Ginanap ang oryentasyon ng mga magulang para sa taong panuruan 2025-2026 sa huling araw ng Brigada Eskwela na dinaluhan ng mga guro, magulang, at mga mag-aaral sa Pasay City National Science High School Gymnasium nitong ika-13 ng Hunyo. Isinagawa ang oryentasyon sa dalawang bahagi, ang unang bahagi na itinakda mula 9:00 N.U hanggang 1:00 N.H ay para sa mga magulang ng mga mag-aaral sa ika-7 baitang at mga bagong lipat na mga estudyante, habang isinagawa naman sa hapon mula 1:30 N.H hanggang 3:30 N.H na para sa mga magulang ng mga mag-aaral ng ika-8 hanggang ika-12 na baitang. Samantala si Gng. Sarah Delos Santos, Kawaksing Punongguro ng paaralan ang nagbigay ng pambungad na pananalita. “Naniniwala po kami rito sa PaSci na ang matagumpay na edukasyon ay bunga ng matibay na ugnayan sa pagitan ng paaralan at ng mga magulang,” wika niya. Ipinakilala naman ng mga tagapag-ugnay ng bawat baitang na sina Gng. Anabella Cusi—Grade 7, Bb. Kaye Transfiguracion—Grade 8, G. Emerson Constantino—Grade 9, G. Napoleon Anteja Jr.—Grade 10, Gng. Michelle Carranza–Grade 11 at Gng. Chiradee Ong-Javiniar —Grade 12— ang mga guro sa lahat ng baitang. Ipinakilala rin ni Gng. Rebecca O. Esguerra, Administrative Officer III, ang mga kasama niyang admin staff na katuwang ng punongguro sa pamamalakad ng paaralan. Sa kabilang banda, ipinakilala naman ni Dr. Mark Anthony F. Familaran, punongguro ng paaralan, ang mga puno ng kagawaran. Sa Ingles si Gng. Jackyline T. Lagaña, Matematika si Gng. Arlyn L. Esber at Gng. Rosalida Sinsuan sa Agham at Teknolohiya. Ibinahagi rin ni Dr. Familaran ang estado ng paaralan. Inilahad niya ang portfolio ng paaralan, estado ng kalusugan ng mga mag-aaral, mga proyektong nakalaan sa taong ito, at marami pang iba. “Sana po ngayong bagong taon ng panuruan, mas marami pa tayong pagsamahan. Pagtulungan po natin para mas maging maayos ang school year ng ating mga anak,” aniya sa pagwawakas ng kaniyang ulat. Ibinahagi ni Gng. Anabella Cusi mula sa Kagawaran ng Ingles ang presentasyon ng mga programa sa bawat silid-aralan. Sinundan ito ng pagpapahayag ni Gng. Jackyline Lagaña, Tagapangasiwa ng Brigada Eskwela 2025, ang mga iskedyul sa pagpasok ng mga mag-aaral sa bawat baitang. Sa huli ay ipineresenta ni G. Gil Ganelo, Guidance Counselor ng paaralan, ang School-Parents Agreement. Sa tulong ni Ginang Arlyn Esber, nasagot ang mga katanungan ng mga magulang tungkol sa naganap na pagtatalakay. Naging organisado ang daloy ng programa sa pumumuno ni Bb. Ashley Magistrado, ang tagapagdaloy ng programa. Samantala, naganap naman sa bakuran ng paaralan ang Project ECO-WISE: Planting & Waste Management sa pangunguna ng YES-O Organization, SSLG, BSP at GSP sa pamamagitan ng pangongolekta, pag-uuri, at pagsasaayos ng mga recyclable materials. Sumunod naman ay ang pampinid na programa ng Brigada Eskwela 2025 sa PaSci, binigyan ng parangal ang mga organisasyong tumulong dito gaya ng SSLG, The Quantum, Ang Liwanag, Batang Empowered and Resilient Team (BERT), Red Cross Youth (RCY), Sports Club, Booklat, Bayani, Le Compendium, Sentience, The Euclidean, Campus Integrity Crusaders (CIC), Senior Scouting Movement, Girl Scouts of the Philippines (GSP), Young Researchers Guild (YRG), Kalakbay: The Pascian Teen Center, YES-O, School Parent Teacher Association (SPTA). Kasama rin sa nabigyang parangal sina Gng. Anabella Cusi, Ginang Melita Daliva, mga magulang sa baitang Pascal. Mga magulang sa baitang Rutherford, Ginang Jenny Delos Santos, at si Ginang Rowena Sanchez. Tinapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni Gng. Jenny Delos Santos, pangulo ng SPTA, na malugod na nagpasalamat sa partisipasyon ng mga magulang sa Brigada Eskwela.

