Mamamahayag: Ayesha Salazar at EJ Salazar
Pasay City National Science High School, wagi sa Division Level ng TOFAS 2025: Sprix Math Challenge na may temang “Mathematics, Arts, and Creativity” na ginanap sa Padre Zamora Elementary School ngayong ika-8 ng Pebrero.
Nakamit ng mga mag-aaral ang tagumpay mula sa ika-7 baitang ang ikatlong pwesto para kay Quendra Ulep, ikalawang pwesto para kay Justine Moral, at unang pwesto para kay Bryce Bonus. Para naman sa ika-8 baitang, si Cesar Evangelista IV ay nagkamit ng ikatlong pwesto, si Bryan Narciso ng ikalawang pwesto, at si Jeryl Padilla ng unang pwesto. Sa ika-9 na baitang, ikatlong pwesto ang nakuha ni Khryzten Mateo, ikalawang pwesto kay Rhian Franco, at unang pwesto kay Van Española. Samantala, para sa ika-10 baitang, ikatlong pwesto ang nasungkit ni Joebbie Gaugano, ikalawang pwesto kay Stephen Gabor, at unang pwesto kay Xhian Alsola.
Sinanay ng kanilang mga guro sa Sipnayan na sina G. John Bryan Pacris, Bb. Anne Rose Falcatan, Gng. Mariecar Medina, at G. Napoleon Anteja Jr. ang mga nasabing mag-aaral.




