Larawana ni: Erin Sumeguin
Sinulat ni: Jacqui De Gueño

Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ang unang araw ng “Buklod 2024,” isang taunang kaganapan na naglalayong pag-isahin ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang organisasyon at lumikha ng masaya at makahulugang programa.

Tampok sa mga aktibidad ang iba’t ibang presentasyon mula sa mga kapisanan, kung saan masiglang nakilahok ang mga mag-aaral. Makikita sa mga larawan ang kanilang kagalakan habang nakikibahagi sa iba’t ibang mga gawain.

Ang unang araw ng Buklod 2024 ay naghatid ng saya at inspirasyon, patunay ng masiglang samahan at aktibong pakikilahok ng bawat isa. Abangan pa ang mga susunod na araw na tiyak magbibigay ng higit pang sigla at diwa ng pagkakaisa!