PCNSciHS Scouts join Luneta Independence Day rites.
by: Emmanuel SalazarPhotos by: Gabrielle Ayesha Nicolas & Jean Gabriel Ylagan Girl Scouts and Boy Scouts of Pasay City National Science High School joined the Independence Day celebration in Luneta Park, June 12, 2025. The flag raising ceremony led by President Marcos who was ushered by Girl Scout Vic Molina with his First family began with the singing of the Philippine National Anthem “Lupang Hinirang,” followed by the Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas and Bagong Pilipinas Hymn then Panata sa Bagong Pilipinas. The ceremony ended with President Marcos offering flowers to the monument of Philippine National Hero, Dr. Jose Rizal, leaving right after. A parade along Quirino Grandstand was held featuring festival dances and performances representing the history of the Philippines. Darleene Anaviso, Khloe Encarnacion. Filha Bautista and Gabrielle Nicolas were the Girl Scouts who attended. Jean Ylagan, Jose Sinag, Christian Tabada, Ethan Panilag and Outfit Advisor, Marlon Rustico Palaganas were the Boy Scouts who attended.

Sedula ng Kalayaan
Kahirapan, kasakiman, kawalang-katarungan. Tunay na hinabi ang kasaysayan ng ating bayan mula sa isang madugo at marahas na daan. Sa simula pa lamang, kahit maituturing na mahina, sinubukan nating lumaban. Ipinagtanggol ang karapatan sa lupang sinilangan. Siglo ang idumaan upang makamit natin ang pinakaaasam na kalayaan. Nagsimula ang pananakop ng Espanya noong 1521 sa pagdating ni Magellan, na humantong sa 333 taong kolonisasyon. Maraming Pilipino ang tumutol sa katiwalian, kabilang ang tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora o mas kilala bilang GomBurZa, na binitay noong 1872 sa kabila ng kakulangan ng ebidensya. Ang kanilang di-makatarungang kamatayan ang naging hudyat ng nasyonalismo at rebolusyon sa bansa. Ito ang isa sa mga naging inspirasyon ni Gat. Jose Rizal upang buoin ang La Liga Filipina na hindi lamang naglalayong magtaguyod ng reporma kundi pati na rin ang tulungan at ipagtanggol ang mga kasapi nito noong Hulyo 3, 1892. Ngunit agad siyang ipiniit at ipinatapon sa Dapitan. Dahil dito, naitatag ang Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o kilala rin bilang Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Mahal na Araw ng Abril 1895, nagtungo sila Bonifacio kasama ang walo pang pinuno sa kuweba ng Pamitinan sa Montalban Rizal upang tumanggap ng mga bagong kasapi, bumuo ng mga taktika, at isulat ang Viva la Independencia Filipinas na nagdeklara na sila ay lalaban hanggang sa maabot ang mithiing kasarinlan. Samantala, ang mga miyembrong nais pa rin ng reporma mula sa La Liga Filipina ay naging bahagi ng Cuerpo de los Compromisarios. Lumakas ang loob ng ating mga ninuno nang maganap ang sigaw sa Pugad Lawin noong Agosto 23, 1896. Dito ay sabay-sabay na pinunit ang sedulang lubos na nagpahirap sa mga mamamayan noon. Nagsimula ang rebolusyon; maraming Pilipino ang nagdusa, napaslang, at nawalan ng pamilya subalit tuloy pa rin ang himagsikan hanggang sa tuluyan na ngang napaslang si Andres Bonifacio. Noong