Work Immersion Orientation ng Baitang 12, Isinagawa

Isinulat ni: Gabrielle Ayesha NicolasSinuri nina Gng. Myra Jaime at Mark Matthew VitugMga larawan ni Mervyn Mason Valdez Idinaos nitong Nobyembre 19, 2024, sa gymnasium ng Pasay City National Science High School ang Work Immersion Orientation na may temang “Empowering the Stewards of Tomorrow,” na dinaluhan ng mga mag-aaral ng Baitang 12 at ng kanilang mga magulang. Sinimulan ang kaganapan sa rehistrasyon ng mga mag-aaral na sinundan ng doxology at pormal na binuksan ang programa ganap na 8:30 ng umaga sa pangunguna nina Xyrel James Canonoy at Shaun Mustang G. Jacinto bilang mga tagapagdaloy ng programa. Nagbigay ng pambungad na pananalita ang punongguro ng PCNSciHS na si Dr. Mark Anthony F. Familaran, na sinundan ng pagpapakilala ni Gng. Maria Leonora Luisa B. Angeles, Teacher-in-Charge ng Work Immersion, ang tagapagsalita na si Bb. Kiana F. Isturis, isang lisensyadong guro. Tinalakay ng tagapagsalita ang mga inaasahan sa work immersion, mga kasanayang dapat taglayin, at mga impormasyong kailangang alamin bago mag-apply. Pinangunahan ng mga tagapagdaloy ng programa ang takeaway activity kung saan hinikayat ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang natutunan mula sa naging talakayan. Sinundan ito ng isang intermisyon mula kay Mekylla Marie Villapaña ng 12-Del Mundo, at tinapos ito ng saktong 10:02 n.u. sa pangwakas na pananalita ni Anica Martha C. Victoria, kinatawan ng SSLG ng Baitang 12. Samantala, ang orientation para sa mga magulang ay sinimulan ng 12:30 ng tanghali sa pamamagitan ng rehistrasyon na sinundan ng preliminaries. Nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Mark Anthony F. Familaran, at sinundan ito ng Work Immersion Talk kasama sina Gng. Maria Leonora Luisa B. Angeles, Gng. Jackyline T. Lagaña, puno, Kagawaran ng Ingles. Natapos  ang kaganapan ganap na 3:00 ng hapon sa pangwakas na pananalita ni Gng. Lagaña. Nagbigay-liwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng work immersion bilang paghahanda para sa kanilang kinabukasan ang kabuoan ng programa.

