| Marc Jared Sario
| Leigh Ann Prado

“Suspended na naman!” sigaw ng ilang mga estudyante kapag bumabagyo, na tila ba masaya dahil walang pasok, ngunit sa kabila nito ay mayroong nagtatagong kaakibat na panganib ang bagyo. Ang malakas na hangin, ulan, at storm surge mula sa bagyo ay nagdudulot ng pinsala at pagbaha at nakaaapekto hindi lang sa kapaligiran ngunit pati na rin sa buhay ng mga tao. Ngunit sa kabila ng mga peligrong ito ay mayroon tayong mga bayani, sila ang mga UP scientists na gumawa ng computer-based tool na kayang hulaan kung aling barangay at ilang tao ang maaapektuhan ng baha, 24 oras bago ito mangyari.
Dahil tag-ulan na naman, talamak ang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, ngunit dito nagpakitang gilas ang ating mga UP scientists katulong ang UP resilience Institute (UPRI) at Project NOAH scientists. Sila ay lumikha ng isang tool na gumagamit ng datos ng ulan at ilog upang tantiyahin ang lalim at lawak ng baha, kinukumpara sa populasyon ng barangay, at nagbibigay ng maagang babala sa mapa at talahanayan.
Sila ay mayroong layuning magbigay ng maagap at tiyak na babala, upang tumulong sa pagkakaroon ng mas maayos na paglilikas at paghahanda, at makabawas ng pinsala sa mga pinaka apektadong lugar. Bago gamitin sa pang malawak na lugar, sinubukan muna ito sa mga binabahang ilog at barangay sa Luzon at Visayas, at nakatakdang palawakin sa buong bansa katuwang ang mga LGU. Nagkaroon ng maayos na resulta ang eksperimento at maaari itong magamit sa mga paparating na bagyo katulad ng bagyong Nando.
Dahil sa bagyo unti-unting lumulubog ang Pilipinas, maraming ari-arian ang nawawasak at isa-isang kinikitil ang buhay ng mga tao. Ngunit dahil sa katalinuhan at inobasyon ng ating mga scientists ay maaaring magsalba hindi lang ng ating buhay ngunit pati na rin ang ating hinaharap na henerasyon.
—
Sanggunian: https://www.gmanetwork.com/…/up-scientists…/story/