Para kay Jhoana Muega, ang pagsulat ng lathalain ay hindi lamang tungkol sa malikhaing pagsulat, kundi pati na rin sa pagsisikap at pagiging tulay ng katotohanan. Sa kabila ng pagsubok na dala ng pagbabago sa kanilang grupo noong DSPC 2024, nananatili siyang inspirasyon sa kaniyang hangaring maghatid ng kuwento na may lalim at layunin.

“Sa tulong ng gabay ng mga tagapagsanay at suporta mula sa aking mga kakilala, pagsisikapan ko na ipagpatuloy ang pagsusulat upang maging sulit ang paghihirap ng aking mga kapwa manunulat,” ani niya.

Suportahan natin si Jhoana Muega at ang mga mamamahayag ng Ang Liwanag sa DSPC 2025!

#DSPC2025

#HusayNgPaSci