PaScian, panalo sa laban

Isinulat nina Alaiza Cruz, Zacharie Macalalad, at Ghea NaderaSinuri nina Gng. Myra Jaime at Mark Matthew Vitug Nagwagi ang tatlong mag-aaral ng Pasay City National Science High School sa magkakaibang patimpalak na ginanap bilang pagdiriwang sa Buwan ng Filipino Values ngayong Nobyembre. Iniuwi ni Ma. Jhoanna Mae A. Muega, mag-aaral sa ikasampung baitang ng pangkat Einstein ang unang gantimpala para sa Division Values Education Spoken Poetry Contest na ginanap nitong Martes, ika-19 ng Nobyembre sa Epifanio delos Santos Elementary School (EDSES). Nakamit naman ni James Christopher G. Lusuegro, mag-aaral mula sa ikapitong baitang ng pangkat Edison ang ikaapat na gantimpala sa Poster Making Contest. Habang si Nicole Margareth C. Sy mula sa ikawalong baitang ng pangkat Aristotle ay ipinamalas ang kanyang angking galing sa pagkamit ng kampeonato sa tagisan ng talino sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) noong ika-6 ng Nobyembre mula alas-otso ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon sa EDSES. Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Filipino Values na may temang “Pagsulong ng Bagong Pilipinas: Ang kabataan bilang pundasyon ng pagbabago”, umiikot dito ang tula ni Muega na may pamagat na, “Juan sa Panibagong Bayan” pati ang likhang-sining ni Lusuegro. Ang tula ni Muega ay hinggil sa mga katangian na kailangan ng isang kabataan upang maabot ang mga pangarap na magdudulot ng pagbabago sa lipunan. ‘Ika nga niya, “Ang pinakapaborito ko talagang linya sa aking tula ay ang ‘Dito na natin masisimulan, ang paghakbang ni Juan sa isang panibagong bayan’ sapagkat dito maipakikita ang ating pagkakaisa at pagtitiyaga upang marating ang isang bagong Pilipinas.” Sa pagsasanay at patnubay ni G. Emerson T. Constantino, Master Teacher I ng Kagawaran ng Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapakatao ay matagumpay na itinanghal ni Muega ang kanyang tula. Samantala, sinimulan ni Lusuegro ang kanyang poster noong Nobyembre 7-10 at ito ay ipinasa ng kanyang gurong tagapagsanay na si Gng. Mary Grace T. Dela Cruz noong Nobyembre 11 sa Dibisyon ng Pasay. Gumamit si Lusuegro ng 1/4 illustration board at oil pastels upang ipakita ang mga pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanyang obra. Sa kabilang dako, pinaghandaan ni Sy ang patimpalak para sa tagisan ng talino gamit ang mga librong babasahin at mga inihandang pagsusulit ni G. Jojo Ray Dela Cruz, ang kanyang gurong tagapagsanay. Tumagal ng dalawang araw ang kanyang pag-eensayo sa naturang paligsahan. Ang kompetisyon ay binubuo ng tatlong yugto: unang yugto na ’easy’ na tig-iisang puntos, pangalawang yugto na ’average’ na tiglilimang puntos, at huling yugto na ‘difficult’ na tigsasampung puntos. Tinatayang nasa siyam na paaralan ang nakiisa sa kompetisyon para sa tagisan ng talino. Sumunod sa ikalawang pwesto ang Pasay City South High School (PCSHS) samantalang ikatlong gantimpala ang nakamit ng Kalayaan National High School (KNHS). “Huwag n’yong hahayaan na pangunahan kayo ng kaba at always believe in yourself, no matter what happens! Don’t be pressured and stressed kasi iniisip n’yo na baka hindi kayo manalo. Because at the end of the day, being chosen as a representative for our school is already a big and proud achievement,” aniya sa mga estudyanteng magsasagisag sa paaralan sa hinaharap.

NCR Regional Robolution 2024

Correspondent: Zyriel CoronelCopyedited by Stacie Marie CatalloCourtesy: Members of the Innovative Robotics for Youth and Science Overall Champs! A total of one gold, five silver, and one bronze medals secured the overall championship of PaScians in the NCR Regional Robolution 2024, held from November 23-24. The awards are as follows: Neil Josh Icaro, Mcklain Gutierrez, and Suyash Singh 1st Runner Up Mobile Controlled E-Robot Khent Sembran, Claire Mendoza, and Rachel David 1st Runner Up E-Mobile Robot Marco Mallorca, Santine Susa, and Zuriel Vicedo Champion E-Robo Quiz Bee Din Naorbe, Gabrielle Veridiano, and Kevin Factor 1st Runner Up E-Robo Quiz Bee 2nd Runner Up E-Robot Version 1 Singh and Icaro 1st Runner Up Freestyle Category Best Presenters Murata Choice Award The group, trained by Ms. Aizah Agub, received a cash prize of Php 10,000 and will be competing in the international level.

PaSci honors young mathematicians

By: Zyriel Josh CoronelCopyedited by Stacie Marie Catallo In an awarding ceremony earlier today, November 23, Pasay City National Science High School recognized the efforts of students who excelled in various competitions in the field of mathematics. The event hosted by Xyrel Canonoy and Zyriel Coronel featured the awardees from the following competitions: Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Education for Sustainable Development (ESD), Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO), and the National Mathletics Challenge (NMC). Canonoy and Coronel, together with Elyzza Esteban and Neil Icaro, bagged the first in the SEAMEO-ESD competition and are expected to go to Japan for a study tour, while TIMO Bronze medalist Filha Bautista will be going to Thailand to compete once again. In the NMC, a total of five gold, ten silver, and five bronze medals were garnered by students from grades 7-12 in the Advanced Arithmetic Aces, Proficient Problem Solvers, and Masterful Mathematicians Categories. Teachers from the Mathematics Department, together with Ms. Maria Estilong and Principal Dr. Mark Anthony Familaran, were also honored afterwards. The event ended at 9:04 a.m.    