Disyembre 14, 1897, nilagdaan ni Emilio Aguinaldo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato kung saan nangako ang mga Kastila ng reporma at ₱800,000 bilang kabayaran, kapalit ng pagtigil ng rebolusyon at boluntaryong pagpapatapon kina Aguinaldo sa Hong Kong. Subalit hindi rin ito nagtagal dahil nagpasimula ang Digmaang Espanyol-Amerika kung saan ang tagumpay ay nakamit ng Estados Unidos. Pagkabalik ni Aguinaldo sa Pilipinas, idineklara niya ang Hunyo 12, 1898, bilang araw ng kasarinlan ng Pilipinas sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite. Sa araw na ito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas habang tinutugtog ang Marcha Nacional Filipina, na ngayon ay “Lupang Hinirang.” Hindi natigil ang himagsikan dahil sa pagtataksil ng ilan, na humantong sa panunumpa ni Aguinaldo sa bandila ng Amerika. Bagaman may mabuting naidulot ang pananakop ng Estados Unidos sa edukasyon at ekonomiya, naranasan din ng mga Pilipino ang matinding pang-aabuso. Nang dumating ang mga Hapon, lalo pang lumala ang sitwasyon sa bansa—nakilala ang walang katarunang torture, Death March, Mickey Mouse Money, at pananamantala sa kababaihan. Sa tulong ng Amerika, nakamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa pananakop ng Hapon, at opisyal na ipinagkaloob ng Estados Unidos ang kasarinlan noong Hulyo 4, 1946. Taong 1962 nang inilabas ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Proklamasyon ng Pangulo Blg. 28 na nagsasabing Hunyo 12 ang natatanging pistang opisyal sa buong Pilipinas. Pormal itong naisabatas sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 4166 na nagtatakda sa Hulyo 4 bilang “Araw ng Republika ng Pilipinas” at sa Hunyo 12 bilang “Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.” Hindi rito natapos ang laban. Taon-taon ay hinahamon ang katatagan ng Pilipinas ng samu’t saring suliraning pambansa. Hindi matatawaran ang pawis at pagod na iniaalay ng bawat mamamayan para sa kinabukasan ng bayan. Dekada na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ang mga pasakit ng nakaraan. Maraming buhay ang ninakaw ng mga kamao at sandata ng mga mananakop. Kinabukasan ng mga kabataan noon ay binahiran ng poot. Ngunit sa gitna ng lahat, natutunan nating tumindig—hindi lamang sa pamamagitan ng armas, kundi sa kapangyarihan ng tinig at paninindigan. Iba’t ibang tao ang noo’y muling bumangon upang itayo ang bandera ng bansa. Marami sa kanila ang napaslang na hindi natin nalalaman ang pangalan. Mga bayaning mga mukha’y hindi natin napagmasdan. Subalit, hindi man natin sila kilala, dala-dala natin ang tagumpay na kanilang pinag-alayan ng buhay. Nasa ating mga palad nakasalalay ang kinabukasan ng bayan. Hindi naging madali ang pagsungkit natin sa bituin ng kasarinlan. Kaya ngayong Hunyo 12, 2025, ating ipagdiwang ang ating kasarinlan at ang diwang makabayan. Muli, ngayong taon, ating pagtibayin ang sedula ng ating kalayaan. — Mga sanggunian: https://www.plmun.edu.ph/event.php?id=312 https://kahimyang.com/…/today-in-philippine-history… https://philippineculturaleducation.com.ph/la-liga-filipina/ https://www.scribd.com/…/83155564-Panahon-Ng-Pananakop… https://philippineculturaleducation.com.ph/biyak-na-bato/ https://upd.edu.ph/acf-2022-isang-pagpupugay-sa-gomburza/…. https://www.gmanetwork.com/…/saan-ginawa-ni…/story/ https://youtu.be/iTBet5IxJjs?si=7dajXFf7O2pUc2F2 https://www.youtube.com/watch?v=qNJ_bq8wpHg

