Open House 2025 kicks off

By: Emmanuel Salazar Photos: Jed Palonpon, Van Jensen Lee Pasay City National Science High School officially launched Open House 2025 on March 24, a two-day event aimed at giving Grade 12 students hands-on experience in entrepreneurship. The event will run until today, March 25. Led by organizers Xyrel James Canonoy, Zyriel Josh Coronel, Shaun Mustang Jacinto, and Entrepreneurship adviser Maria Luz Rogacion, the event transforms the school grounds into a marketplace with booths showcasing various entrepreneurial ideas, talents, and specialties lining the area, offering tutoring services, snacks, clothes, photo booths, and souvenir items. “It was a nice experience kahit hindi ko nabisita lahat ng booths sa dami nila. Kitang kita mo yung dedication and determination ng kada booth na mag-serve sa customers nila na nagiging basehan ng capabilities nila bilang isang entrepreneur. Naubos yung pera ko pero masasabi ko namang worth it,” said Simon Mchale Mayrina, a Grade 7 student, sharing his experience. The event allows Grade 12 students to put their knowledge into practice by creating and managing their own businesses, from marketing to selling products. It also serves as a platform to develop essential business skills such as customer interaction, promotion, and money handling. “As we start the event, ngayon pa lang, we recognize the hard work behind every venture and hope this experience inspires them to pursue greater entrepreneurial endeavors in the future,” said Xyrel Canonoy, acknowledging the effort of booth facilitators.

Paggawad ng Parangal sa JBL Scientific Research Symposium, Isinagawa

Isinulat ni Zacharie MacalaladSinuri ni Gng. Myra JaimeMga larawan ni Chainne Guevarra Idinaos ang seremonya ng paggawad sa mga nangibabaw na research groups sa naganap na JBL Scientific Research Symposium sa gymnasium ng Pasay City National Science High School nitong ika-20 ng Marso. Nahati sa dalawang aktibidad ang programa, ang oral presentation at poster presentation. Inuwi nina Stephen Blaize L. Gabor, Jasmine Joy E. Ayaton, Achilles V.C. Del Rosario, Arkin Zeus C. Espeso, Ron David A. Santiago, at Samantha Nicole M. Tandingan, mga mag-aaral sa ika-10 baitang ang karangalan sa Best Oral Presentation sa pamamagitan ng kanilang research study, “In vivo Embryotoxicity of Tsaang-Gubat (Ehretia microphylla Lam.) Leaf Aqueous Extract in Zebrafish (Danio rerio) Embryonic Morphology” na may grado na 89.5. Habang nakamit naman nina Christianne Leslie P. Gabriel, Athena Tiffany O. Baldovino, Anikka Lexie R. Factor, Christine Reeze N. Fernandez, Joebbie Krizel V. Gaugano, Aliyah V. Lopez, Rianne Dane C. Lopez, at Jane Ashley A. Tuazon, mga mag-aaral sa ika-10 baitang din ang unang pwesto sa Best Poster Presentation sa pamamagitan ng kanilang research study na “Phytochemical Evaluation and Antioxidant Activity of Banuyo (Wallaceodendron celebicum) Leaf Crude Ethanolic Extract”. Sinundan ito nina Danella Jorin P. De Vera, Angelou Zharise G. Lim, Mary Saleisha E. Llaneta, Maria Ghianella M. Tuquero, at Chloe Althea R. Villaruel gamit ang kanilang study na “Pandan-Co: Thermal Insulation Potential of Pandan (Pandanus amaryllifolius) lignocellulosic fibers hybrid composites through Heat Conductivity Simulation”. Nakuha naman nina Hannah Mae dC. Basa, Recca Charize C. Imperial, at Francis Nathan D. Taburnal, mula sa ika-11 baitang ang ikatlong pwesto sa best poster presentation sa kanilang pag-aaral “A.L.A.S.S.: Astaxanthin Light-absorbing Coating from Mud Crab (Scylla serrata) Shells Against Blue and Ultraviolet (UV) Light on Acrylic Glass”. Binigyan ng medalya, sertipiko, at tropeo ang mga nabanggit na nanalo. Maliban dito, iginawad kina Precious Marlan P. Baldonaza, Raine Ashley H. David, Allan Caine Dela Cruz, Matt Romwin A. Gesu-an, Kris Matthew J. Perez, Ashley Shanelle R. Raborar, at Qhris Mnemosyne D. Roa, mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang ang JBL Scientific Award sa kanilang pag-aaral na “Corn (Zea mays) Husk Cellulose Nanofibers for Air Filtration: Development of Potential Air Filter Membrane for Efficient Filtration of Particulate Matter (PM2.5)”. Ipinagkaloob sa kanila ang P15, 000 research grant na maaari nilang magamit sa susunod na panuruang taon upang paunlarin ang kanilang pag-aaral kasama nito ay mga medalya, sertipiko, at tropeo. Ayon kay Juan Benigno A. Luarca, may-ari at tagapagtatag ng JBL Scientific, ang JBL Scientific Award ay isa sa mga karangalan na iginagawad niya ng personal, pinili ng mga hurado ang research study na may malaking kahalagahan sa lipunan kaya hatid ng JBL ang P15, 000 research grant upang palawakin ito. Sa kabuuan, 25 research studies ang lumahok sa research symposium na ito mula ikasiyam hanggang ika-11 baitang.  