PCNSciHS soars against SEC, 2-1

By: Jorel Cyd De VeraCopyedited by Stacie Marie CatalloPhotos: Reisha Uy, Daniel Quintin Pasay City National Science High School thriumps over South Eastern College during the Volleyball Girls Division Palaro held at the Padre Zamora Elementary School Gym on November 20, 2-1 (18-25, 25-15, 25-17). In an interview, PCNSciHS Volleyball Girls’ Middle Blocker, Jessie Potente, exclaimed that staying focused and having good communication and a positive mindset helped them to stay relaxed during the tight contest. “We made some changes after losing the first set. We talked about our game plan and identified mistakes that should be changed or improved,” she added.

PCCANHS spikes PCNSciHS to their demise, 2-0

By: Johann Caleb LiCopyedited by Stacie Marie Catallo Pres. Corazon C. Aquino National High School Boys Volleyball disappoints Pasay City National Science High School’s pursuit of redemption after last Tuesday’s loss in the Division Palaro conducted at the Pasay City East High School gymnasium today, 2-0 (25-14, 25-9). Following the loss, PCNSciHS Volleyball Boys’ Captain, Santino Silveo, stated that the lack of preparation beforehand, along with miscommunications on the court, resulted in their struggle. “I can proudly say that our team tried our best, and I am so proud of them because this is the first time we were able to fight back against a good team.” For tomorrow’s match, where their squad will set off to battle Southeastern College, necessary adjustments to the rotation and set plays will propel their chances of victory, Santino added.

Work immersion orientation prepares Grade 12 students for industry experience

By: Alhea Jane BarriosCopyedited by Stacie Marie Catallo Pasay City National Science High School held “Cursum Perficio: The Work Immersion Orientation” on November 19, at the school gymnasium, aiming to prepare Grade 12 students for real-world experiences through their upcoming Work Immersion program. The event began with an icebreaker activity, followed by opening remarks from Work Immersion Teacher Mrs. Maria Leonora Luisa Angeles. Guest speaker Ms. Kiana Isturis, LPT, presented an overview of what work immersion is, what to expect, what to prepare, and a summary of her talk. She ended her presentation with a quote: “Make the most out of the experience and enjoy the process of learning.” A takeaway session allowed students to reflect on the talk, followed by a performance by Mekylla Villapaña. Supreme Secondary Learner Government Grade 12 Representative Anica Victoria closed the program by sharing principles for success: curiosity, stepping out of comfort zones, diligence, humility, and bringing out the best in others. The orientation concluded with a photo opportunity. Meanwhile, during the afternoon session, parents participated in their own orientation. Discussions focused on the designated work areas and the target start date, which is December 7, 2024. An open forum followed, where many parents from the batch raised questions and sought clarifications. Mrs. Angeles addressed these concerns, primarily emphasizing the safety of students during their work immersion.

Tagumpay sa Unang Araw ng Buklod 2024

Larawana ni: Erin SumeguinSinulat ni: Jacqui De Gueño Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ang unang araw ng “Buklod 2024,” isang taunang kaganapan na naglalayong pag-isahin ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang organisasyon at lumikha ng masaya at makahulugang programa. Tampok sa mga aktibidad ang iba’t ibang presentasyon mula sa mga kapisanan, kung saan masiglang nakilahok ang mga mag-aaral. Makikita sa mga larawan ang kanilang kagalakan habang nakikibahagi sa iba’t ibang mga gawain. Ang unang araw ng Buklod 2024 ay naghatid ng saya at inspirasyon, patunay ng masiglang samahan at aktibong pakikilahok ng bawat isa. Abangan pa ang mga susunod na araw na tiyak magbibigay ng higit pang sigla at diwa ng pagkakaisa!

