Mr. Mark Reniel Balolo, The Quantum’s School Paper Adviser, has just been featured on the UNESCO Asia-Pacific Teacher Exchange for Global Education (APTE) blog. His essay entitled ‘Thoughtful Tears’, is a breathtaking reflection on Teachers’ Day. An ode to the quiet power, unseen labor, and enduring grace of those who choose to teach. In a world that often overlooks the soul of education, Sir Mark’s words remind us that teaching is not just a profession, but a promise—to care, to guide, to never give up. Read Thoughtful Tears and witness a story that speaks to every teacher’s heart: https://aptenpebbles.blogspot.com/…/teachers-day-around… A Pascian voice. A global platform. A story that lingers.

Pasci bags sixth in Aghamazing
Carrying the banner #HusayNgPasci, National Capital Region representatives Xhian Alsola, Elyzza Esteban, and Zyriel Coronel secured 6th place in the recently held 2025 National Festival of Talents’ STEMazing: Aghamazing competition. With the given problem of invasive alien species, the group presented their output, “SOLARIS: A Solar-powered Artificial Intelligence-based Autonomous Robot for Water Hyacinth Management” The robot, equipped with spatial coverage map generation, collects water hyacinth through traditional conveyor belt action as it covers the water area automatically through a camera and an ultrasonic sensor. Location is also constantly updated as data and the generated spatial coverage maps are sent to a control center for future trend monitoring and analysis. The students were trained by Mr. Christian Jayvon Laluna, Mr. Don King Evangelista, Head Teacher III at Longos National High School, and Dr. Rhowell Tiozon of the International Rice Research Institute. They were also guided by Dr. Maripaz Mendoza, Education Program Supervisor for Science; Ms. Micah Pacheco, Education Program Supervisor; Mrs. Rosalida Sinsuan, Head Teacher III of the Science and Technology Department; and School Principal Dr. Mark Anthony Familaran. This achievement further highlights the sustained excellence of Pasay City National Science High School in the fields of research and innovation.

Sanaysay ng Pascian Teacher, Inilathala ng UNESCO APTE
Isinulat ni: Zacharie MacalaladPatnugot ni: Psalm NuguitSinuri nina: Gng. Myra Jaime at Ayesha Salazar Itinampok sa blog ng UNESCO Asia-Pacific Teacher Exchange for Global Education (APTE) ang sanaysay ni G. Mark Reniel L. Balolo, Teacher III ng Pasay City National Science High School at kasalukuyang guest teacher sa Suncheon Hyosan High School sa Korea. Bilang paggunita sa Araw ng mga Guro sa Korea noong ika-15 ng Mayo, hinilingan ng APTE sina G. Balolo at isang guro mula sa Mongolia na ibahagi ang kanilang mga alaala tungkol sa pagdiriwang sa kani-kanilang bansa. Sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Thoughtful Tears,” inilahad ni G. Balolo ang mga kaugalian ng mga Pilipino tuwing ipinagdiriwang ang Araw ng mga Guro. “On October 5, students or the school’s Supreme Student Government often organize events, sometimes with special activities planned for each class. Students show their appreciation by giving flowers, chocolates, handwritten letters, small gifts- or even singing songs for their teachers!” ayon sa kanya. Dagdag pa ng guro, nadarama niya ang malalim na pasasalamat at kasiyahan tuwing ipinagdiriwang ito. Sa kanyang halos siyam na taong pagtuturo, nauunawaan niyang hindi madaling propesyon ang pagtuturo dahil kalakip nito ang malaking responsibilidad sa paghubog ng pagkatuto at pangarap ng mga mag-aaral. Isa si G. Balolo sa mga kalahok sa Korea-Philippines Teacher Exchange Program 2025, na bahagi ng APTE. Layunin ng programang ito na paigtingin ang pandaigdigang kakayahang pang-edukasyon, palalimin ang pag-unawa at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa, maibahagi ang mga karanasang pang-edukasyon, at mapabuti ang kabuuang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto. Bisitahin ang link na ito para mabasa ang buong sanaysay ni G. Balolo, “Thoughtful Tears”: https://aptenpebbles.blogspot.com/…/teachers-day-around…