JBL Scientific Research Symposium, isinulong

Isinulat ni Zacharie Macalalad Sinuri ni Gng. Myra R. Jaime Larawan nina Mervyn Valdez, Chainne Guevarra, Jasmine Ayaton, Janiree Sanchez Inilunsad ang kauna-unahang research symposium ng JBL Scientific sa Pasay City National Science High School na dinaluhan ng mga mag-aaral sa ikawalo at ika-11 baitang, mga guro, at ilang mga kawani ng JBL Scientific at ng paaralan. Pormal na binuksan ni G. Mark Anthony F. Familaran, punongguro ng Pasci, ang programa sa pamamagitan ng kanyang panimulang pananalita. “To enlighten and innovate our research community,” ‘ika nga ni Dr. Familaran. Layunin ng symposium na ito na itaguyod ang pakikipagtulungan at makakuha ng tulong sa mga bagay na may kaugnayan sa larangan ng research tulad ng methodology at data analysis. Nagkaroon ng plenary talk sina Dr. Blessie A. Basilia tungkol sa scientific research paper writing; Engr. Josephine, tungkol sa pag-unawa ng mga kemikal sa research; at G. Menando Marquez tungkol sa iba’t ibang analytical techniques. Matapos nito, isinagawa sa hapon ang poster presentation ng 20 research studies mula ika-siyam na baitang hanggang ika-11 baitang sa una, ikalawa, at ikatlong palapag ng PCNSciHS. Nilibot ng mga hurado ang mga poster o project board ng research studies. Kasabay nito ang oral presentation sa gym ng limang napiling research study mula sa parehong mga baitang: Ika-siyam na baitang: Effect of Astaxanthin as an Inhibitor on UV-C light Photodegradation infused in Polystyrene (PS) matrix wastes Ika-10 baitang: In vivo Embryotoxicity of Tsaang-Gubat (Ehretia microphylla Lam.) Leaf Aqueous Extract in Zebrafish (Danio rerio) Embryonic Morphology Fungicidal Activity of Lima-lima (Heptapleurum ellipticum (Blume) Seem.) Leaves Crude Ethanolic Extract Against Aspergillus niger Ika-11 baitang: Antihyperlipidemic Potential of Corazon de Maria (Caladium bicolor) Leaves Aqueous Extract on High Cholesterol Diet-Induced Nile Tilapia (Oreochromis niloticus) PiñaGel: Morphological Analysis of Pineapple (Ananas comosus (L.) Merr) Peels Extract Crosslinked with Polyvinyl Alcohol as a Potential Hydrogel Wound Dressing Idinaos din ang question and answer portion matapos ang 10-minutong pag-uulat ng bawat grupo. “To claim is something to prove is another” sambit in Juan Benigno A. Luarca, may-ari at tagapagtatag ng JBL Scientific patungkol sa pagsasagawa ng mga research study. Naging tagapagdaloy ng palatuntunan si Bb. Maria Theresa L. Estilong, Pasay Chorale naman ang nanguna sa pag-awit sa preliminaries sa pagkumpas ni G. Napoleon A. Anteja Jr. at iba pang mga mag-aaral na naging bahagi ng programa. Nagtapos ang symposium sa paggawad ng parangal sa pinakamahusay na grupo sa poster at oral presentation at sinundan ng pangwakas na pananalita ni Gng. Sara Jane T. Delos Santos, kawaksing punongguro ng PCNSciHS.  

