Isinulat ni: Althea Loro
Sinuri nina: Gng. Myra Jaime at Ayesha Salazar
Patnugot ni: Shan Galura
โ๐พ๐ค๐ฃ๐๐ง๐๐ฉ๐จ!โ…
Isang sambitla na may libo-libong kahulugan. Maaaring para sa iba ay isa lamang itong simpleng pagbati ngunit sa totoo lang ay malalim ang mensaheng nais nitong iparating. Isang salita, walong titikโฆ punong-puno ng makabuluhang mga aral at alaala na madadala hanggang sa pagtanda.
Isang taong panuruan na naman ang matutuldukan. Aminin nating hindi ito naging madali. May mga pagkakataong napagod at nabigo tayo sa mga gawaing itinakda para sa atin. May mga panahong sumasagi na lamang sa ating isipan na sumuko ngunit sa huliโฆ tayo ay nagwagi. Hindi tayo nagpatalo sa mga pagsubok. Hindi tayo nagpadala sa lakas at bigat ng mga problema. Tayo ay nagpakatatag, hindi nagpatinag. Luha man ay pumatak, ito ang nagsilbi nating kalasag. Lumaban tayo; hinarap natin ang mga takot at pangangambang gumambala sa ating mga puso. Lahat ng paghihirap na ating naramdaman ay nagbunga ng isang taong siksik ng mga realisasyong tiyak na makatutulong sa pagpapaunlad ng ating mga sarili.
๐๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐บ ๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข. Sa wakas ay nalampasan na! Lilipat na patungong susunod na kabanata ang ating mga buhay. Muling mapupuno ng mahahalagang karanasan ang mga darating pang pahina ng ating mga kwento. Sa pagitan nito ilalatha ang mga aral na hindi lamang pang-akademiko kundi pati na rin ng mga aral na maisasabuhay sa mga araw na daraan. Idagdag pang naroon ang mga alaalang magbibigay ng ginhawa sa ating mga puso. Hinding-hindi rin mawawala ang mga karanasang huhubog sa ating pagkatao.
๐๐ข๐จ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ช๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด, ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐บ ๐ด๐ช๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ฑ๐ข ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ. Simula ng mga hakbang na ating tatahakin tungo sa ating mga minimithi. Ang isang taong tagumpay na ito ay hindi lamang pansarili bagkus ito ay isang tagumpay ng lahatโmga mag-aaral, guro, magulang, at iba pang mahal sa buhay.
Sabay-sabay nating baunin ang nakaraan upang harapin ang kinabukasan. Sa labang ito ay walang mag-iisa. Hawak-kamay tayong magpursigi, magtiis, at magsikap upang sa huli ay masungkit natin ang mga nagniningning nating mga pangarap.
Pagbati, T.P 2024-2025!