Find Opportunity. Achieve Solidarity.

Correspondent: Reisha Uy The much-anticipated 2024 Buklod Club Fair officially opened on November 20, marking a day filled with excitement and creativity as students showcase and explore school organizations. The event began with the final touches on booth designs from 7:00 to 9:30 AM, where clubs worked tirelessly to ensure their setups reflected their themes and advocacies. At 9:30 AM, the official commencement of Buklod was led by an inspiring opening address from Ms. Joanna Luciano, Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Adviser. Her words emphasized the importance of camaraderie, collaboration, and active student involvement in shaping the school’s community. Following the speech, hosts SSLG Public Information Officers Emmanuel Nepomuceno and Ayesha Salazar declare the club fair officially open, with cheers and applause from student-leaders.

Pagtatapos ng ECONTRA 2024, ipinagdiwang

Isinulat ni: Alaiza Eunice S. CruzIwinasto ni Joebbie Krizel GauganoSinuri nina Gng. Myra Jaime at Mark Matthew Vitug Mga larawan nina John Michael Rodolfo, Anjel Faith Zia Mayo, Shawn Derick Sistoso Inilunsad noong ika-15 ng Nobyembre, ang culminating activity ng Barkada Kontra Droga (BKD) at Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) para sa pagtatapos ng selebrasyon ng “ECONTRA 2024: Kabataan, Kalikasan, at Kalusugan Laban sa Droga” sa school gymnasium ng PCNSciHS. Pormal na sinimulan ng 1:24 ng hapon ang programa sa pangunguna ni Elyzza Marie Esteban, Treasurer ng BKD, at Beia Loreez Rafanan, Secretary ng YES-O, kasunod ang pambungad na pananalita ni Bb. Kaye Transfiguracion, tagapayo ng YES-O. Ipinagkaloob nina Shanellie Monique Dantes, Pangulo ng BKD, at Marian Tamayo, Pangulo ng YES-O, ang medalya at sertipiko na nagtagumpay sa Guhit Econtra Droga na si Carl Victoria para sa unang pwesto. Sunod na ibinida ang Tinta Econtra Droga na kung saan nakamit ni Freanne Grace Tenedor ang unang pwesto at si Marc Wayne Clemente para sa ikalawang pwesto. Inanunsyo rin ang mga panalo sa Pluma Econtra Droga na si Xyrel Canonoy na natanggap ang unang pwesto, si Chrisanto Domingo Jr. sa ikalawa, at si Ayesha Salazar sa ikatlong gantimpala. Agarang sinimulan ang Musika Econtra Droga na dinaluhan ng ilang guro na sina G. Benjie Lañada, Gng. Mary Grace Dela Cruz, G. Jojo Ray Dela Cruz, G. Marlower Abuan, at kasama ang alumna ng PaSci noong nakaraang taong panuruan na si G. Nehemiah Sangalang bilang mga hurado. Unang nagpakitang-gilas ang Daydreamers kasama sina Tristan Bautista, Orange Alcaraz, Maria Fernandez, Gabrielle Dayangco, Khloe Encarnacion, Evamere Santos, at Gabriel Alfonso, banda ng ika-8 baitang, gamit ang kanilang mga talento. Nahati ang pagtatanghal sa pagkilala sa mga kalahok sa Alam Econtra Droga na ginanap nitong Huwebes, ika-14 ng Nobyembre. Natanggap nina Christian Roque, Eliseo Ramos, Rhenoah Guerrero, Jarell Domingo, at Ryder Abello ang gintong medalya; Eugene Tan, Stephen Lacuesta, Sefani Navalta, Eisen Vicente, at Johann Balonsay ang pilak na medalya; Xyrel Canonoy, Neil Icaro, Angelique Inlong, Lara De Leon, at