Isinulat ni Zacharie Macalalad 
Sinuri ni Gng. Myra R. Jaime
Kuha ni Bb. Marry Camile Landagan

Nagwagi ang dalawang Pascians sa Regional Philippine Casio Math Challenge na ginanap sa Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales, lungsod ng Mandaluyong nitong ika-15 ng Marso.

Natamo ni Ronan Kaiser Julian A. Castro ang Top 6 sa Dibisyon ng Senior High School habang naabot ni Cedrick James B. Ramirez ang Top 7 sa kategorya ng ikawalong baitang.

Nakamit ng mga mag-aaral ang karangalang ito sa ilalim ng pagsasanay nina Bb. Rexielle Joy V. Villareal kay Castro at Gng. Abegail Aborde – Villanueva kay Ramirez