Mahal kong Talaarawan, Balik-eskwela na naman! Panahon na ulit ng alarm clock na hindi naman pinapansin, uniform na parang lumiit, at baong ang laman ay… dasal na sana walang quiz. Iba ang pakiramdam ngayon, ‘no? Hindi lang kaba, kundi puno ng pag-asa! Ang daming bagong mukhang makakasalamuha pero may iisang layunin—ang matuto, mangarap, at muling magsimula. Sa bawat araling matututuhan, may bagong aral din sa buhay na matutuklasan. Minsan, tayo’y mapapagod at malilito, ngunit walang magbabago— dahil ang bawat hakbang, maliliit man o mabagal, ay papalapit sa pangarap. Iba-iba man tayo ng baong kuwento, lahat naman tayo ay may pare-parehong baong lakas ng loob. May iilan na tahimik ngunit puno ng tapang, may iilang kabado pero hindi humihinto. Parang ako lang. Hindi pa perpekto, pero nais matuto. Para sa bawat umagang mapupuno ng pag-asa, ito na ang simula. Hanggang sa susunod, – Ako, ang estudyanteng may pusong puno ng pangarap.
Sa Likod ng Matitibay na Tahanan
Sa bawat tahanan, may isang indibidwal na nananatiling tahimik ngunit matatag — ang ating mga ama. Hindi man siya palaging sentro ng kwento, siya naman ang haliging nagbibigay-lakas sa buong pamilya. Sa likod ng kaniyang katahimikan ay ang walang sawang pagsusumikap kung saan ang bawat patak ng kaniyang pawis ay siyang patunay ng mapagsakripisyo niyang pagmamahal. Ang kaniyang pagmamahal ay hindi palaging dinadaan sa mga salita, kundi sa walang-hintong pagkayod at pagbibigay ng lahat ng makakaya upang makamit lamang ang maginhawang kinabukasan para sa pamilya. Ang ating mga ama ang tunay na simbolo ng katapangan— hindi uri ng tapang na palaban, kundi uri ng tapang na marunong magsakripisyo. Sa bawat paghakbang ng kaniyang mga anak, asahan mong siya ang unang sumusuporta, kahit pa tila’y pasanin niya ang bigat ng mundo. Hindi niya ipinapakita ang pagod, dahil para sa kaniya, mas mahalagang makita ng anak ang tibay ng loob kaysa kahinaan ng katawan. Maraming ama ang piniling isantabi ang sariling pangarap upang unahin ang pangarap ng kanilang anak. Sapatos na luma, damit na kupas, puyat at pagod —lahat ng ‘yan ay patuloy na kinakaya alang-alang sa pamilya. Hindi sila naghihintay ng kapalit, sapagkat para sa kanila, ang bawat ngiti at tagumpay ng anak ay sapat na gantimpala. Sa Araw ng mga Ama, nawa’y hindi lamang ito maging selebrasyon ng pagbibigay, kundi paggunita sa lahat ng di-mabilang na sakripisyo ng ating mga ama. Araw upang maipadama ang pagmamahal, paggalang, pasasalamat, at iparamdam sa kanila na ang kanilang mga sakripisyo ay hindi kailanman nalilimutan. Ang simpleng “Salamat, Tay,” ay maaaring magpagaan ng bigat na matagal na nilang dinadala. Sa likod ng matitibay na tahanan ay may isang ama na mayroong puso ng isang tunay na bayani — bayaning hindi nangangailangan ng kapa o papuri, kundi isang yakap at pagkilala. Sa bawat tahanan, nawa’y hindi makalimutan ang halagang hindi matutumbasan ng salapi: ang pagkakaroon ng isang amang handang ialay ang lahat, para sa mga minamahal niya na higit pa sa sarili. — Sanggunian ng dibuho: https://www.facebook.com/share/12KJ2m9F4YN/?mibextid=wwXIfr
Graphing Growth
By Xyrel James CanonoyCopyedited by: Ayesha Julia RonquilloPublication by: Claire Mendoza This is probably one of the last write-ups I’ll ever publish under The Quantum, and honestly, I didn’t expect to be the one assigned to this. But maybe it makes sense. Maybe some stories are best told by someone who’s seen things unfold up close—someone who’s had the chance to witness the subtle shifts and silent growth of a school under new leadership. So, allow me to write this piece in the language I know I can be personal at best: a mix of English and Tagalog. A little unusual, just like this story. Today