Isinulat ni Jashley Damaso
Iwinasto ni Joebbie Krizel Gaugano
Sinuri nina Gng. Myra Jaime at Matthew Vitug
Mga larawan nina Mervyn Mason Valdez at John Michael Rodolfo
Isinagawa ang Career Orientation para sa mga mag-aaral ng ika-10 at ika-12 baitang sa Pasay City National Science High School nitong ika-31 ng Enero.
Sinimulan ang programa sa pangunguna ng pambungad na panalangin ni G. Gil Ganelo na sinundan ng pambansang awit ng Pilipinas at winakasan ng Himno ng Pasay.
Dumaloy ang programa sa panimulang mensahe ni G. Mark Anthony F. Familaran, na inihatid ni G. Gil C. Ganelo ang mensahe. Itinalakay niya ang akronim na ‘SHAPE’ na binibigyang kahulugan bilang: Spiritual gift, Heart, Ability, Personality, at Experiences upang magsilbi itong gabay sa pagpili ng karera ng bawat mag-aaral.
Ipinahayag ni G. Napoleon Anteja Jr. ang layon ng programa; matapos nito, naghatid ng kasiyahan sina Justin Ivan Tolin at Mekylla Marie Villapaña sa kanilang pag-awit.
Sa pormal na pagsisimula ng programa, nagtalakay si G. Leonardo G. Beliganio, Labor and Employment Officer ng Department of Labor and Employment (DOLE). Inihayag niya ang mga dapat taglayin na mga abilidad ng isang manggagawa, tulad ng Analytical thinking, Creative thinking, at Leadership skills.
Nagpakita naman ang ilang mag-aaral mula sa ika-10 baitang sa kanilang munting pagsayaw sa gitna ng programa.
Tinalakay naman ni Atty. Marla Bello-Alom ang iba’t ibang programa patungkol sa job offers o skills training na hatid ng Lungsod ng Pasay, partikular ang Public Employment Service Office (PESO).
Natapos ang oryentasyon sa pagtatalakay ni Bb. Jennifer L. Lorenzo, Senior TESDA Specialist, upang ipaliwanag kung ano ang “TESDA” at ang maitutulong nito sa mga mag-aaral.
Inanyayahan si Gng. Sara Jane T. Delos Santos, ikalawang punongguro ng paaralan, upang magbigay sertipiko sa mga tagapagsalita sa oryentasyon.
Sa pagtatapos ng buong programa, naghatid ng pagtatapos na pananalita si Gng. Delos Santos na nagbigay pasasalamat sa lahat ng tumulong sa pagtawid ng oryentasyon na makakatulong para sa mga mag-aaral.