PCNSHS Celebrates Education Support Personnel Day with Fun, Camaraderie, and Heartfelt Appreciation
(By Ms. Arlyn Esber and Ms. Rosalida Sinsuan) Pasay City, Philippines – May 16, 2025 — In honor of the often-unsung heroes of the education sector, Pasay City National Science High School (PCNSciHS) celebrated Education Support Personnel Day with a full day of festivities, recognition, and gratitude dedicated to its non-teaching staff. Declared a special working holiday by President Ferdinand Marcos Jr. through Republic Act No. 12178, May 16 has been set aside to acknowledge the essential contributions of education support personnel—those working behind the scenes to ensure the smooth functioning of schools across the nation. Under the leadership of Dr. Mark Anthony Familaran, Principal II, and Ms. Sara Jane De Los Santos, Assistant Principal II, PCNSciHS embraced this national celebration by treating its non-teaching staff to a well-deserved break from their daily routines. The day began at the SM Mall of Asia Entertainment Area, where the staff engaged in a friendly and spirited bowling tournament. Laughter filled the arcade as colleagues teamed up, cheered each other on, and enjoyed the camaraderie that extended far beyond the school walls. Following the games, the group moved to a videoke lounge, where hidden singing talents took center stage. The joyous energy of the gathering highlighted the vibrant and close-knit nature of the PCNSciHS staff community. The celebration culminated in a hearty dinner at Congo Grill Restaurant, where warm conversations and delicious food were shared. School leaders took this moment to express their deepest appreciation for the dedication and support of the non-teaching personnel. Dr. Familaran reflected on the importance of their work, noting, “Kaya pala napapalitan taon-taon ang principal, nananatiling maayos ang takbo ng Science, kasi po ang admin ay nagtutulungan.” (“Perhaps the reason the school continues to function smoothly despite changes in leadership is because the administrative staff always work together in harmony.”) More than just a day of leisure, the event served to recognize the integral role of non-teaching staff in the success of the institution. From administrative support to operations and logistics, these individuals ensure that students and teachers alike have the environment and resources needed to thrive. As the evening wound down, participants left not only with full hearts and satisfied appetites but also with a renewed sense of unity and purpose. With celebrations like these, PCNSciHS continues to foster a culture of appreciation, teamwork, and mutual respect—proving that every role, whether inside or outside the classroom, is vital to educational success.

Panulat, Paninindigan, at Pangarap
Isinulat ni: Claire DomendenDibuho ni: Leigh Ann PradoSinuri nina: Gng. Myra Jaime at Ayesha Salazar Ngayong sumapit na ang ika-19 ng Mayo 2025, unti-unting tumitindi ang tibok ng puso ng bawat kabataang mamamahayag sa bansa. Ang National Schools Press Conference (NSPC) ay higit pa sa isang paligsahan — ito ay isang paglalakbay ng mga kabataan na handang maging tagapagsalita ng katotohanan. Hindi lamang ito laban ng talino at husay, kundi laban din ng prinsipyo at layunin. Sa entabladong ito, bitbit namin ang panata: magsulat hindi lang para manalo, kundi upang mamulat, magmulat, at magsilbing tinig ng bayan. Hindi madali ang paghahanda. Habang ang iba’y nagpapahinga, ang mga mamamahayag ay nakayuko sa mga papel, nakikipaglaban sa pagod at pagpupuyat. Isinusuko ang ginhawa at aliw ng karaniwang kabataan — ang gala tuwing Sabado, ang tulog sa hapon, at minsan pati na ang mga kasiyahan kasama ang pamilya. Lahat nang ito’y pinapalitan ng oras para magsanay, magsulat, at patuloy na humasa ng kakayahan. Para sa amin, ang bawat sakripisyo ay binhi ng tagumpay. Kasama rin sa paghahanda ang paglampas sa sariling mga takot. Oo, ngayon kami’y kinakabahan — sa bigat ng kompetisyon, sa laki ng inaasahan. Ngunit sa halip na umatras, kami’y lalapit pa lalo. Sapagkat ang tunay na mamamahayag ay hindi lang mahusay magsulat — marunong ding tumindig sa gitna ng kaba, maglakad sa kabila ng duda, at magsalita kahit walang pumapalakpak. Ang NSPC ay higit pa sa tropeo. Isa itong paalala na ang aming boses ay mahalaga. Na sa murang edad, kaya nating magbigay-liwanag, mag-udyok ng pagkilos, at maghatid ng kaalaman. Isa tayong pwersa — kabataan na may panulat, kabataan na may layunin, at kabataan na handang magsakripisyo para sa mas malaking dahilan kaysa sa sarili. At ngayong papalapit na ang laban, dala-dala namin ang kani-kaniyang layunin, husay, at puso. Hindi kami perpekto, pero kami’y handa. Handa kaming magsulat para sa bayan, magsalita para sa katotohanan, at makinig sa tinig ng bawat Pilipino. Sa NSPC, kami ay hindi lamang mga kalahok — kami ang kinabukasan ng malaya at responsableng pamamahayag.