TQ Recap: PaSci kicked-off Brigada Eskwela 2025
by: Elijah La Torre Brigada Eskwela kicked-off at Pasay City National Science High School gymnasium, June 10, 2025 with the theme, “Sama-sama Para sa Bayang Bumabasa”. Sara Jane Delos Santos, Assistant Principal, started emphasizing the importance of fostering a culture of reading. She welcomed a new era of Brigada Eskwela that goes beyond cleaning and maintenance, placing equal importance on reading and literacy development. “Ang batang marunong bumasa ay batang may pag-asa,” Delos Santos stated. Following the program, Brigada Eskwela Coordinator Jackyline Lagaña presented the activities planned for the week, including SAFEZONE: Bayanihan Para sa Kaligtasan, a safety training initiative that was conducted throughout Day 1. At the same time, cleaning efforts united the school community as students, parents, teachers, and school personnel worked to sweep classrooms, wipe down faculty rooms, and rearrange books in the library. After fulfilling their duties, students participated in Sports for a Cause, an activity organized by the SSLG in coordination with the PaScian Sports Club. This event showcased athletes’ skills and passion while promoting purpose and unity during the Brigada Eskwela season. As the first day concluded, an invitation was extended for the school community to join the second day of activities. #TQ2526

2nd Day ng Brigada, umarangkada
Nagpatuloy ang pangalawang araw ng Brigada Eskwela 2025 ngayong ika-11 ng Hunyo kung saan binuo ng apat na programang dinaluhan ng mga guro at estudyante. Hatid ni Bb. Joanna Marie Luciano bilang tagapayo ng Supreme Student Learner’s Government (SSLG) ang pambungad na pananalita upang pormal na simulan ang Leadership Training and Capacity Building Tier 3: Where Student Leaders Rise and Learn sa dakong alas otso ng umaga. Pinagpatuloy naman nina Arkin Espeso, Protocol Officer (Male), at Shanaiyen Salazar, Auditor, na mga opisyales ng SSLG, ang programa bilang tagapagdaloy nito. “It is now your turn to grow, engage, and lead with purpose,” ani Salazar bago ipakilala ang panauhing tagapagsalita. Sinundan naman ito ni Gng. Rica Mae Mangua ng Every Nation Campus – Pasay (ENC) para sa kanyang Leadership Talk. Gayundin ang simula ng Sports for a Cause sa pangunguna nina G. Jesse Sigua at Gng. Charlene Otazu sa School Gymnasium. Kasabay nito ang faculty meeting ng Kagawaran ng Agham, Araling Panlipunan (AP) at Edukasyon Sa Pagpapakatao (EsP). Habang naghanda rin ang mga mag-aaral sa ika-8 at ika-11 baitang, guro, magulang, at iba pang school personnel sa Classroom and Campus Cleaning sa parehong araw. Naging matagumpay ang pangalawang araw ng Brigada bilang paghahanda ng mga estudyante, guro, at iba pang school personnel para sa taong panuruang 2025 hanggang 2026.

