention, and healthcare access. Pride Month was never just about celebrating queerness—it was highlighting the significance of breaking stigmas, how queer people have suffered from the implications of homophobia, and the fact that the LGBTQ+ community are humans, too. HIV is not something exclusive to queers, it is a harmful disease that deserves to be recognized and treated with dignity regardless of self. Before Pride Month ends, may the profundity of this matter lead to the dismantling of the ever-so-unhealthy stigma that continues to torment the lives of the queer community.

PCNSciHS opens S.Y. 2025 to 2026

By: Hannah Zarren VerePhotos: Santine Mauritius Susa, Chainne Ysabelle Guevarra, Aliyah Lopez, Joshz Aszhiera Jumawan, Gabrielle Nicolas, Dexter Ogale Pasay City National Science High School held its flag ceremony to open the school year and to welcome students from Grades 7, 8, and 11, at the school gymnasium on June 16, 2025. The flag ceremony was led by the Supreme Secondary Learners’ Government (SSLG), followed by the energizer by Galaw Siyensa and the introduction of SSLG officers by Filha Bautista, SSLG President. School Principal Dr. Mark Familaran gave his welcoming speech, expressing his appreciation to the students, encouraged their continued enrollment and highlighted the importance of maintaining academic excellence.