Para kay Pauline Bocago, ang unang pagsabak sa Division Schools’ Press Conference ay isang makabuluhang hamon. Mula sa pagsusulat ng editoryal patungo sa kolum, hatid niya ang kaniyang personal na opinyon at estilo upang mamulat ang mga pananaw ng mga mambabasa.
“Sa DSPC, ang pangunahing layunin ko ay hindi lamang manalo kundi mas mapalawak ang aking kakayahan sa pagsulat at mas mapabuti ang aking sarili bilang isang manunulat,” ani niya.
Suportahan natin si Pauline Bocago at ang buong koponan ng Ang Liwanag sa kanilang hangaring magdulot ng inspirasyon at positibong pagbabago sa mundo ng pamamahayag!
