| Adrian Banaag
| Vincent Besmonte
Nakibahagi sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ang mga mag-aaral, guro, at iba pang kinatawan ng Pasay City National Science High School (PCNSciHS) ngayong ika-11 ng Setyembre, kaninang alas-4:00 ng hapon.
Pinangunahan ni Gng. Sarah Jane T. De Los Santos, kawaksing punongguro ng PCNSciHS, katuwang ang Batang Empowered at Resilient Team (BERT), Red Cross Youth (RCY), Boy Scouts of the Philippines (BSP), Girl Scout of the Philippines (GSP), at Sentience ang nasabing gawain.
Sa pakikipagtulungan nina Chairman Alejandro Acabado III at iba pang barangay officials ng Brgy. 98, matagumpay na nakalikas ang lahat ng mga kinatawan at mag-aaral ng PCNSciHS sa loob ng tatlong minuto at 25 segundo.







