Nagpatuloy ang pangalawang araw ng Brigada Eskwela 2025 ngayong ika-11 ng Hunyo kung saan binuo ng apat na programang dinaluhan ng mga guro at estudyante.

Hatid ni Bb. Joanna Marie Luciano bilang tagapayo ng Supreme Student Learner’s Government (SSLG) ang pambungad na pananalita upang pormal na simulan ang Leadership Training and Capacity Building Tier 3: Where Student Leaders Rise and Learn sa dakong alas otso ng umaga.

Pinagpatuloy naman nina Arkin Espeso, Protocol Officer (Male), at Shanaiyen Salazar, Auditor, na mga opisyales ng SSLG, ang programa bilang tagapagdaloy nito.

“It is now your turn to grow, engage, and lead with purpose,” ani Salazar bago ipakilala ang panauhing tagapagsalita.

Sinundan naman ito ni Gng. Rica Mae Mangua ng Every Nation Campus – Pasay (ENC) para sa kanyang Leadership Talk.

Gayundin ang simula ng Sports for a Cause sa pangunguna nina G. Jesse Sigua at Gng. Charlene Otazu sa School Gymnasium.

Kasabay nito ang faculty meeting ng Kagawaran ng Agham, Araling Panlipunan (AP) at Edukasyon Sa Pagpapakatao (EsP).

Habang naghanda rin ang mga mag-aaral sa ika-8 at ika-11 baitang, guro, magulang, at iba pang school personnel sa Classroom and Campus Cleaning sa parehong araw.

Naging matagumpay ang pangalawang araw ng Brigada bilang paghahanda ng mga estudyante, guro, at iba pang school personnel para sa taong panuruang 2025 hanggang 2026.