marks the first year of Dr. Mark Anthony Familaran as Principal of Pasay City National Science High School. Now, let me say this upfront: I’m not a mathematician. I’ve always been more of a writer than a problem-solver. I can’t recite trigonometric identities from memory, and math was never my strong suit. But if there’s one thing I’ve learned from math, it’s that every good solution starts with understanding the problem, finding patterns, and working patiently toward progress. If there’s one thing I’ve seen in Dr. Familaran’s leadership, it’s exactly that. I never really enjoyed solving for x, and my mind works better with metaphors than formulas. But I’ve learned that in every math problem, consistency matters. And in this school, since this year, we have seen that consistency in him. You’ll notice his mathematical background in the way he runs the school: organized, structured, may sistema. But what makes it work is that he leads with empathy. Hindi lang puro rules, kundi may rason. Hindi lang puro “no,” kundi may paliwanag. May disiplina, pero hindi nawawalan ng malasakit. When I first heard we had a new principal last year, natural lang na kabahan. I didn’t know what to expect. Strict ba siya? Mahirap kausap? Magpapatawag kaya bigla pag may editorial article na pinost sa page? Pero sa unang buwan pa lang, ramdam ko na agad: he wasn’t that kind of principal. In fact, opposite siya. Dr. Familaran has what I can only describe as an “open-door” presence. Literally and figuratively. Never naging nakakatakot pumasok sa opisina niya. In fact, minsan siya pa ang magsasabing, “Halika, upo ka muna.” Whether it was to clarify a project, update him on a publication, or just share ideas, he always made time. Laging may space—hindi lang sa upuan sa harap ng desk niya, kundi sa mismong conversation. He gives that space for the faculty and students to grow, to experiment, to make mistakes—pero hindi tayo pinababayaan. That, I believe, is what real leadership looks like. As a student and as someone who led the school publication for a time, I felt the difference. The trust he gave us. The way he supported student initiatives without taking control. The way he made everyone feel seen—students, teachers, staff. I may no longer be the Editor-in-Chief of The Quantum, but it feels right that this article, one of my last for the publication, is about someone who continuously leads with heart and humility. This might sound dramatic, pero totoo: Pasay Science felt more like home this past year, and a huge part of that is because of Dr. Familaran. He created a culture where students felt heard and faculty felt respected. A place where collaboration thrived, all while staying humble, lowkey, and unshaken. Leading a science high school is no easy task. But he did it, and continues to do it, with grace, patience, and authenticity. Sir Fam, thank you. For showing us that leadership doesn’t need to be loud to be strong. That rules can come with understanding. That even in a school built on science and logic, empathy can still be the formula that holds everything together. Happy first anniversary as our Principal. You are, without a doubt, the best kind of constant this school could ever have. And if life really is one big equation, then this year, under your leadership, we found balance. #TQ2526
Eid’l Adha
Ngayong ika-6 ng Hunyo, ating ipinagdiriwang ang Eid’l Adha — kilala rin bilang Pista ng Sakripisyo. Sa ating mga kapatid na muslim, nawa’y maging makabuluhan ang inyong pagdiriwang na puno ng kapayapaan at pagmamahalan. Kami ay nakikiisa sa inyong selebrasyon at dalangin na nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Maykapal sa inyong pananampalataya. Eid Mubarak!
Mahalaga ka.