STEMazing: Aghamazing in Ilocos Sur.
STEMazing: Aghamazing participants Elyzza Esteban, Xhian Alsola, Zyriel Coronel, and trainer Christian Jayvon Laluna have now arrived at San Sebastian National High School in Ilocos Sur. Wish them the best of luck as they proudly carry the banner of #HusayNgPasci in the National Festival of Talents!

#Halalan2025
Correspondents: Gabrielle Ayesha Nicolas & Aliyah Lopez With just two hours remaining before the election concludes, voting is still ongoing at Marcela Marcelo Elementary School and Timoteo Paez Elementary School. First Aid stations are present at each precinct, offering medical assistance to those in need.

Bantay sa Balota
Isinulat ni: Rhian Ariana B. BelardeDibuho ni: Leurlee Sicat Mapapaisip ka talaga kung sino nga ba sa mga politiko ngayon ang tunay na tapat at may malasakit sa bayan? Sa tuwing nalalapit ang halalan, nagsusulputan ang mga mukha sa bawat sulok ng kalsada, nasa tarpulin at billboard, maging sa telebisyon at social media. Kumakaway, ngumingiti, at nang-aakit ng boto sa pamamagitan ng mga pangako na kadalasan nama’y napapako. Sa mga panahong ito, marahil, sila’y kumakatok sa bawat pintuan, bitbit ang kanilang mga plataporma. Mga programa na ika nga nila’y hindi lamang para sa ikabubuti ng mga mamamayan kundi pati na rin sa ikauunlad ng bayan. Mga pangako na paulit-ulit nang naririnig ng mga mamamayan na umaasang umunlad ang buhay. Pabahay, trabaho, edukasyon at kalusugan na kadalasan nama’y natatapos lamang sa salita. Tuwing eleksyon, hindi lamang plataporma o mga pangako ang lumalaganap, kundi pati na rin ang mga maling impormasyon, partikular na sa mga kandidato. Noong 2022, lumabas sa isang sarbey ng Pulse Asia na 90% ng mga Pilipino ang naapektuhan ng mga pekeng balita na may kaugnayan sa pulitika. Ito ay maituturing na banta sa katotohanan, maging sa matalinong pagpili ng mga mamamayan. Sa darating na halalan 2025, na gaganapin sa ika -12 ng Mayo, muling susubukin ang husay at pagiging mapanuri ng sambayanang Pilipino sa pagpili ng mga karapat-dapat na pinuno. Ayon sa datos ng Commission on Elections (COMELEC), mahigit 68 milyon ang rehistradong botante ngayong taon. Sa nakaraang eleksyon, umabot sa 83% ang voter turnout, ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng bansa. Samakatuwid, inaasahan na magpapatuloy ang mataas na antas ng partisipasyon ng mga Pilipino sa darating na halalan. Sa muling pagtaya sa balota, tayo ang may pinakamalakas na boses na may kapangyarihang pumili ng tamang pinuno. Mahalagang suriin hindi lamang ang galing magsalita kundi ang tunay na track record, mga proyektong nagawa o mga batas na naipasa. Hindi sapat ang pagiging sikat, o ang pagiging anak ng dati ring politiko. Sa pamamagitan ng matalinong pagboto, ang bawat Pilipino ay ang magsisilbing daan sa pagluklok ng mga karapat-dapat na pinuno. Bilang mamamayan, ang pagboto ay isang pananagutan, isang karapatan na kailangang gamitin nang may pag-iisip at paninindigan. Marahil, ang ilan ay mayroon nang napupusuan. Ngunit naitanong n’yo na ba sa inyong mga sarili kung ang inyong kandidato ay may sapat na kaalaman, kakayahan, at tunay na malasakit sa bayan? Ngayong 2025, habang isinasaalang-alang ang tanong na ito, kanino mo ibibigay ang boto mo?

