Matagal pa, pero akoโy pagod na pagod na. Ibang-iba na ang tingin ko sa buhay ngayong dose-dosenang responsibilidad na ang aking kinahaharap. Mula sa aming munting tahanan hanggang sa paaralan, tila baโy sandali na lamang ay iwawagayway ko na ang puting bandila, dala-dala ang aking mga sakripisyo at paghihirap. Alam kong hindi agad natatapos ang paglalakbay para sa aking mga pangarap. Kaya hanggaโt maaari, sinusubukan kong tibayan ang loob ko at patuloy na kayanin ang mga hamon ng buhay.
Kaya naman, sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob ay sinusulatan ko ang aking sariliโhindi upang humingi ng simpatiya, kundi upang mag-iwan ng paalala: Kinaya ko ang kahapon at patuloy akong lalaban para sa mga susunod na bukas.
Naalala ko noon, ang dami kong kailangan gawin. Kailangan kong mag-ensayo para sa performance task sa sayaw, mag-aral para sa sunod-sunod na pagsusulit kinabukasan, at higit sa lahat, maghanda para sa presentasyon ng grupo. Aaminin ko, sa mga oras na โyon, gusto ko na lang maglaho o โdi kayaโy maging isang pusang kain-tulog lang ang ginagawa sa buong maghapon. Dumating pa nga ako sa punto na napadasal ako ng, โLord, hindi po ako bahagi ng sandatahang lakas Ninyo…โ Pero syempre, โdi ko tinuloy dahil baka madagdagan na naman ako ng minus 1 sa langit.
Ang nagawa ko na lang ay tumingin sa salamin at umiyak. Limang minuto lang. Kasi kailangan ko pa rin talagang mag-aral.
Pero sa limang minuto na โyon, may nakita akong iba sa salamin. Hindi ang ako na ngayon, kundi โyung batang ako. Umiiyak din siya. Pagod ding tulad ko. Pero may kaibahan kaming dalawa: siya, hindi sumuko. Samantalang ako, litong-lito kung magpapatuloy pa ba o hindi na. Doon ko napagtanto na kung siya, na mas bata at mas inosente, ay kinaya ang lahatโ ano pa kaya ako ngayon? Kaya ko rin. Kung paanong sinabayan ng batang ako ang agos ng buhay, siguro, hindi masama kung siya ang maging dahilan kung bakit gusto ko pang ipagpatuloy ang lahat nang ito.
Gaya nga ng liriko sa kantang 711 ni Toneejay, gusto kong ibigay buhay na gusto at karapat-dapat maranasan ng batang ako. Salamat sa batang ako, sapagkat hindi siya sumuko. Napagod lang, pero lumaban pa rin. Hindi ko maisusulat ito ngayon kung siyaโy nanatili lang sa gitna ng rumaragasang alon ng buhay. Kaya iniaalay ko ang lahat ng tagumpay ko, sa mga pagsubok na kinaya ko, sa mga desisyong naging daan ng aking pagkatuto. Sa kanya. Sa batang ako.
Mapapagod lang pero hindi susuko.
Para sa lahat ng makababasa nito, nais kong ipaalala sa inyo: ayos lang bumagal. Ayos lang na pansamantalang huminto para huminga. Hindi naman matatapos ang pagtakbo mo sa iyong mga pangarap kung magpapahinga ka. Hindi naman palaging madugo ang problema. Gaya ng lahat ng bagay, ito rin ay lilisan at magbabago.
๐๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ธ๐ผ, ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐บ๐ผ.
Kaya mo โyan. Kaya ko โto. Kakayanin natin ang lahat ng ito.