Ngayong sumapit na ang Buwan ng Hunyo, dala-dala natin ang iba’t ibang kwento ng pag-ibig—mga kwentong hindi lamang nagpapakita ng katapangan, kundi ng kalayaan. Pag-ibig na nagsasabing karapat-dapat kang magmahal at mahalin, kahit minsan ang mundo ay sinusubukan kang patahimikin. Isa itong pagdiriwang ng malalim na kahulugan ng kalayaan at pagmamahal. Pagmamahal na hindi nakakulong sa kung ano ang idinidikta ng lipunan. Dahil ang pag-ibig ay mapagpalaya. Sa ating patuloy na paglaban para sa mga karapatan, mahalaga ka—hindi lang ngayon, hindi lang ngayong buwan na tila may puwang ka sa mundo, kundi lalo na sa mga araw na pakiramdam mo’y wala kang halaga. Sa mga gabing tila hindi ka nauunawaan. Sa mga oras na napapagod kang ipaglaban ang sarili mong katotohanan. Sa mga panahong iyon, may kakampi ka. May puwang na sa’yo nakalaan. At may pag-ibig na handang sumalubong kahit sa gitna ng katahimikan. Pag-ibig na mananatili kahit hindi madali. Sa panahong ang pagmamahal ay rebolusyon, ang pananatiling totoo sa sarili ay isang anyo ng katapangan na kailanma’y hindi matatalo.
When a teacher writes from the heart, the world listens.
Mr. Mark Reniel Balolo, The Quantum’s School Paper Adviser, has just been featured on the UNESCO Asia-Pacific Teacher Exchange for Global Education (APTE) blog. His essay entitled ‘Thoughtful Tears’, is a breathtaking reflection on Teachers’ Day. An ode to the quiet power, unseen labor, and enduring grace of those who choose to teach. In a world that often overlooks the soul of education, Sir Mark’s words remind us that teaching is not just a profession, but a promise—to care, to guide, to never give up. Read Thoughtful Tears and witness a story that speaks to every teacher’s heart: https://aptenpebbles.blogspot.com/…/teachers-day-around… A Pascian voice. A global platform. A story that lingers.
Sanaysay ng Pascian Teacher, Inilathala ng UNESCO APTE
Isinulat ni: Zacharie MacalaladPatnugot ni: Psalm NuguitSinuri nina: Gng. Myra Jaime at Ayesha Salazar Itinampok sa blog ng UNESCO Asia-Pacific Teacher Exchange for Global Education (APTE) ang sanaysay ni G. Mark Reniel L. Balolo, Teacher III ng Pasay City National Science High School at kasalukuyang guest teacher sa Suncheon Hyosan High School sa Korea. Bilang paggunita sa Araw ng mga Guro sa Korea noong ika-15 ng Mayo, hinilingan ng APTE sina G. Balolo at isang guro mula sa Mongolia na ibahagi ang kanilang mga alaala tungkol sa pagdiriwang sa kani-kanilang bansa. Sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Thoughtful Tears,” inilahad ni G. Balolo ang mga kaugalian ng mga Pilipino tuwing ipinagdiriwang ang Araw ng mga Guro. “On October 5, students or the school’s Supreme Student Government often organize events, sometimes with special activities planned for each class. Students show their appreciation by giving flowers, chocolates, handwritten letters, small gifts- or even singing songs for their teachers!” ayon sa kanya. Dagdag pa ng guro, nadarama niya ang malalim na pasasalamat at kasiyahan tuwing ipinagdiriwang ito. Sa kanyang halos siyam na taong pagtuturo, nauunawaan niyang hindi madaling propesyon ang pagtuturo dahil kalakip nito ang malaking responsibilidad sa paghubog ng pagkatuto at pangarap ng mga mag-aaral. Isa si G. Balolo sa mga kalahok sa Korea-Philippines Teacher Exchange Program 2025, na bahagi ng APTE. Layunin ng programang ito na paigtingin ang pandaigdigang kakayahang pang-edukasyon, palalimin ang pag-unawa at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa, maibahagi ang mga karanasang pang-edukasyon, at mapabuti ang kabuuang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto. Bisitahin ang link na ito para mabasa ang buong sanaysay ni G. Balolo, “Thoughtful Tears”: https://aptenpebbles.blogspot.com/…/teachers-day-around…
PCNSHS Celebrates Education Support Personnel Day with Fun, Camaraderie, and Heartfelt Appreciation