May The Wealthiest Win
By: Aljhur DangananPublication: Angelique Inlong As Filipinos partake in yet another determinant of the nation’s future, the imminent midterm elections have provoked candidates once again in exploiting their riches—a ploy to manipulate the minds of many. Around 439 complaints of vote-buying and abuse of state resources (ASR) were disclosed by the Commission on Elections (Comelec) as of May 8, less than a week before the elections. Money distribution and cash assistance were among the most common forms of such acts. Comelec remarked that those accused must undergo evaluation first in order to file a disqualification. Vote-buying is one of the principal causes in obstructing the electoral process. Yet, it remains pervasive in the democratic country, having been prevalent and widespread for years. Candidates roam around and hand out flyers with a 500 peso bill stapled, expecting a crucial vote in return. Not only are these ploys exploitative, but a direct giveaway of their character. A genuine leader with real credentials and platforms will not go out of their way to top the poll. Despite vote-buying being a violation of the Omnibus Election Code, there has been no effective strategy against such an act due to poor implementation and weak enforcement. The lack of initiatives has enabled this stratagem to influence and trick the minds of voters. One would think that a criminal offense would result in harsh consequences—but the situation here indicates otherwise. Alas, it is beyond doubt that the impoverished have been the ideal victims of these perpetrators. What was seen as their plea for help has now been turned into a culture of exploitation during election season. Even so, vote-buying interferes with the rights of citizens to freely decide who they will vote and hinders their ability to hold candidates accountable. The Comelec and its partners must work together to prosecute the perpetrators of these acts. Whether consequences or campaign instructions, they must put a stop to the rampant influence of vote-buying. Likewise, it is every voter’s civic responsibility not to let fraud, intimidation, and deceit tamper with their decision. Both the public and those in power must be aware and ready to blow the whistle on the culprits. No amount of “ayuda” must sway the crucial votes of the people. When our country is already marred with poor and corrupt governance, we must strive to move forward, vote our conscience, and elect those who are deserving. Failure to do so will only let the wealthiest win—and those who can actually serve their country will fall.

