Kilalanin ang mga mamamahayag ng Ang Liwanag na nagpamalas ng husay at dedikasyon sa 43rd Pasay City Division Schools Press Conference 2025! Higit pa sa kanilang mga parangal, isinasabuhay nila ang tunay na diwa ng pamamahayag—tapat, makabuluhan, at may layuning magbigay-liwanag.
Lubos ang pasasalamat ng pahayagan sa ating mga gurong walang sawang gumagabay at humuhubog sa kahusayan ng PaScian Journalism. Sa harap ng mga darating pang hamon at istoryang naghihintay na maihayag, patuloy tayong maglilingkod nang may sigasig at katotohanan.
Padayon at pagbati, PaScians!








