Para kay Leurlee Sicat, ang DSPC ay hindi lamang isang patimpalak, kundi isang oportunidad upang maunawaan ang kahalagahan ng pamamahayag, pagkamalikhain, at pagkakaibigan. Mula sa pagkamit ng ikalimang pwesto noong 2022-2023, hinahangad niya ngayong taon na maitala muli sa nangungunang lima at patuloy na matuto mula sa iba’t ibang kuwento ng kapuwa kalahok.

Ating suportahan si Leurlee Sicat sa kaniyang layunin at ang buong koponan ng Ang Liwanag sa DSPC 2025!

#DSPC2025

#HusayNgPaSci