: Jashley Damaso
: Dexter Ogale at Ellise Salipande
Sinimulan ang Science Fair – Kick-off Event na nilahukan ng mga mag-aaral at mga guro sa gymnasium ng Pasay City National Science High School nitong ika-4 ng Setyembre.
Sinimulan ang programa sa pagpapakilala ni Gng. Rosalida Sinsuan, Puno ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya. Sinundan ito ng pagrampa at pick-up lines nang magpakilala ang mga guro sa nasabing asignatura.
Pormal na sinimulan ang programa sa panalangin ni Zoe David, Pangulo ng Young Researchers’ Guild (YRG) at pagkanta ng Pambansang Awit at himno ng Pasay na pinangunahan ng PCNSciHS Chorale sa pagkumpas ni G. Napoleon M. Anteja Jr., guro sa Matematika.
Ipinahayag ni Gng. Sarah T. Delos Santos, kawaksing punongguro ng paaralan, ang pambungad na mensahe. “Today, let’s celebrate not just the geniusness of the scientists, but also the future scientists, engineers, and innovators who may be in this gymnasium,” hatid niya sa pagtatapos ng kaniyang mensahe.
Naghatid naman ng kasiyahan sa pamamagitan ng isang awitin si Erica Puno mula sa ika-11 baitang. Sinundan ito ng isang audio-visual presentation na inihanda ng Sentience, YES-O, at YRG.
Kasunod nito ang “Science Showcase presentation” na isang patimpalak sa Science Fair. Binubuo ito ng mga piling mag-aaral na kumakatawan sa kanilang pangkat at ang mga hurado ay sina Gng. Delos Santos, Gng. Sinsuan, at Gng. Arlyn Esber, puno ng kagawaran ng Matematika.
Nauna ang ika-7 baitang na may temang “Concept Hat”, sinundan ng ika-8 baitang para sa “Cell Hats”, ika-9 baitang na tungkol sa “Organ Hats” at ika-10 hanggang ika-12 baitang na may temang “Science-Look-Alike”.
Inilahad naman ni Hans Malicana, kawaksing pangulo ng Sentience, ang mga aktibidad at patimpalak na magaganap sa Science Fair.
Matapos nito, inanunsyo na ang mga nagwagi sa Science Showcase sa bawat baitang at kategorya:
Sandare Tusi – 7-Newton
Samantha Bago – 8-Aristotle
Tyrell Fiecas – 9-Dalton
Juan Carlos Llames – 10-Faraday
Jhiean Ching – 11-Banzon
Steven Caibigan – 11-Campos
Carl Vincent Chua – 12-Biyo
Nagtapos ang programa sa panghuling mensahe ni Gng. Sinsuan na nagsabing “I guarantee that this month of September, mapapagod, magsasaya at matututo kayo,” ang inaasahang kalagayan ng programa ngayong pagbubukas ng Science Fair.
Naging maayos ang daloy ng programa sa tulong nina Martha Clave, kinatawan ng Ika – 10 baitang ng Sentience at Shanaiyen Salazar, miyembro ng nabanggit na club isa sa mga punong-abala sa programa.










