Narito ang mga kinatawan ng Pasay City National Science High School sa katatapos lamang na Brainiac Robotics Challenge na ginanap sa De La Salle Santiago Zobel kahapon.

Nasungkit ni Din Heinrich Naorbe ang 2nd Runner Up sa Line Tracing Category gamit ang kaniyang Pepito Robot.

Habang nakapasok naman sina Suyash Singh, Marco Mallorca, at Neil Icarro sa Top 12 Finalist ng Advanced Level Category.

Pagbati para sa mga mag-aaral na muling nagpamalas ng #HusayNgPaSci sa pamamagitan ng kanilang tagapagsanay na si Bb. Aizah Agub. Patuloy nating suportahan ang mga inobasyong tatak PaScian!