Isinulat ni: Alaiza Eunice S. Cruz
Iwinasto ni Joebbie Krizel Gaugano
Sinuri nina Gng. Myra Jaime at Mark Matthew Vitug

Mga larawan nina John Michael Rodolfo, Anjel Faith Zia Mayo, Shawn Derick Sistoso

Inilunsad noong ika-15 ng Nobyembre, ang culminating activity ng Barkada Kontra Droga (BKD) at Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) para sa pagtatapos ng selebrasyon ng “ECONTRA 2024: Kabataan, Kalikasan, at Kalusugan Laban sa Droga” sa school gymnasium ng PCNSciHS.

Pormal na sinimulan ng 1:24 ng hapon ang programa sa pangunguna ni Elyzza Marie Esteban, Treasurer ng BKD, at Beia Loreez Rafanan, Secretary ng YES-O, kasunod ang pambungad na pananalita ni Bb. Kaye Transfiguracion, tagapayo ng YES-O.

Ipinagkaloob nina Shanellie Monique Dantes, Pangulo ng BKD, at Marian Tamayo, Pangulo ng YES-O, ang medalya at sertipiko na nagtagumpay sa Guhit Econtra Droga na si Carl Victoria para sa unang pwesto. Sunod na ibinida ang Tinta Econtra Droga na kung saan nakamit ni Freanne Grace Tenedor ang unang pwesto at si Marc Wayne Clemente para sa ikalawang pwesto. Inanunsyo rin ang mga panalo sa Pluma Econtra Droga na si Xyrel Canonoy na natanggap ang unang pwesto, si Chrisanto Domingo Jr. sa ikalawa, at si Ayesha Salazar sa ikatlong gantimpala.

Agarang sinimulan ang Musika Econtra Droga na dinaluhan ng ilang guro na sina G. Benjie Lañada, Gng. Mary Grace Dela Cruz, G. Jojo Ray Dela Cruz, G. Marlower Abuan, at kasama ang alumna ng PaSci noong nakaraang taong panuruan na si G. Nehemiah Sangalang bilang mga hurado. Unang nagpakitang-gilas ang Daydreamers kasama sina Tristan Bautista, Orange Alcaraz, Maria Fernandez, Gabrielle Dayangco, Khloe Encarnacion, Evamere Santos, at Gabriel Alfonso, banda ng ika-8 baitang, gamit ang kanilang mga talento.

Nahati ang pagtatanghal sa pagkilala sa mga kalahok sa Alam Econtra Droga na ginanap nitong Huwebes, ika-14 ng Nobyembre. Natanggap nina Christian Roque, Eliseo Ramos, Rhenoah Guerrero, Jarell Domingo, at Ryder Abello ang gintong medalya; Eugene Tan, Stephen Lacuesta, Sefani Navalta, Eisen Vicente, at Johann Balonsay ang pilak na medalya; Xyrel Canonoy, Neil Icaro, Angelique Inlong, Lara De Leon, at Christian Tabada naman ay tanso, habang sina Van Lee, Loren Mangahas, Ezra Quilitis, Peter Bien, at John Diaz ay sertipiko ng partisipasyon.

Nagpatuloy ang Battle of the Bands sa pagkanta ng Bandaritas na kaisa sina Kylie Sotolombo, Reign Bacarro, Clyde Pascua, Paul Coronel, Jirah Rowel, at Princess Calma, na kinatawan sa aktibidad ng ika-9 na baitang. Habang inaayos ng susunod na banda ang kanilang mga instrumento ay nabigyan ng pagkakataon ang mga manonood na makapagpahayag ng komento sa natunghayang kaganapan. Pagtapos ay nasubaybayan agad ang Bandalism, ang grupo ng ika-10 baitang na katuwang sina Danella De Vera, Drew Palmos, Sean Talisaysay, Xhian Alsola, Erica Puno, at Giovhana Aladen.

Nagkaroon muli ng paggawad ng papuri sa paglalaro ng Mobile Legends na bahagi ng Laro Econtra Droga na nagtampok sa sumusunod na mag-aaral: Ezekiel Montinola, Josh Presto, Jusly Laxamana, Kalel Coria, at Reign Bacaro ng ika-9 na baitang para sa unang parangal, sina Patrick Harn, Mcklain Gutierrez, Mervyn Valdez, Ryzen Bisoña, at Nicolo Aranas ng ika-12 baitang sa ikalawa, sina Neil Icaro, Marcus Francisco, David Lureñana, Francisco Joaquin, at John Cruz ng ika-11 baitang para sa ikatlo, sina Darvin Dela Cruz, John Bancod, sinundan nina Josh Del Rosario, Marc Vidal, at Julie Gatmin ng ika-10 baitang, sina Drew Dulay, Joseph Rogado, Nicole Sy, Rayma Tayco, at Mclorenz Gutierrez ng ika-8 baitang, at Jazlynn Nacario, Prince Torre, Jhemuel Tan, Lexi Sumodlayon, at James Lusuegro ng ika-7 baitang.

Pagkaraan ay ginanap ang ikaapat na pagtugtog ng bandang Barely Legal ng ika-11 baitang kabilang sina Adam Concepcion, Mark Llamas, Adrian Mendoza, John Paul Pana, Francis Taburnal, at Reizhen Tualla.

Pagkilala sa mga kasali ng Call of Duty Mobile ay nagpatuloy kabilang sina Chrisanto Domingo Jr., Harvy Peñero, Van Lee, Christian Roque, at Maricon Danieles na nag-uwi ng kampeonato, sina Jannina Guya, Gabrielle Nieves, Giovhana Aladen, Reinnier Briones, at Raven Antonio ng ika-10 baitang sa pangalawang pwesto, sina Carl Chua, Ayesha Salazar, Cristel Calucad, Bearenz Enema, at Marc Wayne Clemente ng ika-11 baitang sa pangatlo, sina Vince Guimba, Cyril Cardaño, Arkin Mendoza, Sarah Magdadaro, at Jusly Laxamana ng ika-9 na baitang sa ikaapat, sina Princebert Ruaya, Rael Azuela, Sofia Flores, Mark Sales, at Jian Penialber ng ika-8 baitang sa ikalima, at sina Ben Asis, Justin Moral, Ryder Abello, Ethan Panilag, at Mcbrend Bautista ng ika-7 baitang para sa ikaanim na pwesto.

Ang bandang Mekylla Villabanda ng ika-12 baitang ang ikalima at huling nagtanghal na binubuo nina Chrisanto Domingo Jr., Harvy Peñero, Din Naorbe, Matthew Vitug, John Picaña, Mekylla Villapaña, at Moises Pasco.

Sa pagtatapos ng mga pagpapakita ng angking kakayahan sa larangan ng musika ay sinulong sa parehong araw ang pagpaparangal sa mga nagwagi: Mekylla Villabanda sa unang pwesto (97.25), Bandalism sa ikalawang pwesto (95.5), at Daydreamers sa ikatlong pwesto.

Binigay ang sertipiko ng pagkilala sa mga hurado, mga opisyal ng dalawang organisasyon, at mga tagapangasiwa ng programa bilang pagwawakas sa naturang proyekto ng 3:18 ng hapon.