(By Ms. Arlyn Esber and Ms. Rosalida Sinsuan) Pasay City, Philippines – May 16, 2025 — In honor of the often-unsung heroes of the education sector, Pasay City National Science High School (PCNSciHS) celebrated Education Support Personnel Day with a full day of festivities, recognition, and gratitude dedicated to its non-teaching staff. Declared a special working holiday by President Ferdinand Marcos Jr. through Republic Act No. 12178, May 16 has been set aside to acknowledge the essential contributions of education support personnel—those working behind the scenes to ensure the smooth functioning of schools across the nation. Under the leadership of Dr. Mark Anthony Familaran, Principal II, and Ms. Sara Jane De Los Santos, Assistant Principal II, PCNSciHS embraced this national celebration by treating its non-teaching staff to a well-deserved break from their daily routines. The day began at the SM Mall of Asia Entertainment Area, where the staff engaged in a friendly and spirited bowling tournament. Laughter filled the arcade as colleagues teamed up, cheered each other on, and enjoyed the camaraderie that extended far beyond the school walls. Following the games, the group moved to a videoke lounge, where hidden singing talents took center stage. The joyous energy of the gathering highlighted the vibrant and close-knit nature of the PCNSciHS staff community. The celebration culminated in a hearty dinner at Congo Grill Restaurant, where warm conversations and delicious food were shared. School leaders took this moment to express their deepest appreciation for the dedication and support of the non-teaching personnel. Dr. Familaran reflected on the importance of their work, noting, “Kaya pala napapalitan taon-taon ang principal, nananatiling maayos ang takbo ng Science, kasi po ang admin ay nagtutulungan.” (“Perhaps the reason the school continues to function smoothly despite changes in leadership is because the administrative staff always work together in harmony.”) More than just a day of leisure, the event served to recognize the integral role of non-teaching staff in the success of the institution. From administrative support to operations and logistics, these individuals ensure that students and teachers alike have the environment and resources needed to thrive. As the evening wound down, participants left not only with full hearts and satisfied appetites but also with a renewed sense of unity and purpose. With celebrations like these, PCNSciHS continues to foster a culture of appreciation, teamwork, and mutual respect—proving that every role, whether inside or outside the classroom, is vital to educational success.
Panulat, Paninindigan, at Pangarap
Isinulat ni: Claire DomendenDibuho ni: Leigh Ann PradoSinuri nina: Gng. Myra Jaime at Ayesha Salazar Ngayong sumapit na ang ika-19 ng Mayo 2025, unti-unting tumitindi ang tibok ng puso ng bawat kabataang mamamahayag sa bansa. Ang National Schools Press Conference (NSPC) ay higit pa sa isang paligsahan — ito ay isang paglalakbay ng mga kabataan na handang maging tagapagsalita ng katotohanan. Hindi lamang ito laban ng talino at husay, kundi laban din ng prinsipyo at layunin. Sa entabladong ito, bitbit namin ang panata: magsulat hindi lang para manalo, kundi upang mamulat, magmulat, at magsilbing tinig ng bayan. Hindi madali ang paghahanda. Habang ang iba’y nagpapahinga, ang mga mamamahayag ay nakayuko sa mga papel, nakikipaglaban sa pagod at pagpupuyat. Isinusuko ang ginhawa at aliw ng karaniwang kabataan — ang gala tuwing Sabado, ang tulog sa hapon, at minsan pati na ang mga kasiyahan kasama ang pamilya. Lahat nang ito’y pinapalitan ng oras para magsanay, magsulat, at patuloy na humasa ng kakayahan. Para sa amin, ang bawat sakripisyo ay binhi ng tagumpay. Kasama rin sa paghahanda ang paglampas sa sariling mga takot. Oo, ngayon kami’y kinakabahan — sa bigat ng kompetisyon, sa laki ng inaasahan. Ngunit sa halip na umatras, kami’y lalapit pa lalo. Sapagkat ang tunay na mamamahayag ay hindi lang mahusay magsulat — marunong ding tumindig sa gitna ng kaba, maglakad sa kabila ng duda, at magsalita kahit walang pumapalakpak. Ang NSPC ay higit pa sa tropeo. Isa itong paalala na ang aming boses ay mahalaga. Na sa murang edad, kaya nating magbigay-liwanag, mag-udyok ng pagkilos, at maghatid ng kaalaman. Isa tayong pwersa — kabataan na may panulat, kabataan na may layunin, at kabataan na handang magsakripisyo para sa mas malaking dahilan kaysa sa sarili. At ngayong papalapit na ang laban, dala-dala namin ang kani-kaniyang layunin, husay, at puso. Hindi kami perpekto, pero kami’y handa. Handa kaming magsulat para sa bayan, magsalita para sa katotohanan, at makinig sa tinig ng bawat Pilipino. Sa NSPC, kami ay hindi lamang mga kalahok — kami ang kinabukasan ng malaya at responsableng pamamahayag.