2 Pascians sa Regional Philippine Casio Math Challenge, Nagtagumpay

Isinulat ni Zacharie Macalalad Sinuri ni Gng. Myra R. Jaime Kuha ni Bb. Marry Camile Landagan Nagwagi ang dalawang Pascians sa Regional Philippine Casio Math Challenge na ginanap sa Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales, lungsod ng Mandaluyong nitong ika-15 ng Marso. Natamo ni Ronan Kaiser Julian A. Castro ang Top 6 sa Dibisyon ng Senior High School habang naabot ni Cedrick James B. Ramirez ang Top 7 sa kategorya ng ikawalong baitang. Nakamit ng mga mag-aaral ang karangalang ito sa ilalim ng pagsasanay nina Bb. Rexielle Joy V. Villareal kay Castro at Gng. Abegail Aborde – Villanueva kay Ramirez

Pampinid na Palatuntunan ng Division Palaro 2024, idinaos; atletang Pasayeño, bumida

Ni: Carl Vincent Chua Sinuri ni: G. Randie D. Pimentel Mga larawan nina: Carl Chua at Angello Ilao   Nagtagumpay ang pagdaraos ng Pampinid na Palatuntunan ng Division Palaro 2024, kung saan nagningning ang mga manlalarong Pasayeño, kasama ang kanilang mga tagapagsanay, punongguro, at buong pamunuan ng Dibisyon ng Pasay sa Cuneta Astrodome, Marso 14. Nagbigay ng pagkilala sina Mayora Imelda “Emi” Calixto-Rubiano at Kongresman Antonino Calixto sa mga atleta na nagbigay karangalan sa lungsod at pangakong buong pusong pagsuporta sa buong Dibisyon ng Pasay sa nalalapit na Regional Palaro 2024. Binigyan ng pagkilala ang Cluster 7 bilang Overall Champion sa Elementarya, sumegunda ang Cluster 6 sa pagiging 1st Runner Up, habang 2nd Runner Up ang Cluster 3, at 3rd Runnner Up naman ang Cluster 4. Samantala sa Sekondarya, bitbit ng Pasay City West High School (PCWHS) ang Overall Champion, kasunod ang Pasay City South High School (PCSHS) sa pagiging 1st Runner Up, 2nd Runner Up ang Kalayaan National High School (KNHS), at Pasay City East High School (PCEHS) swak sa 3rd Runner Up. Para sa alas ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS), nagkuwintas sina Juliann Angello L. Ilao at Emmanuel J. Nepomucemo ng Bronze Medal sa ikatlong sunod-sunod na pagkakataon sa Men’s Doubles Badminton, kaagapay si G. Jesse R. Sigua— guro at tagapag-ugnay ng Kagawaran ng MAPEH.

Culture of Research Award, nakamit ng PCNSciHS

Ni: Ayesha Ehris Salazar Sinuri ni: Gng. Myra Jaime Itinanghal bilang Culture of Research ang Pasay City National Science High School sa naganap na 2025 National Science and Engineering Fair nitong Marso 15-16 sa Axiaa Hotel, Quezon City. Kasabay nito, nakamit ng PS_Alass na binubuo nina Hannah Basa, Recca Imperial, at Nathan Taburnal ang ikalawang puwesto sa Grand Award. Ikatlong puwesto naman ang nasungkit nina Filha Bautista, Eliseo Ramos, at Pauline Sy ng PS_Piña-Gel. Samantalang ikaapat na puwesto at Excellence in Public Safety Award naman ang nakuha ng RIM_ArGas na binubuo nina Psalm Nuguit, Kyle Rivera, at Kim Veridiano. Naiuwi naman nina Mikaella Mabulac, Hans Malicana, at Rhian Tabuada ng LS_Corazon de Maria ang ikaapat na puwesto. Nagkaroon naman ng karangalan sa Excellence in Environment at Special Merit ang RIM_EstuaRetriever na binubuo nina Stacie Catallo, Ethan Sarmiento, at Neil Icaro. Best in Video at Special Merit Award naman ang nakamit nina Jude Velarde, Leon Manlangit, at Vea Robles ng MCS_Project Voronoi. Samantala, nagkaroon din ng Special Merit Award ang grupong MCS_Algal Bloom na binubuo nina Zoe David, Rhys Balangon, at Arianne Asuncion, at ni Stephen Gabor ng LS_Beetroot. Nakamit naman ni Gng. Shannen Dorothy Gomez ang Most Outstanding Research Adviser Award. Pagbati, PaScians!

