Mula sa kaniyang unang hakbang sa journalism noong ikaapat na baitang hanggang sa mga pagsubok na hinarap sa Division Schools’ Press Conference, si Zacharie Macalalad ay isa ng mahusay na manunulat ng balita ng Ang Liwanag. Patuloy siyang nagsisikap upang kasing talim ng kaniyang lapis ang kaniyang kakayahang maghatid ng katotohanan. Sa kabila ng mga balakid tulad ng kawalan koneksyon lalo na sa panahon ng pandemya, hindi siya tumigil sa kaniyang layunin.

“Sa tulong ng Panginoon at masusing pagsasanay, inaasam ko na magtagumpay at manalo,” ani niya.

Suportahan natin si Zacharie at ang buong koponan ng Ang Liwanag habang ipinapamalas nila ang tapang at husay sa paparating na DSPC 2025!

#DSPC2025

#HusayNgPaSci