Graphing Growth
By Xyrel James CanonoyCopyedited by: Ayesha Julia RonquilloPublication by: Claire Mendoza This is probably one of the last write-ups I’ll ever publish under The Quantum, and honestly, I didn’t expect to be the one assigned to this. But maybe it makes sense. Maybe some stories are best told by someone who’s seen things unfold up close—someone who’s had the chance to witness the subtle shifts and silent growth of a school under new leadership. So, allow me to write this piece in the language I know I can be personal at best: a mix of English and Tagalog. A little unusual, just like this story. Today marks the first year of Dr. Mark Anthony Familaran as Principal of Pasay City National Science High School. Now, let me say this upfront: I’m not a mathematician. I’ve always been more of a writer than a problem-solver. I can’t recite trigonometric identities from memory, and math was never my strong suit. But if there’s one thing I’ve learned from math, it’s that every good solution starts with understanding the problem, finding patterns, and working patiently toward progress. If there’s one thing I’ve seen in Dr. Familaran’s leadership, it’s exactly that. I never really enjoyed solving for x, and my mind works better with metaphors than formulas. But I’ve learned that in every math problem, consistency matters. And in this school, since this year, we have seen that consistency in him. You’ll notice his mathematical background in the way he runs the school: organized, structured, may sistema. But what makes it work is that he leads with empathy. Hindi lang puro rules, kundi may rason. Hindi lang puro “no,” kundi may paliwanag. May disiplina, pero hindi nawawalan ng malasakit. When I first heard we had a new principal last year, natural lang na kabahan. I didn’t know what to expect. Strict ba siya? Mahirap kausap? Magpapatawag kaya bigla pag may editorial article na pinost sa page? Pero sa unang buwan pa lang, ramdam ko na agad: he wasn’t that kind of principal. In fact, opposite siya. Dr. Familaran has what I can only describe as an “open-door” presence. Literally and figuratively. Never naging nakakatakot pumasok sa opisina niya. In fact, minsan siya pa ang magsasabing, “Halika, upo ka muna.” Whether it was to clarify a project, update him on a publication, or just share ideas, he always made time. Laging may space—hindi lang sa upuan sa harap ng desk niya, kundi sa mismong conversation. He gives that space for the faculty and students to grow, to experiment, to make mistakes—pero hindi tayo pinababayaan. That, I believe, is what real leadership looks like. As a student and as someone who led the school publication for a time, I felt the difference. The trust he gave us. The way he supported student initiatives without taking control. The way he made everyone feel seen—students, teachers, staff. I may no longer be the Editor-in-Chief of The Quantum, but it feels right that this article, one of my last for the publication, is about someone who continuously leads with heart and humility. This might sound dramatic, pero totoo: Pasay Science felt more like home this past year, and a huge part of that is because of Dr. Familaran. He created a culture where students felt heard and faculty felt respected. A place where collaboration thrived, all while staying humble, lowkey, and unshaken. Leading a science high school is no easy task. But he did it, and continues to do it, with grace, patience, and authenticity. Sir Fam, thank you. For showing us that leadership doesn’t need to be loud to be strong. That rules can come with understanding. That even in a school built on science and logic, empathy can still be the formula that holds everything together. Happy first anniversary as our Principal. You are, without a doubt, the best kind of constant this school could ever have. And if life really is one big equation, then this year, under your leadership, we found balance. #TQ2526

Brigada Eskwela 2025, ikinasa sa PaSci
Inilunsad ang pagbubukas ng Brigada Eskwela 2025 sa Pasay City National Science High School na dinaluhan ng mga guro, mga magulang at mga mag-aaral ngayong ika-10 ng Hunyo. Pormal na binuksan ni Gng. Sara Jane T. Delos Santos, kawaksing punongguro ng PaSci, ang Brigada na may temang: “Sama-sama Para sa Bayang Bumabasa”. Pinangunahan naman ni Gng. Jackyline T. Lagaña ang pagpapakita ng gawain para sa tatlong araw na Brigada Eskwela mula Hunyo 10, 11, at 13. Gaganapin ngayong araw ang Safe Zone: Bayanihan para sa Kaligtasan na inorganisa ng Supreme Student Learner Government (SSLG), Batang Empowered and Resilient Team, at Red Cross Youth. Gauyndin ang Classroom and Campus Cleaning para sa ika-7 at ika-12 baitang. Magkakaroon naman ng faculty meeting, Leadership Training and Tier 3 Capacity Building, Sports for a Cause, at Classroom and Campus Cleaning ng ika-8 at ika-11 baitang sa pangalawang araw ng Brigada, Hunyo 11. Isasagawa naman sa ikatlong araw, Hunyo 13, ang parents’ orientation at closing program, Project Eco-Wise: Planting and Waste Management, Sports for a Cause, at Classroom and Campus Cleaning ng mga ika-9 at ika-10 baitang. “Brigada has been an ongoing tradition ng mga estudyante sa Pilipinas para mas ma-prepare sa ating school year”, sambit ni Filha Ray Penelope J. Bautista, Pangulo ng SSLG sa kanyang pangwakas na pananalita. Naghandog din ng Brigada Jingle ang Music & Entertainment Committee ng SSLG sa pamamagitan ng audio-visual presentation. Naging matagumpay ang programa sa tulong ng mga tagapagdaloy na sina Amiel Gonzaga, Opisyal ng Pampublikong Impormasyon ng SSLG at Martha Clave, Opisyal ng Alituntunin ng SSLG.

