Isinulat ni Ghea Nadera
Patnugot ni Shan Galura
Mga larawan nina Mervyn Valdez, Neil Icaro, Daniel Quintin, Reisha Uy, Jedrick Palonpon, Mara Mirasol
Sinuri nina Gng. Myra Jaime at Matthew Vitug

Muling pinatunayan ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) ang kahusayan nito sa larangan ng campus journalism matapos mag-uwi ng sunud-sunod na parangal sa katatapos lamang na Division Schools Press Conference (DSPC) nitong Enero 25, 2025.

Nagsimula ang programa ng alas-8:00 ng umaga sa pagbubukas ng pambansang awit, panalangin, Pasay Hymn, at temang awit na Agarang Sandata.

Sinundan ito ng pagbibigay ng pambungad na pananalita ni Dr. Quinn Norman O. Arreza, Assistant Schools Division Superintendent. Nagbigay din ng mensahe si Joel T. Torrecampo, CESO VI Schools Division Superintendent upang pasiglahin ang mga kalahok.

Sa paggawad ng mga medalya, maraming manunulat ng PCNSciHS ang kinilala para sa indibidwal na kategorya:

  • Editorial Writing:

1st Place – Xhian Miguel P. Alsola

Gurong Tagapagsanay: G. Mark Reniel L. Balolo

  • Feature Writing:

3rd Place – Chloe Arabella D. Cristobal

Gurong Tagapagsanay: G. Mark Reniel L. Balolo

  • News Writing:

5th Place – Alhea Jane A. Barrios

Gurong Tagapagsanay: G. Mark Reniel L. Balolo

  • Pagsulat ng Balita:

2nd Place – Zacharie Elizabeth M. Macalalad

Gurong Tagapagsanay: Gng. Myra R. Jaime

  • Sports Writing:

3rd Place – Nikita Xyzelle B. Pariña

Gurong Tagapagsanay: G. Mark Reniel L. Balolo

  • Pagsulat ng Balitang Pampalakasan:

1st Place – Carl Vincent C. Chua

Gurong Tagapagsanay: Bb. Ashlee B. Magistrado

  • Pagsulat ng Agham at Teknolohiya:

1st Place – Jacqui Danielle De Gueño

Gurong Tagapagsanay: Gng. Ludilyn D. Dargantes-Sabate

  • Copy Reading and Headline Writing:

5th Place – Mekylla Marie A. Villapana

Gurong Tagapagsanay: G. Mark Reniel L. Balolo

  • Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita:

1st Place – Joebbie Krizel V. Gaugano

Gurong Tagapagsanay: Gng. Myra R. Jaime

  • Pagsulat ng Kolum:

5th Place – Pauline V. Bocago

Gurong Tagapagsanay: Gng. Myra R. Jaime

  • Paglalarawang Tudling:

5th Place – Gabe Leurlee Jacieynth A. Sicat

Gurong Tagapagsanay: Bb. Lourdes B. Ancheta

  • Photojournalism:

2nd Place – Jedrick Lawrence A. Palonpon

Gurong Tagapagsanay: G. Mark Reniel L. Balolo

  • Pagkuha ng Larawan:

3rd Place – Mervyn Mason C. Valdez

Gurong Tagapagsanay: G. Marlower M. Abuan

Lahat ng mga nagwagi ng ikatlong pwesto at pataas para sa indibdwal na kategorya ay awtomatikong lalahok sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC).

Sa kalagitnaan ng programa, Ipinamalas ng Southernian Dance Sports ang kanilang talento sa pampasiglang bilang na kanilang itinanghal.

