Hindi nasusukat sa mga medalya ang layunin ng pamamamahayag kundi nasa integridad na maghatid ng katotohanan at maging tinig ng iba. Ngayong taon, muling itinanghal ang Pasay City National Science High School bilang Overall Champion ng 43rd Division Schools Press Conference and Contests 2025.
Pasay City National Science High School – Overall Champion
Pasay City South High School – 2nd Place
Kalayaan National High School – 3rd Place
Lubos ang aming pasasalamat sa aming mga guro at tagapagsanay, na walang sawang humuhubog sa amin bilang mas mabuting mamamahayag. Higit pa sa patimpalak, ang DSPC ay isang pagsasanay sa pananagutan at integridad—isang tungkulin na patuloy naming gagampanan.