Christian Tabada naman ay tanso, habang sina Van Lee, Loren Mangahas, Ezra Quilitis, Peter Bien, at John Diaz ay sertipiko ng partisipasyon. Nagpatuloy ang Battle of the Bands sa pagkanta ng Bandaritas na kaisa sina Kylie Sotolombo, Reign Bacarro, Clyde Pascua, Paul Coronel, Jirah Rowel, at Princess Calma, na kinatawan sa aktibidad ng ika-9 na baitang. Habang inaayos ng susunod na banda ang kanilang mga instrumento ay nabigyan ng pagkakataon ang mga manonood na makapagpahayag ng komento sa natunghayang kaganapan. Pagtapos ay nasubaybayan agad ang Bandalism, ang grupo ng ika-10 baitang na katuwang sina Danella De Vera, Drew Palmos, Sean Talisaysay, Xhian Alsola, Erica Puno, at Giovhana Aladen. Nagkaroon muli ng paggawad ng papuri sa paglalaro ng Mobile Legends na bahagi ng Laro Econtra Droga na nagtampok sa sumusunod na mag-aaral: Ezekiel Montinola, Josh Presto, Jusly Laxamana, Kalel Coria, at Reign Bacaro ng ika-9 na baitang para sa unang parangal, sina Patrick Harn, Mcklain Gutierrez, Mervyn Valdez, Ryzen Bisoña, at Nicolo Aranas ng ika-12 baitang sa ikalawa, sina Neil Icaro, Marcus Francisco, David Lureñana, Francisco Joaquin, at John Cruz ng ika-11 baitang para sa ikatlo, sina Darvin Dela Cruz, John Bancod, sinundan nina Josh Del Rosario, Marc Vidal, at Julie Gatmin ng ika-10 baitang, sina Drew Dulay, Joseph Rogado, Nicole Sy, Rayma Tayco, at Mclorenz Gutierrez ng ika-8 baitang, at Jazlynn Nacario, Prince Torre, Jhemuel Tan, Lexi Sumodlayon, at James Lusuegro ng ika-7 baitang. Pagkaraan ay ginanap ang ikaapat na pagtugtog ng bandang Barely Legal ng ika-11 baitang kabilang sina Adam Concepcion, Mark Llamas, Adrian Mendoza, John Paul Pana, Francis Taburnal, at Reizhen Tualla. Pagkilala sa mga kasali ng Call of Duty Mobile ay nagpatuloy kabilang sina Chrisanto Domingo Jr., Harvy Peñero, Van Lee, Christian Roque, at Maricon Danieles na nag-uwi ng kampeonato, sina Jannina Guya, Gabrielle Nieves, Giovhana Aladen, Reinnier Briones, at Raven Antonio ng ika-10 baitang sa pangalawang pwesto, sina Carl Chua, Ayesha Salazar, Cristel Calucad, Bearenz Enema, at Marc Wayne Clemente ng ika-11 baitang sa pangatlo, sina Vince Guimba, Cyril Cardaño, Arkin Mendoza, Sarah Magdadaro, at Jusly Laxamana ng ika-9 na baitang sa ikaapat, sina Princebert Ruaya, Rael Azuela, Sofia Flores, Mark Sales, at Jian Penialber ng ika-8 baitang sa ikalima, at sina Ben Asis, Justin Moral, Ryder Abello, Ethan Panilag, at Mcbrend Bautista ng ika-7 baitang para sa ikaanim na pwesto. Ang bandang Mekylla Villabanda ng ika-12 baitang ang ikalima at huling nagtanghal na binubuo nina Chrisanto Domingo Jr., Harvy Peñero, Din Naorbe, Matthew Vitug, John Picaña, Mekylla Villapaña, at Moises Pasco. Sa pagtatapos ng mga pagpapakita ng angking kakayahan sa larangan ng musika ay sinulong sa parehong araw ang pagpaparangal sa mga nagwagi: Mekylla Villabanda sa unang pwesto (97.25), Bandalism sa ikalawang pwesto (95.5), at Daydreamers sa ikatlong pwesto. Binigay ang sertipiko ng pagkilala sa mga hurado, mga opisyal ng dalawang organisasyon, at mga tagapangasiwa ng programa bilang pagwawakas sa naturang proyekto ng 3:18 ng hapon.