Eid’l Adha
Ngayong ika-6 ng Hunyo, ating ipinagdiriwang ang Eid’l Adha — kilala rin bilang Pista ng Sakripisyo. Sa ating mga kapatid na muslim, nawa’y maging makabuluhan ang inyong pagdiriwang na puno ng kapayapaan at pagmamahalan. Kami ay nakikiisa sa inyong selebrasyon at dalangin na nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Maykapal sa inyong pananampalataya. Eid Mubarak!

Will they finally listen, or let another term pass soaked in silence?
As a new Congress opens this June, we ask: Will they finally listen, or let another term pass soaked in silence? SOGIESC stands for Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, and Sex Characteristics — terms that describe how we identify, express ourselves, and experience the world. Contrary to the myth that the SOGIESC Equality Bill only protects the LGBTQIA+ community, the truth is this: everyone has a SOGIESC. Whether you’re cisgender or queer, straight or gay, you have a sexual orientation, a gender identity, a way of expressing that identity, and physical traits related to sex. That’s why the SOGIESC Equality Bill matters. It’s not about granting special privileges — it’s about ensuring no one is harmed, excluded, or denied opportunities just because of who they are or how they express themselves. For too long, students, workers, and everyday Filipinos have been denied protection simply because their SOGIESC doesn’t align with outdated norms. For more than 2 decades, the SOGIESC Equality Bill has gathered dust while more and more lives are ridiculed, restricted, and rejected. Enough delay. Enough excuses. The time to pass the SOGIESC Bill is now. Read from the archives: Soggy Bill https://www.facebook.com/share/1EhHRY4jNx/?mibextid=wwXIfr

Mahalaga ka.
Ngayong sumapit na ang Buwan ng Hunyo, dala-dala natin ang iba’t ibang kwento ng pag-ibig—mga kwentong hindi lamang nagpapakita ng katapangan, kundi ng kalayaan. Pag-ibig na nagsasabing karapat-dapat kang magmahal at mahalin, kahit minsan ang mundo ay sinusubukan kang patahimikin. Isa itong pagdiriwang ng malalim na kahulugan ng kalayaan at pagmamahal. Pagmamahal na hindi nakakulong sa kung ano ang idinidikta ng lipunan. Dahil ang pag-ibig ay mapagpalaya. Sa ating patuloy na paglaban para sa mga karapatan, mahalaga ka—hindi lang ngayon, hindi lang ngayong buwan na tila may puwang ka sa mundo, kundi lalo na sa mga araw na pakiramdam mo’y wala kang halaga. Sa mga gabing tila hindi ka nauunawaan. Sa mga oras na napapagod kang ipaglaban ang sarili mong katotohanan. Sa mga panahong iyon, may kakampi ka. May puwang na sa’yo nakalaan. At may pag-ibig na handang sumalubong kahit sa gitna ng katahimikan. Pag-ibig na mananatili kahit hindi madali. Sa panahong ang pagmamahal ay rebolusyon, ang pananatiling totoo sa sarili ay isang anyo ng katapangan na kailanma’y hindi matatalo.