Idinaos ang 23rd Foundation Day ng Pasay City National Science High School na dinaluhan ng mga mag-aaral, guro, alumni, at barangay officials nitong ika-27 ng Hunyo.

Pormal na binuksan ni Gng. Sara Jane Delos Santos, kawaksing punongguro, ang pagdiriwang sa kanyang pambungad na pananalita.

“Honor the past, cheer for the present, and get excited for the future,” ani Gng. Delos Santos.

Nagbigay naman ng inspirational message si Dr. Mark Anthony Familaran, punongguro, habang nagpaabot naman ng pagbati ang mga dating punongguro at alumni ng PaSci.

“United by our shared identity,” pahayag ni Dr. Familaran sa kanyang mensahe.

Pagkatapos nito, ginawaran ng plake ang mga gurong nakapagsilbi ng dalawampu o higit pang taon sa nasabing paaralan.

Nakapaglingkod ng dalawang dekada sa larangan ng edukasyon sina Gng. Michelle M. Carranza, Master Teacher II; Gng. Lejanie T. Baya, Teacher III; at Gng. Demetria M. Lappay, Teacher III; mula sa Kagawaran ng Agham at Teknolohiya.

Dalawang dekada at isang taon naman ang serbisyo nina Gng. Arlyn L. Esber, Head Teacher III sa Kagawaran ng Sipnayan; G. Jesse R. Sigua, Teacher III sa Kagawaran ng MAPEH; Gng. Anabella V. Cusi, Master Teacher II; at Gng. Jackyline T. Lagaña, Head Teacher III sa Kagawaran ng Ingles.

“Staying is also a kind of success,” ani Gng. Lagaña, pinakamatagal na aktibong guro, sa kanyang talumpati ng pagtanggap.

Sinundan ito ng promosyon ng mga interaktibong booth na pinangunahan ni Gng. Chiradee Javiniar, pangulo ng PCNSciHS Teachers and Employees Association .

Naghandog din ng pampasiglang pagtatanghal ang ilang mag-aaral mula sa Galaw Siyensya.

Naisagawa nang matagumpay ang unang bahagi ng programa sa pangunguna nina Gng. Mariecar Medina at G. Jojo Ray Dela Cruz, mga tagapagpadaloy ng programa.