Kasunod nito ang paggawad ng medalya para sa group categories:

Radio Broadcasting (English), Gurong Tagapagsanay: Gng. Jackyline T. Lagaña

Mga kinatawan:

– Francheska Jehan M. Mondoy

– Shanaiyen Leal Aiyen Salazar

– Xyrel James A. Canonoy

– Nehemiahs M. Bumadilla

– Stephen B. Lacuesta

– Joelle Mara M. Cabrera

– Travis-Jan D. Barroga

Mga karangalan ng radio broadcasting (English):

  • 2nd Place Best Anchor: Francheska Jehan M. Mondoy
  • 3rd Place Best News Presenter: Stephen B. Lacuesta
  • 2nd Place Best News Presenter: Xyrel James A. Canonoy
  • 1st Place Best Technical Application
  • 1st Place Best Script
  • 1st Place Best Infomercial
  • 1st Place Best Group

Radio Broadcasting (Filipino), Gurong Tagapagsanay: G. Randie D. Pimentel

Mga kinatawan:

– Ayesha Ehris Bernadette A. Salazar

– Mark Matthew A. Vitug

– May Relyn S. De Paz

– Kris Matthew J. Perez

– Sofia Gabrielle B. Mañacap

– James Christopher G. Lusuegro

– Anikka Lexie R. Factor

Karangalan ng radio broadcasting (Filipino):

  • 3rd Place Best Technical Application

Collaborative Writing and Desktop Publishing (Filipino), Gurong Tagapagsanay: Gng. Myra R. Jaime

– Alaiza Eunice S. Cruz

– Marie Claire P. Domenden

– Alicia Raine M. Venus

– John Mark M. Lagman

– Ana Marie E. Celso

– Leigh Ann Joy D. Prado

– Van Jensen F. Lee

Collaborative Writing and Desktop Publishing (English), Gurong Tagapagsanay: G. Mark Reniel L. Balolo

Mga kinatawan:

– Aljhur P. Danganan

– Zyriel Josh B. Coronel

– Danella Jorin P. De Vera

– Johann Caleb L. Li

– Reisha Rhysse R. Uy

– Justin Ivan T. Tolin

– Yelena Kazmier N. Fabricante

Karangalan ng Collaborative Writing and Desktop Publishing (English):

  • 1st Place Overall Collaborative Publishing

Online Publishing (English), Gurong Tagapagsanay: G. Mark Reniel L. Balolo

Mga Kinatawan:

– Stephen Blaize L. Gabor

– Isabella Rhian C. Tabuada

– Prince Gabriel N. Manela

– Daniel Jefferson L. Quintin

– Rianne Dane C. Lopez

Mga karangalan ng online publishing (English):

  • 1st Place Overall Online Publishing
  • 1st Place Best Opinion Section
  • 1st Place Best News Section
  • 1st Place Best Sports Section
  • 1st Place Best Web Design and Management
  • 1st Place Best Multimedia Content
  • 2nd Place Best Visual Journalism
  • 3rd Place Best Feature Writing Section

Online Publishing (Filipino), Gurong Tagapagsanay: G. Mark Reniel L. Balolo

Mga kinatawan:

– Gabrielle Ayesha B. Nicolas

– Althea D. Loro

– Carl J. Victoria

– Recca Charize C. Imperial

– Shanellie Monique G. Dantes

Mga karangalan ng online publishing (Filipino):

  • 2nd Place Overall Online Publishing
  • 2nd Place Best Opinion Section
  • 3rd Place Best Sports Section
  • 2nd Place Best Web Design and Management
  • 2nd Place Best in Visual Journalism

Matapos ang mga pagbibigay ng parangal, isinagawa ang Panunumpa ng mga Editors’ Guild ng Elementarya at Sekondarya sa taong 2025.

Ipinagkaloob din ang mga sertipiko ng pagkilala sa mga miyembro ng Division Technical Working Group bilang pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon.

Tinanggap ni Xyrel James A. Canonoy ang hamon na itaguyod ang kanilang responsibilidad bilang campus journalists at handang magpatuloy sa kanilang papel bilang mga kinatawan sa darating na RSPC at National Schools Press Conference (NSPC).

Nagbigay naman ng pangwakas na pananalita si G. Librado F. Torres, Chief ng Curriculum Implementation Division, upang magbigay inspirasyon sa mga kalahok at guro.

Lahat naman ng mga nagwagi ng unang pwesto para sa pangkatan na kategorya ay awtomatikong lalahok sa RSPC.

Samantala, itinanghal ang PaSci bilang pangkalahatang kampeon sa sekondarya sa DSPC 2025.

#HusayNgPaSci