Isinulat nina Zacharie Macalalad at Matthew Vitug

Mga larawan ni Mervyn Valdez

Sinuri ni Gng. Myra R. Jaime


Ginanap ang pinakaunang mga misa ng iba’t ibang relihiyon sa Pasay City National Science High School para sa panuruang taon na ito.

Kahapon nang umaga, nagdaos ng misa ang Simbahang Katoliko sa gymnasium ng paaralan, ang Every Nation Campus (ENC) sa kantina, ang mga Muslim sa silid-aklatan, at ang iba naman ay sa Guidance Office.

Nagsimula ang pagtitipon ng ENC sa pamamagitan ng pagkanta ng mga awit sa pagsamba na sinundan ng panalangin.

Nagtapos ito sa panalangin na pinangunahan ni Nehemiah Sangalang, isang alumni ng PaScie at ng mga kinatawan ng ENC, kasabay ng pamamahagi ng mga libreng Bibliya para sa mga dumalo.

Idinaos ang misa para sa mga Katoliko, kaisa ng ating punong tagapagdiwang Reberendo Padre Edgardo C. Coroza Kura Paroko ng San Roque kasama ang Resident Deacon Rev. Raymart de Guzman.

Binigyang kahalagahan sa misang ito ang pista ng Mahal na Ina ng Banal na Santatlo, na sinundan ng tradisyunal na pagsamba, kasama ang pag-awit ng mga himno, pagbasa ng Banal na Kasulatan, at pagninilay sa Ebanghelyo.

Samantala, ang mga Muslim na mag-aaral ay nagtipon-tipon sa silid-aklatan ng PaScie.

Habang ang iba namang relihiyon ay nagkaroon ng Bible sharing sa Guidance Office.

Ang mga seremonyang ito ay nagbigay ng pagkakataon sa bawat isa na magbahagi ng kanilang pananampalataya at panalangin, na nagpapakita ng pagkakaisa at respeto sa iba’t ibang relihiyon sa loob ng paaralan.