Isinulat ni: Jane Ashley Tuazon
Iniwasto ni: Austin James Martinez
Nagtagumpay si Rhiane Jessica R. Lao, delegado mula sa Pasay City National Science High School (PCNSciHS) matapos magtamo ng ikatlong pwesto sa JournCamp+: National Campus Press Summit 2025, sa Secondary level, Column Category (English) na ginanap online nitong ika-25 ng Nobyembre taong 2025.
Ang JournCamp+ ay isang journalism camp na idinaraos upang sanayin at hasain ang kakayahan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan ng pamamahayag sa pamamagitan ng mga seminars, workshops, at kompetisyon. Layon nitong hubugin ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataang mamamahayag at magsilbing plataporma sa pagkilala sa mga natatanging campus journalists mula sa iba’t ibang paaralan.
Nilahukan ang paligsahang ito ng iba’t ibang mag-aaral mula elementarya hanggang tersyarya.
“Sa pakikinig sa mga lectures, marami akong napulot na tips na pwede kong iapply sa pagsusulat ko. Sa mismong competition naman, nakaramdam din ako ng pressure at kaba upang makasulat ng isang kolum na makabuluhan at maayos na natatalakay ang binigay na paksa,” ani Lao tungkol sa kanyang natatanging karanasan sa paligsahang ito.
Nagwagi si Lao sa gabay ni G. Mark Reniel Balolo, tagapayo ng The Quantum, na nagsilbing mentor sa kanyang paglahok sa kompetisyon.