Pasay launches first-ever Eco-City Youth Congress

By Shanaiyen Salazar Copyedited by Mekylla Villapaña Photos: Gabrielle Nicolas Pasay City made history with the successful launch of the Eco-City Youth Congress on Saturday, March 15, bringing together high school students, youth leaders, and experts under the theme “Tomorrow Starts Today.” The event served as a platform for collaboration, innovation, and action, empowering the youth to take an active role in shaping a sustainable future for Pasay City. In Hon. Emi Calixto-Rubiano’s address, she emphasized the vital role of the youth in shaping the nation’s future, commending the organizers and participants for their dedication in driving progressive change. “Ang dating pangarap lamang na Eco-City Youth Congress ay isa nang ganap na katotohanan,” stated by the head organizer and an alumnus of Pasay City National Science High School, Vlad Dominic Paradela, as he recounted the journey of transforming this initiative from a vision into reality with the support of the city’s Sangguniang Kabataan (SK), local government, and partners. The event featured prominent speakers who shared their expertise on various social issues. Serving as the resource speaker, House Representative of Kabataan Partylist, Cong. Raoul Manuel emphasized the role of youth in nation-building, while keynote speaker, Akbayan Youth Chairperson, Justine Balane, discussed the education crisis and the government’s shortcomings in women’s health. SK Federation President Benedict Angeles delivered an inspiring message to the youth, while federation officers Mr. Jay-Ar Yabut and Mr. Jay Jay Geroza highlighted key milestones and provided insights on disaster resilience. The head of CFSI’s Park Avenue Initiative, Mr. JC Cardaño, also discussed adolescent sexual and reproductive health. Following that, an open forum was conducted, providing students with the opportunity to engage directly with the speakers, ask questions, and gain deeper insights into the topics discussed. A key highlight of the event was the project proposal presentation from various schools across the city, where a panel of esteemed judges, comprising youth leaders, innovators, and experts, evaluated the entries. The team from Pasay City National Science High School under the supervision of Ms. Joanna Marie Luciano were Shanaiyen Leal, Aiyen Salazar, Arkin Zeus C. Espeso, Jose Maria Sinag D. Laya, John Martin P. Lomtong, Santine Mauritius E. Susa, Rolando D. Teves Jr., and Jean Gabriel M. Ylagan with their entry “Project Eco-Wise,” was awarded as the Project Winner and also received the Most Feasible Project award. The Eco-City Youth Congress 2025 marks the beginning of an annual tradition dedicated to empowering young minds and fostering a more sustainable future, promising to become a beacon of youth-driven innovation and advocacy in Pasay City and beyond.

Pasci sweeps NSEF 2025

by Zyriel Josh Coronel Proving itself as a research powerhouse, researchers of Pasay City National Science High School took center stage after bagging multiple awards in the 2025 National Science and Engineering Fair at Quezon City on March 15-16. PS_ALASS, PS_PiñaGel , and LS_CdM took the 2nd, 3rd, and 4th places in their respective categories, followed by the Special Merit Award of RIM_EstuaRetriever, MCS_Project Voronoi, MCS_Algal Bloom, and LS_Beetroot. Project Voronoi also took the Best Video Award, followed by the Excellence in Environment Award of EstuaRetriever and the Excellence in Public Safety Award of ArGas. Ms. Shannen Gomez has also proven herself after winning as the Most Outstanding Research Adviser. The NSEF medal haul ended with the school winning the Culture of Research Award.

Shining in Silver!

Shining in Silver! Through critical thinking and his tactical scheme, trained by Mrs. Marry Camile T. Landagan, Chrisanto E. Domingo, Jr. strategized the triumph, securing second place during the NCR Casio-Damath Challenge Senior High School—Polynomial Damath at Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales SHS Mandaluyong City earlier today, March 15.  

Forte: Homecoming, the sixth concert of the Philippine Philharmonic Orchestra’s (PPO) 40th Concert Season.

Correspondent: Mark Balolo   Delegates from Le Compendium and The Quantum attended Forte: Homecoming, the sixth concert of the Philippine Philharmonic Orchestra’s (PPO) 40th Concert Season. Held yesterday at the Samsung Performing Arts Theater, the event showcased the brilliance of the PPO under the baton of Grzegorz Nowak, with featured performances by Diomedes Saraza Jr. (violin) and Rowena Arrieta (piano). The concert was a celebration of the 35th anniversary of Lithuania’s independence restoration and the 150th birth anniversary of Mikalojus Konstantinas Čiurlionis, a Lithuanian artist and composer. Attendees were treated to a night of masterful orchestral renditions, highlighting the intersection of music, culture, and history.