Salamat, Ma
Isinulat ni: Althea D. LoroDibuho ni: Leurlee SicatSinuri nina: Gng. Myra R. Jaime at Ayesha Salazar Sa paglukob ng kadiliman, liwanag ang madalas na unang hinahanap. Gagalugarin ang bawat sulok upang maaninag ang kahit kaunting kislap. Hahakbang sa kabila ng makipot na daanan; tutuloy pa rin dahil sa dulo nito ay may isang inang nakaabang. Dala niya ang init ng pagmamahal, isang kayamanang walang sinuman ang makatutumbas. Hindi na mabilang ang mga bagay na ginawa ng ating mga ina para sa ating kapakanan. Sa simula pa lamang, matinding sakripisyo na ang kanilang ginawa. Kahit ang isang paa ay nasa hukay na, tayo ay kanilang isinilang upang mabigyan ng pagkakataong masilayan ang mundo. At hindi pa roon natatapos ang lahat. Ibinigay nila ang ating mga unang pangangailangan: pagkain, damit, at tahanan. Kasabay nito ang mga aral o payo, paniniwala, at tradisyong humulma at huhulma sa ating pagkatao. Sila ang una nating naging guro, kaibigan, at tagapagtanggol. Mula sa unang iyak hanggang sa unang lakad, sila ang kaagapay. Marami na rin ang naging mga bansag sa kanila. Simula sa ilaw ng tahanan hanggang sa maging hero, idol o lodi, reyna, at marami pang iba. Ang mga pangalang ito ay hindi basta-basta imbento lamang. Bawat salita ay naglalarawan sa kanilang kadakilaan. Hindi natatapos sa pagkabata ang kanilang pag-aaruga. Kahit sa pag-apak natin sa pinakasensitibong yugto ng ating mga buhay, nariyan sila, patuloy tayong sinasamahan. Tunay na ang pagiging teenager ay hindi madali; hindi lamang para sa ating kabataan kundi para na rin sa mga magulang. Sa panahong ito kung saan hinahamon tayo ng mga pagsubok, pilit nila tayong inuunawa. Sa dami ng sinasabi ng lipunan, sila ang ating sandigan. Sa mundong mapanghusga, sila ang tatanggap sa atin nang buo at walang pag-aalinlangan. Gaano man kaingay ang paligid, ang kanilang mga yakap ay magbibigay ng katahimikan sa ating mga puso. Yakap na bumubulong na huwag mag-alala dahil sa kahit na anong oras at pagkakataon ay mananatili sila. Suporta. Isang bagay na mahirap ibigay para sa iba ngunit walang sawang ipararamdam ng isang ina. Makatapos man tayo sa ating pag-aaral, matanggap man tayo sa ating mga trabaho, o makabuo man tayo ng sarili nating pamilya, ang ating nanay ay palaging nakatanaw sa atin. Dekada ang kanilang ibinuhos upang matulungan tayo sa ating mga pangarap ngunit lahat ng pagod ay mawawala kapag nakita nila tayong masaya at kuntento na. Hindi madali ang buhay; may mga pagkakataong magtatampuhan, mag-aaway, at haharap sa matinding problema ngunit kaya nilang bitbitin ang lahat para sa kinabukasan ng kanilang mga supling. Oo, sila’y mapapagod ngunit muling babangon. Magagalit ngunit magpapatawad. Maghihirap ngunit magmamahal. Ganyan katamis ang kalinga ng isang ina. Kasama sa bawat pagkakataon ng buhay, mula pagkabata hanggang pagtanda, subalit kailanman ay hindi magsasawa. Ating isaisip at isapuso ang kanilang ngiti sa kabila ng panghihina, sakripisyo sa kabila ng hirap, at pagmamahal na walang katulad. Iparamdam natin na lubos ang ating pasasalamat sa kanilang mga ginawa para sa atin. Ang simpleng “mahal ko kayo,” ay maikli ngunit sapat na upang makapagpaluha sa isang ina. Idagdag pa ang “po” at “opo”, pagmamano, paghalik sa pisngi, at pagtulong sa gawaing bahay. Magaan man ang mga bagay ito, mabigat na ang kahulugan nito para sa ating mga nanay. Ito ay nagsisilbing palatandaan na ating pinahahalagahan ang kanilang pagsisikap at pagtitiyaga sa pagpapalaki sa atin. Ngayong daraan muli ang araw ng pinakamagigiting na babae sa ating mga buhay, sabay-sabay nating ibalik ang sinag ng kanilang liwanag. Salamat, Ma—Maligayang Araw ng mga Ina!