Bantay sa Balota
Isinulat ni: Rhian Ariana B. BelardeDibuho ni: Leurlee Sicat Mapapaisip ka talaga kung sino nga ba sa mga politiko ngayon ang tunay na tapat at may malasakit sa bayan? Sa tuwing nalalapit ang halalan, nagsusulputan ang mga mukha sa bawat sulok ng kalsada, nasa tarpulin at billboard, maging sa telebisyon at social media. Kumakaway, ngumingiti, at nang-aakit ng boto sa pamamagitan ng mga pangako na kadalasan nama’y napapako. Sa mga panahong ito, marahil, sila’y kumakatok sa bawat pintuan, bitbit ang kanilang mga plataporma. Mga programa na ika nga nila’y hindi lamang para sa ikabubuti ng mga mamamayan kundi pati na rin sa ikauunlad ng bayan. Mga pangako na paulit-ulit nang naririnig ng mga mamamayan na umaasang umunlad ang buhay. Pabahay, trabaho, edukasyon at kalusugan na kadalasan nama’y natatapos lamang sa salita. Tuwing eleksyon, hindi lamang plataporma o mga pangako ang lumalaganap, kundi pati na rin ang mga maling impormasyon, partikular na sa mga kandidato. Noong 2022, lumabas sa isang sarbey ng Pulse Asia na 90% ng mga Pilipino ang naapektuhan ng mga pekeng balita na may kaugnayan sa pulitika. Ito ay maituturing na banta sa katotohanan, maging sa matalinong pagpili ng mga mamamayan. Sa darating na halalan 2025, na gaganapin sa ika -12 ng Mayo, muling susubukin ang husay at pagiging mapanuri ng sambayanang Pilipino sa pagpili ng mga karapat-dapat na pinuno. Ayon sa datos ng Commission on Elections (COMELEC), mahigit 68 milyon ang rehistradong botante ngayong taon. Sa nakaraang eleksyon, umabot sa 83% ang voter turnout, ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng bansa. Samakatuwid, inaasahan na magpapatuloy ang mataas na antas ng partisipasyon ng mga Pilipino sa darating na halalan. Sa muling pagtaya sa balota, tayo ang may pinakamalakas na boses na may kapangyarihang pumili ng tamang pinuno. Mahalagang suriin hindi lamang ang galing magsalita kundi ang tunay na track record, mga proyektong nagawa o mga batas na naipasa. Hindi sapat ang pagiging sikat, o ang pagiging anak ng dati ring politiko. Sa pamamagitan ng matalinong pagboto, ang bawat Pilipino ay ang magsisilbing daan sa pagluklok ng mga karapat-dapat na pinuno. Bilang mamamayan, ang pagboto ay isang pananagutan, isang karapatan na kailangang gamitin nang may pag-iisip at paninindigan. Marahil, ang ilan ay mayroon nang napupusuan. Ngunit naitanong n’yo na ba sa inyong mga sarili kung ang inyong kandidato ay may sapat na kaalaman, kakayahan, at tunay na malasakit sa bayan? Ngayong 2025, habang isinasaalang-alang ang tanong na ito, kanino mo ibibigay ang boto mo?



